PMT Forum

News: Present! Present! Present! -- Sign the AUGUST 2016 Attendance Sheet to record your attendance every day!

 
 
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?

Author Topic: Sari-saring Kwentong Kababalaghan, Katatakutan at Di Pangkaraniwan  (Read 146737 times)

Offline annanymous

  • Anonymous
  • Moderator
  • *
  • Posts: 2,071
  • Thanks Received: 0
  • Start small. Dream big. Never say die.
Mula sa "supernaturals anyone?" thread:


Ang akin lang, I had difficulty closing what other says as third eye kaya  shy away na lang baka ma-trigger ulit.



Baligtad tayo, i'm trying to open mine minsan kasi pag nagmemeditate ako i can sense them pero I can't see them



hehehe i have also experiences with this things. Some are wierd and scary while some are nice naman, pero di po open ang 3rd eye ko. I don't want to.. kahit minsan nakakakita rin ako.  takot ako ....



kayo na magstart ng bagong thread. share your scariest experiences
ala SKL ba?


Naniniwala ka ba sa multo? eh sa aswang? sa mga engkanto at laman-lupa? Nakakita o nakaramdam ka na ba ng mga di pangkaraniwang nilalang? May alam ka bang kwento o karanasan na kababalaghan, katatakutan o makapanindig-balahibo? Share mo naman.

Malapit na ang Halloween at Undas, masarap magtakutan ngayon. :hihi:

Offline part_timer_lang

  • Moderator
  • *
  • Posts: 1,207
  • Thanks Received: 1
  • Looking for...........$$$$ hehehe
Ako, wala pa akong nakikitang nakakatakot pero sarap manood ng mga kuwentong kakaiba kagaya ng "The Adventures of Pedro Penduko"  :hihi:

Offline FutureGizmo

  • Admin
  • *
  • Posts: 5,058
  • Thanks Received: 5
  • Bazinga!
Ako naniniwala ako na totoo sila pero wala pa ako actual experience. Masarap nga magtakutan uli ngayong panahon ng November 1, na-miss ko nga rin yung All Saints Day special ng Magandang Gabi Bayan dati. :eek:
Join our 46,000+ PinoyMoneyTalk fans on Facebook!
:b_hi: Like, Like, Like PMT on Facebook now!

PMT Forum

* * * * * sponsored links * * * * *

Offline rma2003

  • PMT Charter Member
  • PMT Idol
  • *
  • Posts: 2,281
  • Thanks Received: 0
  • Gender: Male
  • Relaxing While Earning Online
Mmm ... I have some experiences first-hand. Believe me, they're
not something to play with.

:cool:

Offline happykill

  • Posting Guru
  • *
  • Posts: 405
  • Thanks Received: 0
  • Gender: Male
  • fishing escapades
hmmm nasimulan na rin pala tong thread. :yehey: So simulang na nating magkatakutan. I had two scariest experiences that I would love to share.

One was when I was on my college years doing my thesis. I was about to sleep and just closed the lights. As in kakahiga ko palang sa bed at kakapikit, then pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Kaya dinilat ko mata ko tapos may nakita akong shadow sa paanan ko. Kasing laki ng 4 - 6 years old na bata yun shadow. Wala akong makitang mukha kungdi a child figure. Then she spoke to me. "Wag kang matakot di naman kita aanuhin" in a tiny girl voice. Ayun di ko na alam kung pano ako napunta sa kabilang kwarto. Binalikan ko yun room ko after few minutes wala na sya. Ever since di na sya nagpakita.

The other was just this year. I was going to the kitchen to get a glass of water. Then pagbalik ko sa room ko nakita ko bukas yun door ng CR namin. I-close ko na sana yun door pero paglapit ko may nakita akong babae naka itim, mahaba ang buhok naka face sa corner wall ng cr. Ayun di ko na lang sinara at natulog na lang ako.

So kayo naman mag-share. Marami pa akong na-experience pero eto na yun pinakanakakatakot na na-experience ko. Mas takot kasi ako sa nakikita hindi yun naririnig.   :hihi:

Offline ghanie

  • Forum Tambay
  • *
  • Posts: 537
  • Thanks Received: 0
dati nun elem. pa ako sa cr sa school meron ako nakitang girl na nakadamit ng kulay green tapos mahaba buhok, nagsasalamin sya, ako naman syempre walang malay kung ano sya, nagsalamin din ako, kaso pagtingin ko sa salamin wala syang mukha. takbo talaga ako non sa sobrang takot ko.

tapos this lang. dun sa isang bahay na nalipatan namin, walang pinipiling oras. minsan may naglalakad sa sala, minsan may parang kumakalabit sayo. ayun pala sabi talaga daw meron nagpaparamdam dun sa house na yun, iniwan na lang namin yun house humanap kami ng iba.

PMT Forum

* * * * * sponsored links * * * * *

Offline Pyramus

  • Associate Member
  • *
  • Posts: 55
  • Thanks Received: 0
  • Gender: Male
Happykill ok experiences mo ha.  For me I didn't actually experienced it but some how believed on it.

Well it started way back Feb 2000. I was still workin in Subic with some co-workmates renting an apartment. Our apartment is a cluster of 3 units sa amin yung pinaka-unahan. Apartment next to us lived a small family of 4 with 2 small siblings aged around 4 & 6.  Hapon noon around 4PM saturday usually pahinga lang sa bahay after doing weekly course, nang suddenly we over-heard the other apartment's 2 kids shouting, crying and screaming so dali-dali kami
lumabas to check it out.

According to the kids they were playing inside the room nang suddenly there appeared a tall dark-black guy standing by the corner of their room at first kala nila bisita ng mama nila kaya inaya nilang maglaro.  As they approached the the black thing the guy just ran against the wall and completely vanished kaya sila nagsisigaw.  For us we really didn't believed in the story.  But the strange thing is that late evening dumating roomate namin galing overtime we were already sleeping in our room when suddenly he too started to shout kaya nagising din kami.  Sabi as he entered the room may nakita raw siyang black looking figure lying beside us staring at him  :eek: as he approached to confirmed who it was it suddenly banished w/o a trace.

From that moment naniwala na kami dun sa mga bata.  That this phenomenon really do exist.





Offline FutureGizmo

  • Admin
  • *
  • Posts: 5,058
  • Thanks Received: 5
  • Bazinga!
Pagkatapos kong magustuhan ang "The Ghost Whispherer" tv series ni Jennifer Love Hewitt, naniwala ako na itong mga multong ito ay posibleng mga kaluluwa nga na nde pa naka-crossover at nagpaparamdam lang kasi siguro may mensahe silang gustong iparating sa mga naiwan nila.

Post pa kayo dito kung meron kayong ise-share. Ako kasi wala.

Join our 46,000+ PinoyMoneyTalk fans on Facebook!
:b_hi: Like, Like, Like PMT on Facebook now!

Offline annanymous

  • Anonymous
  • Moderator
  • *
  • Posts: 2,071
  • Thanks Received: 0
  • Start small. Dream big. Never say die.
Ako may ise-share. Once pa lang akong nakakita pero marami akong alam na kwento ng mga kaibigan na nakakita at nakaramdam na rin ng multo.

Kwento ko na lang yung tungkol sa lolo ko.

Namatay sya when I was eight years old. Katandaan na ang ikinamatay - 94 years old na sya non. Dito lang sya sa bahay namin binurol. Syempre sa lamay may mga kaibigan na nakikitulog. Nakitulog yung isang kaibigan ng pinsan ko sa sala malapit dun sa ataol. Pero kinabukasan hinahanap sya ng pinsan ko. Yun pala sabi nya lumabas daw sya at dun na lang sa isang nakaparadang sasakyan sa labas natulog. Kasi nung madaling-araw daw bigla syang nagising dahil may humihila sa paa nya. Nung una raw hindi nya pinansin pero ayaw daw syang tigilan. Wala naman daw syang makitang tao pero ramdam nya talaga na may humihila sa paa nya. Naisip namin na lolo ko yon kasi nung nabubuhay pa ang lolo ko galit sya sa kaibigan ng pinsan ko. Ayaw kasi ng lolo ko na may ibang tao sa bahay nung nabubuhay pa sya.

Pagkalipas ng mahigit sampung taon...

Nasa college na ako noon. Isang araw inatake ako ng sakit sa tyan. Sobrang sakit ng tyan ko na halos di na ako makatayo sa kama ko at makalabas ng kwarto. Ang parents ko nasa tindahan. Katulong lang namin ang nasa bahay. Ayoko namang sumigaw para humingi ng tulong kasi ayokong mag-iskandalo at mabulabog ang neighborhood namin. Pero sobrang sakit talaga ng tyan ko at feeling ko eh mamamatay na 'ko sa sakit. Ewan ko kung anong naisip ko at bigla ko na lang nasabi na "Lolo, tulungan mo naman ako." Ilang minuto pagtapos kong sabihin yon, narinig kong kumakatok ang katulong namin sa kwarto. Hindi naman naka-lock ang pinto kaya binuksan na nya at nakita nya 'ko at tinawag na rin ang parents ko. The following day, ok na 'ko. Tinanong ko yung katulong namin kung bakit naisipan nyang umakyat sa kwarto. Yung katulong kasi namin hindi naman sya stay-in at hanggang sala at kusina lang sya talaga. Sabi nya, hindi daw nya maintindihan nung time na yon kasi parang may bumubulong daw sa kanya na "Puntahan mo si Anna sa kwarto. Tulungan mo sya." Hindi raw nya pinansin noong una. Pero ayaw daw tumigil at habang naglalakad sya sa kusina ay sinusundan sya nung bumubulong na yon. Hindi ko na lang sinabi sa kanya na humingi ako ng tulong. Ako kasi ang favorite apo ng lolo ko. Sobrang spoiled ako sa lolo ko nung buhay pa sya kasi ako ang unang apo nya na babae at anak ako ng favorite anak nya kasi yun ang nag-aalaga sa kanya noon.

This year naman, may nangyari uli. Yung pamangkin ko sa pinsan na 3 years old iniiwan sa amin kasi parehong pumapasok sa opisina ang parents nya. Dati rati mag-isa lang pumupunta sa sa CR yon pag iihi. Pero isang araw nagtaka kami kasi ayaw nyang pumunta sa CR mag-isa. Tinanong namin kung bakit. Sabi nya natatakot daw sya kasi may mamang kalbo na nakasalamin na nakatayo raw sa may hagdan. Madadaanan kasi yung hagdan pag pupunta sa CR. Iniisip namin kung sino yung sinasabi nya. Tapos naisip namin na yung description eh katulad ng sa lolo ko. Hanggang ngayon pala hindi pa sya umaalis. :eek:

Yan lang muna. Next time na lang yung iba ko pang stories dahil natatakot na 'ko. :hihi:

Offline mags

  • Associate Member
  • *
  • Posts: 90
  • Thanks Received: 0
  • Gender: Male
ako wala pa kong naexperience na kababalaghan or katatakutan... mga kwento ng iba or experience ng iba marami nko narinig at naikwento sa akin ...

ang naexperience ko palang yung di pangkaraniwan ito yung spirit of the glass and coin... sumama ako sa mga kaibigan ko na ginagawa ito about 3 or 4 times... masasabi kong totoo cya kasi kahit anong pigil ang ginagawa ko para wag mag move yung glass and coin ay hindi ko magawa... isang time nga yung glass sobrang uminit eh kasi pala ang mga spirits na nasa glass umabot ng 100 plus daw kaya pati mga tanong namin ata sagot nila eh hindi pare pareho natakot nga kami nun kaya hininto namin ,..

meron kami lagi nakakausap isang batang babae ... 9 yrs old and namatay sya car accident,,, ang di namin maisip kung bakit andun sya sa may lugar namin eh ang kanyang bansa sa denmark pa raw... after ng mga experience ko na yun di ko na inulit pa ... kasi meron nakapag kwento sa amin na meron napagttripan sa ganung laro...

Offline annanymous

  • Anonymous
  • Moderator
  • *
  • Posts: 2,071
  • Thanks Received: 0
  • Start small. Dream big. Never say die.

meron kami lagi nakakausap isang batang babae ... 9 yrs old and namatay sya car accident,,, ang di namin maisip kung bakit andun sya sa may lugar namin eh ang kanyang bansa sa denmark pa raw...


Wow, Taga-Denmark! Sosyal! :-D Buti marunong syang magtagalog/mag-english 'no? :hihi:

Offline aleckxis

  • Posting Guru
  • *
  • Posts: 464
  • Thanks Received: 0
  • Gender: Female
  • If a man does his best, what else is there?
Ako naman  naniniwala talaga sa mga spirit saka yung mga multo. Marami akong nnaging experience tungkol s amga multo. Hindi pa naman ako nakakita ng buong multo kundi mga pahaging lang sa gilid ng mata ko. Sa sobrang dami ang hirap ikuwento lahat. Sa tutoo lang matatakutin ako sabi ko nga di bale ng marinig ko huwag ko lang makikita.

Mas marami akong naging karanasan sa multo dito sa Japan at walang pinipiling oras ang mga ghost  dito. Pero next time na lang ako magwento kasi hindi ako makakakuwento ng matino kasi pasilip silip lang ako dito. :)

Offline annanymous

  • Anonymous
  • Moderator
  • *
  • Posts: 2,071
  • Thanks Received: 0
  • Start small. Dream big. Never say die.
^Akala ko kaya di ka makapagkwento kasi may sumisilip silip sayo. :hihi:

Offline Wynn

  • Posting Guru
  • *
  • Posts: 488
  • Thanks Received: 0
  • Gender: Male
  • Taipei 101 World's Tallest Building 台北101世界最高
ako naman may experience sa aswang naman.  Nag hire nang katulong ang cousin ko one time tapos ako nag interview sa kanya.  Sa araw na yon habang ini interview ko sya napansin ko na rin na medyo mapula yong mga mata nya tapos di makatingin nang diretso pag kinausap mo sya.  Iniisip ko baka lang mahiyain lang sya talaga.  Pero nalaman ko na rin sa mom ko na yon pala ang mga sign nang aswang.  Syanga pala taga Duenas sya, alam naman natin na known sa mga aswang ang lugal na to.  Pero nong nakita ko na parang mabait naman sya tinanggap ko na at yon nga nag start na sya kaagad sa trabaho.  Yung isang katulong sinabihan ko na turuan sya kung ano dapat mga gagawin tapos kung saan lagay mga gamit nya.  So sa buong hapon magkasama silang dalawa.

Nong mga bandang alas siete na nang gabi nadatnan ko sa kuarto  yung isang katulong na kasama nya buong mag hapon na umiyak sa tindi nang sakit nang tyan nya daw.  Iyak sya nang iyak na parang hihimatayin tapos nag de delirious na sya, nag sisigaw na may aswang may aswang daw.  Tapos tinatanong namin sya kung saan, tinuturo nya yung gamit nang bagong maid.  So di na ako nag dalawang isip pa.  Tinawag ko yung kapatid ko at sinabihan sa nangyari.  Tapos sya tumawag pa nang ibang tao kako baka di namin kayanin.  Ako naman umakyat sa 2nd floor nang bahay kasi nandon pala sya pinapatulog yung mga bata, "patay!", sabi ko sa sarili ko,sabay agad takbo nang mabilis kasi iniisip ko baka ma biktima rin yung mga bata.  Ako yung nag ma tapang tapangan talaga, he he he kahit takot rin ako.  Sinigawan ko sya di rin ako lumapit sa kanya, sabi ko bumaba ka dyan at gamutin mo yung biktima mo dito.  Mga ilang minuto pa ang nakalipas bago sya bumaba.  Nag si damihan na yong mga tao sa labas nang bahay.  Pagbaba nya sinabihan ko sya ulit na gamutin yung kasama nya.  Tapos sya naman wala talagang sinabi diretso punta don sa isang maid.  Hinawakan nya yung kamay, minasahe tapos yon nawala na sakit nang tyan nang maid.  Yung kapatid ko na umuupo sa silya sa takot, parang di kapani paniwala na lumipad yung puwit nya sa mesa.  Di sya gumalaw o tumayo para lumipat basta na lang parang napalipad sya don sa mesa, yung mga nakakita parang di rin maniwala sa mga nangyari. Anyway, pagtapos nya gamutin yong maid nag decide na kami napauwiin na lang sya.  Hinatid sya nang maraming lalaki kasi nga takot rin pag isa lang ang maghahatid sa kanya  baka mamaya di sya makayanan.  

 :harhar:Akala nyo siguro tapos na ang istorya, di pa no. :rofl:  One week after that incident umuwi ako sa amin.  Diretso na ako sa boarding house.  Nag bo board ako kasi dati nung college pa ako.  Nung gabi na yon di ko nasara yung window nang kuarto ko.  Maaga pa ako natulog siguro wala pa 7.  Nanaginip ako na parang tunay.  Napanaginipan ko na pumunta yung mom ko sa boarding house tapos sabay kami kumain.  Ang saya namin.  Yung parang tunay na nangyayari talaga.  Very clear talaga yung images sa panaginip ko.  Tapos nag paalam na ang mom ko uwi na sya sa bahay.   Tapos bigla ko na lang nakita yung babae yung maid na aswang, na tumitingin sa akin na galit na galit.  Mga ilang minuto rin yon at bigla ko na lang nakita yung sarili ko na nakahiga, in short parang humiwalay na yung spirit ko sa katawan ko kasi nakikita ko na sarili ko eh.  Nakikita ko yung sarili ko na gustong gumalaw pero di makagalaw, eto ba yung sinasabi nila na bangungot?  Ang tagal nang struggle ko na makagalaw.  Actually nakikita ko na pinipilit ko yong mga daliri ko sa kamay at paa na ma touch yung kulambo para makagalaw ako.  pero wala talaga.  Naawa ako sa sarili ko habang tumitingin.  Pero di talaga ako makagalaw.  Matagal ang struggle ko na yon, kaya napagod ako.  Napaiyak ako kasi takot ako na di makagising.  Umiyak ako nang matagal nang biglang may nag pakita sa kin.  Di masyado clear yung mukha nya basta mahaba yung buhok. Di ko masyado namukhaan sya pero sa isip ko sya na siguro si Lord.  Sa isip ko kasi ayoko pang mamatay.  At pag kinuha ako nga ako ni Lord, bahala na basta iiyak ako nang iiyak.  Pepestihin ko sya.  Iiyak ako nang malakas para sabihin nya na nakakainis ang tao na to, ang ingay kaya dapat itakwil dito.    he he  yon lang yung naisip ko dati eh.  Pag namatay ako ganon yung gagawin ko.  Kaya nga umiyak talaga ako nang malakas.  Tinawag ako nung tao na yon na nagpakita sa akin.  Tapos iyak pa rin yung ginawa ko.  Di ko na matandaan lahat na sinabi nya basta yung naalala ko lang ay sabi nya di ka pa dapat nandito yon lang at bigla na akong nagising.  Tapos yung mga co boarder ko sa kabilang kuarto nag si takbuhan sa kuarto ko dahil narinig daw nila bigla ang malakas na hagulhol.  Mga 12 midnight na yon nung nagising ako at narinig nila.  Nong makapasok sila sa kuarto ko nadatnan pa nila na umiiyak ako tapos pagod na pagod.  Yon nga sinabi ko sa kanila ang nangyari pero ang hina talaga nang katawan ko kaya sabi ko bukas na ako mag kuento sa kanila.  

The next day di ako pumasok kasi pagod na pagod ako dahil nga sa nangyari nung gabi.  Tinanong ko yung mga kasamahan ko kung mga anong oras nila narinig yung iyak ko kasi sa tingin ko mga ilang oras rin yung iyak ko kaya nga napagod ako.  Pero sabi nila mga ilang minutes lang naman daw tapos nag si takbuhan na sila sa cuarto ko.  Nagtataka ako kasi ang tagal ko nang umiiyak at mag kalapit lang yung mga cuarto namin so imposible na di nila marinig.  Inisip ko na lang siguro kagagawan nga nang aswang na yon.  Galit na galit sya sa akin siguro kaya gusto nya ako na mamatay.  Buti na lang di pa talaga ako schedule kasi kung hindi di na ako maka kwento sa inyo dito, he he he....

Pero naisip ko siguro kung weak yung will ko na mabuhay eh di nandon na ako ngayon sa kabilang mundo.  Naisip ko rin yong mga lalaki na usually naba bangungot di ba usually lasing sila so mahirap na sila makipaglaban pa kasi nga wala na sila fighting spirit.  So usually di na sila nakakagising pa. So sabi ko ma swerte talaga ako at effective rin yung strategy na naisip ko,  he he...

Sorry ang haba nang kwento ko na to pero habang  nag ku kwento ako nito namamasa yung mga mata ko, parang gusto kung umiyak  :cry:, he he he drama pero totoo  :hihi:

o tapos na sa akin kayo na naman acutally ang dami ko pang kwento pero tama na tong isa kasi eto yung di ko talaga malimutan...di ko na i edit rin yung sinulat ko ha kasi ang haba na nakakapagod pag pasensyahan ninyo na lang, he he...

錢不是萬能但沒錢萬萬不能!

Offline annanymous

  • Anonymous
  • Moderator
  • *
  • Posts: 2,071
  • Thanks Received: 0
  • Start small. Dream big. Never say die.
^Wynn, saan ang Duenas? Paano nyo na-verify na aswang nga yung maid? Umamin ba sya? Baka naman may sore eyes lang. :hihi:

PMT Forum

* * * * * sponsored links * * * * *

 


PMT Shoutbox

Refresh History
  • devmaxx: Bitan ko sana adsense ko, send me pm thanks
    Yesterday at 06:41 PM
  • romarmay2017: hello sa lahat bagong bago lang ako hehehehe
    Feb 21, 2017, 08:55 PM
  • Talhayousuf: hi
    Feb 19, 2017, 09:04 PM
  • Loan11: Are you tired of seeking loans and mortgages from banks? Have you been turned down constantly by your banks and other financial institutions due to bad credit? Are you about loosing your home due to financial constraints? Global Lenders Inc is here to set you free from debt. For immediate enquires you can contact us via email powerfinance7@gmail.com  LOAN APPLICATION FORM ********************** 1) Full Name:..... 2) Gender:........ 3) Loan Amount Needed :... 4) Loan Duration:............... 5) Country:....... 6) Home Address:.. 7) Mobile Number:..... 8) Fax Number:...... 9) Occupation:.... 10) Monthly Income:...... 11) Salary Date:.... 12) Purpose of loan;... 13) Where did you get our loan advertisement:.... 14)Contact email:........  Awaiting your swift response. May Allah bless you. IBRAHIM MUSA Leverage Pvt Ltd. Associate Director power Financial Service Pvt. Contact Us At :powerfinance7@gmail.com
    Feb 18, 2017, 10:23 AM
  • cheche_bureche: hi good morning, magkano ang franchise ng taxi in cebu area and how to apply, any advise. Thank you.
    Feb 13, 2017, 10:04 AM
  • Nathaniel: Anybody here can help me bout nso probs?
    Feb 08, 2017, 05:04 PM
  • Nathaniel: Hello
    Feb 08, 2017, 05:04 PM
  • mark_Lee: thank you newbie..observe and read lang muna..
    Feb 06, 2017, 03:58 AM
  • rbmxron1961: Hi ... Im an amateur here ... I wonder if there's anyone who can help or advise me on how to claim my CAP pension?  Thanks in advance
    Feb 03, 2017, 10:48 AM
  • Hopialikeit: @reggie, try sa mga pawnshops or maybe sa Fundko. Good luck.
    Feb 02, 2017, 08:07 PM
  • Reggie1324: Hi guys pa feed back po
    Feb 01, 2017, 11:26 AM
  • SarahBrs: hi
    Jan 31, 2017, 12:19 PM
  • Bizilleah: Hi po newbie po I was planning to start a mini grocery mgkano po kya Pde koipuhunan or capital
    Jan 29, 2017, 09:07 PM
  • Nick007: Hello every one...bago lang ako dito i was planning to start motorcycle part business magkano kaya minimum capital saka suggest na rin ng magandang supplier
    Jan 29, 2017, 07:54 PM
  • superlui04: dyois, may reading material sa archive tab.. try to look
    Jan 28, 2017, 12:12 AM
  • superlui04: hi
    Jan 28, 2017, 12:11 AM
  • Hopialikeit: To newbies in the Philippine Stock Market. This is my 0.02 based from my experience but I'm still learning as well. Buy a stock with good fundamentals but actively check your investments (know when to cut loss, accumulate, unload). Mahirap magtrade or magtsupit unless may info ka from stock jockeys themselves kung kelan papaliparin (not saying it's impossible but nahirap sya.
    Jan 26, 2017, 09:37 PM
  • jenofstructures: @dyosis, meron naman reading materials ang COL, try to start there.... o kaya hanapin mo yung book ni Marvin Germo
    Jan 26, 2017, 07:54 AM
  • badcheetah: Hiii
    Jan 24, 2017, 03:24 PM
  • dyois: Hi, Noob here. Sino po dito me mga reference material para sa stocks? kakabukas ko lang po nang account sa COL at di po ako naka attend ng seminar
    Jan 24, 2017, 12:36 PM
  • sharmssss: hello po......may pwedeng hiraman po ba dito ng pera 3K po within 3 weeks ko po mababayaran urgent lang po
    Jan 23, 2017, 05:23 PM
  • mayareineg: hi
    Jan 19, 2017, 01:57 PM
  • cino: :)
    Jan 19, 2017, 07:58 AM
  • stanelope: Parang ang dalang ng tao dito
    Jan 18, 2017, 08:19 PM
  • cino: hello po gud pm. active pa po b ito?
    Jan 18, 2017, 04:36 PM
  • jelleenorber: this is active po ba
    Jan 10, 2017, 03:51 PM
  • eliangco66: Need help pla
    Jan 07, 2017, 09:16 PM
  • eliangco66: May abogado po ba dito
    Jan 07, 2017, 09:16 PM
  • eliangco66: Hello
    Jan 07, 2017, 09:15 PM
  • Benj0927: hi everyone
    Jan 06, 2017, 11:38 PM
  • sysonpyh: cnu nasa qatar dyan ?
    Dec 30, 2016, 05:47 AM
  • SiPoorMan: Happy New Year mga ka-PMT
    Dec 29, 2016, 10:29 PM
  • Sem1pr0: :P
    Dec 26, 2016, 08:40 AM
  • wei: hi
    Dec 19, 2016, 11:15 PM
  • jenofstructures: @joanmatira.... try mo gumawa ng thread
    Dec 19, 2016, 03:40 PM
  • Miguelfabon: Yes
    Dec 03, 2016, 02:52 AM
  • joanmatira0630: hi po bka may makatulong po skin to be financially stable..prob di ako maapproved sa mga bank loan dhil sa fault ng previous co ko..
    Nov 29, 2016, 07:48 PM
  • preler: cnu may alam direct seller of power tools
    Nov 28, 2016, 01:04 PM
  • inv123456: hi
    Nov 25, 2016, 08:04 AM
  • jocyfruit: hi
    Nov 21, 2016, 03:00 PM
  • a.b: hi po
    Nov 21, 2016, 01:10 AM
  • boyBabsi: digidigidigidong digidigidong digidigidi digidong digidigidong - Kanta po yan nung Indian dance instructor sa Life of PI movie. . lss lang hahahaha Good day!
    Nov 20, 2016, 06:26 AM
  • irish10: Hi po!
    Nov 17, 2016, 04:27 PM
  • boyBabsi: Pwede po bang yumaman sa sabong? Why or why not?
    Nov 14, 2016, 04:59 AM
  • nievarezluela: hello alphaLen.. walang bangko ang malaki magbigay ng interes.. pagaralan mo ang Stock Market.. or mutual Fund.. dito lalago ang pera mo..
    Nov 11, 2016, 04:52 AM
  • Reese77: Kamusta sa lahat.. tanong ko lang po may alam po ba kayong sanglaan dito sa riyadh? Need lang po ng money thanks.
    Nov 07, 2016, 07:21 AM
  • annjoo: @SiPoorMan Di naman necessarily lahat business minded.. More on wanting financial stability yung mga dito, I believe. If you want to talk with smart people, this the place! Ang raming matalino dito, so much to learn.
    Nov 03, 2016, 05:15 AM
  • Atoms22: Free sent here from UAE kabayan. .
    Nov 02, 2016, 12:49 AM
  • pulubing_palaboy: nothing in particular. i work in the city
    Nov 01, 2016, 02:11 AM
  • ManilaBoy40: Kind of, Why ...
    Oct 31, 2016, 02:13 PM
BloQcs design by Bloc
SMF 2.0.13 | SMF © 2016, Simple Machines
SMFAds for Free Forums
SimplePortal 2.3.6 © 2008-2014, SimplePortal