To Everyone,
Paanu ko na-reach ung ganung kita?? I will share it with you...
Eto ang cost ko na binayaran on my first month....and sa mga susunod pa...

Rent = 8500
Bayad sa nagbabantay = 2000
DSL = 3000
Kuryente = 9000
Etc = 1000
------------------------------
TOTAL = 23500
Ung pagkain ng bantay ko eh galing sa bahay..so kung anu ulam namen un din ang ulam nya..tipid!

Ang kita ng shop ko everyday eh nasa 1500...normal na ito.... but during weekend.. I peaked at 2300+...

1500 * 30 = 45000
45000 - 23500 = 20K+

When I started wala akong malaking kapital just 100K in my pocket, natakot akong umutang sa bank.... I have a previous thread na nastart ko dito about it and sinabi ko na lang sa sarili ko..di ko malalaman kung malulugi ako unless nagtry ako....
I didn't have a comprehensive business plan na sobrang detailed na 5 pages plus... I just started out with simple calculation kung magkano need ko to breakeven... the cost etc...
Also, I am a Gamer

I asked the kids kung anung game ang gusto nila and un ang iniinstall ko...so far meron na me mga loyal customer....

I wanted to somehow blog about how I started pero w8 ko pa ung 2nd month ko kung ganun pa ren ang kita ko.....
Now, I still have work na okay naman ang kita...pero excited akong umuwi lage to check on my business....plus libre na ung gaming time ko at di na ako nagbabayad sa NETOPIA....

Sarap palang mag negosyo pag hilig mo talaga hehehe..pero gusto ko pa ren mag stay sa office...nag FB lang pero kumikita pa ren hehehe...
Next year, pwede na siguro ako mag-asawa...nabilhan ko na ng 2 tricycle ang nanay at tatay ko at me business pa akong iiwan sa kanila na ung brother ko naman ang magmamanage na IT den.....

Mahirap maging breadwinner kasi and diabetic pa ang mga parents....so natagalan ako mag-asawa...lapit na kasi akong mag 30..hehehe...
Naisip ko ang maging lotto agent and sa ino-occupy kong space there's no lotto ... I am still trying to know the ins and outs of that business though...nagaaral pa lang kumbaga....
anybody have an idea about this?
Post Merge: Jul 18, 2012, 10:37 AM
Oooppsss.... I forgot to mention..
Ung 20K+ pala na kinita ko eh di ko nakuhang 20K talaga... kasi 10K eh binabayad ko sa bank....
so 10K lang talaga ang kinita ko...
Pero its a good thing kasi hindi na galeng sa kinikita ko sa daytime job ko ung pambayad....kundi sa business ko na ren...

I have read somewhere regarding how to start a business... nakalagay dun.. 'you should have a plan on how to repay your debt'..
ang una kong plan is ung kita ko sa pagiging programmer ang ibabayad ko...pero dahil kumita naman business ko sa unang buwan..sya na ang nagbayad...

Nadivide ko na ung 10K ko na natipid from daytime job:
5000 = Savings ko
5000 = Mutual Fund ko..
Next month magbibill naman ung Life Insurance ko sa Sunlife Flexilink...mag 4 years na me na nagbabayad...

Also, when starting the business... nanghiram ako ng extra kapital sa Pinsan ko na nasa Qatar.... kahit daw next year ko na bayaran and wala na daw tubo...swerte lang talaga!

Sana magtuloy tuloy na ito! Pa-ging ung beeper nang nasa itaas....
