PMT Forum
How do you want to make money today?

Pagbili ng isang lupain

VeneurlArgent · 15 · 16551

VeneurlArgent

  • Senior Member
  • **
    • Posts: 66
    • Likes Received: +0/-0
on: Dec 05, 2013, 01:27 AM
Advice naman po...gusto ko bumili ng lupa kaso 11k lng monthly salary ko. :cry: should I go to money lending or ipon na lang ako and put it in UITF?


INDO

  • PMT Jedi 2000
  • ****
    • Posts: 2,283
    • Likes Received: +5/-0
Reply #1 on: Dec 05, 2013, 01:47 AM
Advice naman po...gusto ko bumili ng lupa kaso 11k lng monthly salary ko. :cry: should I go to money lending or ipon na lang ako and put it in UITF?

sa lahat ng bagay na ayoko ay yung mangungutang para makabili ng bagay bagay na hinahangad natin magkaroon. i suggest mag ipon ka na lang muna at mag invest para lumago yung ipon mo rather than going to money lending baka mamaya maubos sahod mo sa kakabayad ng interest.


bloomberg

  • Senior Member
  • **
    • Posts: 50
    • Likes Received: +0/-0
Reply #2 on: Dec 05, 2013, 02:59 AM
Advice naman po...gusto ko bumili ng lupa kaso 11k lng monthly salary ko. :cry: should I go to money lending or ipon na lang ako and put it in UITF?

Kumusta Sir @VeneurlArgent.  Kung binata po kayo, tila maganda nga po yata na mas maganda ang bumili ng lupa kaysa maginvest sa katulad ng UITF.  Wala naman pong masama sa UITF pero kung binata at bata pa po kayo, para sa akin lang po, tila mas malaki ang pakinabang kung ilalagay ang perang iniipon ninyo para sa pagbili ng lupa kahit maliit lang muna.  Ipapaliwanag ko po sa inyo kung bakit.

1.  Ang lupa po - depende sa (a) lugar at kung hindi binabaha, (b) presyo ng lupa at (c) interest rate na babayaran ninyo - ay malaki ang pagasang mag appreciate ng value.
2.  Ang lupa po ay pwedeng bilhin ng hulugan - so ang buwanang hulog ay fixed amount base sa value ngayon.  Pero yung perang ipanghuhulog mo puedeng tumaas ang value at puede ding bumaba.  Kung bumaba ang value ng pera in the future, panalo ka na agad.  Paano?  Yung lupa mo tumataas ang value pero yung inihuhulog mong pera ay bumababa ang value...di ba panalo ka na agad dun palang?  Pero para po sa atin, hindi na natin iniintindi iyon dahil negligible lang naman siguro ang halaga.
3.  Halimbawa ang "time horizon" mo ay 5 taon (ang ibig sabihin ng "time horizon" ay kung gaano katagal mong itatali ang pera mo sa lupang binili mo base sa iyong pangangailangan kita at "risk tolerance") pag sinuma mo ang time value of your investment simula kung kailan ka nagumpisang maghulog, hanggang sa ika limang taon, siguradong tumubo na ang pera mo lalo na kung idagdag mo sa suma yung annual inflation at currency depreciation.

Kaya para sa akin, hindi ako mag-aatubili na maginvest sa lupa.  Tanungin mo po ang saili mo kung sa loon ng 5 taon halimbawa, ay mapananatili mo pa rin ang ang iyong sitwasyon (ibig kong sabihin, binata at walang obligasyon at tuloy-tuloy ang trabaho mo po).

Sobrang haba pero sana nakatulong sa decision mo. 


vicces

  • VIP Member
  • *****
    • Posts: 3,451
    • Likes Received: +0/-0
Reply #3 on: Dec 05, 2013, 07:10 AM
sagutin mo muna, aanhin mo ba ang lupa na yan.

ang lupa nag aappreciate ang value over time, pero illiquid: mahirap ibenta lalo kung hindi prime location.

ang lupa hindi mapakikinabangan kung hindi tatamnan o tatayuan ng bahay o bldg. magbabayad ka na ng annual real property tax, may dagdag pang idle land tax. isesecure mo pa yung lupain at baka may biglang magsquat sun..  so kung bibili ka ng lupa, siguruhin na mauutilize mo in some way, kung hindi, magkakapatong patong ang gastos. talo ka.

malaki ang gastos at ilang taon ang bubunuin mo bago mapasaiyo ang titulo sa lupa. oras di ka makapagbayad sa buwanang hulog, maaari itong ma-ilit at mapupunta sa wala ang mga naibayad mo. sa sweldong P11k bawat buwan, mukhang napakahirap ipakipagsapalaran ang buwanang hulog mo. kung maliit ang sweldo mo at gusto mo talagang magkalupa, magloan ka ng 25 to 30yrs sa pag ibig, baka P3k per month ang iaawas sayo for the next 30yrs, kaya na siguro pagkasyahin. otherwise, hintayin mong lumaki ang sweldo mo, mga P15-20k habang unti unting nag iipon para mas malaki maipangdown down mo..

*not a reco to buy or sell :hihi:
« Last Edit: Dec 05, 2013, 07:11 AM by vicces »


VeneurlArgent

  • Senior Member
  • **
    • Posts: 66
    • Likes Received: +0/-0
Reply #4 on: Dec 05, 2013, 08:05 AM
Actually po eh single pa naman ako at yung lupa po ay gagamitin ko sanang maliit na kambingan habang nagiipon sa pagpapagawa ng bahay..sa probinsya po kami at likod lng ng aming bahay yung lupa..maliit lang siya mga 800+sqm


INDO

  • PMT Jedi 2000
  • ****
    • Posts: 2,283
    • Likes Received: +5/-0
Reply #5 on: Dec 05, 2013, 08:54 AM
Actually po eh single pa naman ako at yung lupa po ay gagamitin ko sanang maliit na kambingan habang nagiipon sa pagpapagawa ng bahay..sa probinsya po kami at likod lng ng aming bahay yung lupa..maliit lang siya mga 800+sqm

hindi na ata maliit yung 800 sqm. baka milyon aabutin nyan, magkano po ba per sqm sa lugar nyo?


jmces

  • PMT Idol 1000
  • ****
    • Posts: 1,109
    • Likes Received: +2/-0
Reply #6 on: Dec 05, 2013, 08:59 AM
Actually po eh single pa naman ako at yung lupa po ay gagamitin ko sanang maliit na kambingan habang nagiipon sa pagpapagawa ng bahay..sa probinsya po kami at likod lng ng aming bahay yung lupa..maliit lang siya mga 800+sqm

magkano iyong lupa?hindi lahat ng lupa eh parepareho ang rate ng pagtaas ng halaga, kung lalagyan m ng kambingan magkano ang kita buwan buwan kumpara sa iyong puhunan, kung bata ka pa at single, magbasa ka ng tungkol sa stocks, para sakin ito ang pinakamabilis na paraan para maparami ang iyong pera pero syempre mataas din ang risk ngunit kung gagawin ng tama sa tingin ko ay ito ang pinakamabisa, ayoko din sa utang, bukod sa magbabayad ka ng real estate tax ay magbabayad ka pa ng interest sa bangko dahil sa iyong utang, at taon taon ay may inflation rate po tayo bale ang halaga ng pera ay bumababa ng humigit kumulang 5 porsyento taon taon


VeneurlArgent

  • Senior Member
  • **
    • Posts: 66
    • Likes Received: +0/-0
Reply #7 on: Dec 05, 2013, 09:05 AM
Actually hindi ko naman po talaga gusto icareer pag aalaga ng kambing..kumbaga sa aso parang pet lang ba, then pag lagpas na ng 10 magbawas na ako.. Im 25 po my 150k na po ako sa Equity pero im not planning to touch that money kumbaga I want to start again sa pagiipon. at gagamitin ko yung lupa sa pagpapatayo ng bahay in the future. Nasa range po ata ng 400k+ yung lupa nung natanong ko sa may-ari
« Last Edit: Dec 05, 2013, 09:12 AM by VeneurlArgent »


jmces

  • PMT Idol 1000
  • ****
    • Posts: 1,109
    • Likes Received: +2/-0
Reply #8 on: Dec 05, 2013, 09:19 AM
Actually hindi ko naman po talaga gusto icareer pag aalaga ng kambing..kumbaga sa aso parang pet lang ba, then pag lagpas na ng 10 magbawas na ako.. Im 25 po my 150k na po ako sa Equity pero im not planning to touch that money kumbaga I want to start again sa pagiipon. at gagamitin ko yung lupa sa pagpapatayo ng bahay in the future. Nasa range po ata ng 400k+ yung lupa nung natanong ko sa may-ari

ang ibig ko sabihin eh baka may mas magandang vehicle na paglagyan yung pera mo kesa sa lupa, pwede m din ipagtanong jan kung ilang percent ang appreciation ng lupa jan sa area nyo, regarding bahay sure ka na po ba na jan ka na magpapatayo, single ka paano kung hindi taga diyan ang mapangasawa mo, or mapunta ka abroad? meron din kaming lupa, may tanim na niyog, per hectare eh 1m ang value, every month eh 10k ang income, lumalabas na 1 percent per month lang sya, tapos may tax ka pa, so instead na bumili ako ng lupa eh ipasok ko nalang sa stocks


katkatmachine

  • Forum Expert 600
  • ****
    • Posts: 675
    • Likes Received: +1/-0
Reply #9 on: Dec 05, 2013, 09:50 AM
kung ilo-loan mo kasi sa pag-ibig o bangko yung lupa tapos 30 years mo namang babayaran parang lugi ka dun. tatagain ka niyan sa interest at in the end parang 3x the original price na ang binayaran mo.

para sa akin ilalagay ko muna pera sa stocks o kaya mf o kaya palakihin mo muna yung sweldo mo. eh kasi kung bibilhin mo yung lupa tapos magloloan ka tapos parang pet kambingan lang ang gagawin sa lupa, malulugi ka sa sabay na interest sa loan at tax sa lupa.

pero ewan ko, kaw bahala sir. wala pa naman akong lupa ano bang malay ko jan. hahaha  :D


bloomberg

  • Senior Member
  • **
    • Posts: 50
    • Likes Received: +0/-0
Reply #10 on: Dec 05, 2013, 09:52 AM
sagutin mo muna, aanhin mo ba ang lupa na yan.

ang lupa nag aappreciate ang value over time, pero illiquid: mahirap ibenta lalo kung hindi prime location.

ang lupa hindi mapakikinabangan kung hindi tatamnan o tatayuan ng bahay o bldg. magbabayad ka na ng annual real property tax, may dagdag pang idle land tax. isesecure mo pa yung lupain at baka may biglang magsquat sun..  so kung bibili ka ng lupa, siguruhin na mauutilize mo in some way, kung hindi, magkakapatong patong ang gastos. talo ka.

malaki ang gastos at ilang taon ang bubunuin mo bago mapasaiyo ang titulo sa lupa. oras di ka makapagbayad sa buwanang hulog, maaari itong ma-ilit at mapupunta sa wala ang mga naibayad mo. sa sweldong P11k bawat buwan, mukhang napakahirap ipakipagsapalaran ang buwanang hulog mo. kung maliit ang sweldo mo at gusto mo talagang magkalupa, magloan ka ng 25 to 30yrs sa pag ibig, baka P3k per month ang iaawas sayo for the next 30yrs, kaya na siguro pagkasyahin. otherwise, hintayin mong lumaki ang sweldo mo, mga P15-20k habang unti unting nag iipon para mas malaki maipangdown down mo..

*not a reco to buy or sell :hihi:

Agree po ako diyan sa sinabi ninyo.  Sa ngayon po, napakababa ng interest rate kaya kailangan take advantage natin hanggang mura pa ang umutang.  At kung may magpapautang naman at talagang maganda yung location ng lupa, magandang investment po iyan sa mga naguumpisa pa lamang.  Kailangan po siguro tanggapin natin na hindi po masama ang mag leverage tayo basta kayang icover ng monthly income ninyo ngayon.  Opinyon ko lang naman po ito.


VeneurlArgent

  • Senior Member
  • **
    • Posts: 66
    • Likes Received: +0/-0
Reply #11 on: Dec 05, 2013, 08:55 PM
Sakit ng ulo ang pagtanda..hehe..buti pa kayo mga Sir malaki na mga pera niyo.. Siguro nga habang nagiipon ulit ako pambili ng lupa eh ilagay ko na lang muna sa Equity..
« Last Edit: Dec 05, 2013, 09:02 PM by VeneurlArgent »


gogoypmt

  • Forum Tambay 100
  • ***
    • Posts: 147
    • Likes Received: +1/-0
Reply #12 on: Dec 14, 2013, 10:15 AM
Bili ka na lupa as long na makikita mo na in the near future magkakaroon ng magandang improvement sa area. Kung nabili mo sya ngayon ng 400k, bka in 10 years 1M na or more.. So kung naglagay ka sa Mutual yung 400k mo, in ten years naging 1M or more, tpos tska mo binili yung Lupa edi parang wala lang. Imbis na noon na 400k lang tpos paextra extrang may tanim/alagain ka.


personalfinanceapprentice

  • Forum Champion 900
  • ****
    • Posts: 981
    • Likes Received: +0/-0
Reply #13 on: Dec 18, 2013, 08:41 PM
VeneurlArgent, yYung sa original question mo: definitely ipon ka muna imbis na money lender.

malaki dn ang 800sqm. sa halagang 400k, mukhang presyong probinsya nga. pero gusto ko lang idagdag to sa mga advise na nakuha mo na:

1. Sigurado ka bang dito ka titira? Bata ka pa kasi, marami pang pwedeng mangyari. Malaking pera ang matatali mo dito. kung pagdating ng panahon di ka rin dito maninirahan ng permanente, baka sakit lang ng ulo para sa iyo.

2. subukan mo magtanong sa bangko kung magkano ang magiging monthly amortization at ano ang loan amount na ibibigay sayo. Hindi kasi 100 ng price ay ibibgay sayo, at kahit 400K yan, pepresyuhan pa ng bangko yan. baka sabihin nila 300K lang talaga ang value niyan at baka 240k lang ipautang sayo.

3. Mas mainam umutang sa bangko kaysa money lender. Pero kung kaya mag ipon, mas mainiam iyon. (Pero kung tumataas presyo niyan lupa, baka pag naka ipon ka na ng 400k ay iba na ulit ang presyo.) depende na sa iyo kung ano mas abot kaya mo; wag lang sana sa 5-6 okya money lender.

4. kung pag ibig, mababa talaga ang monthly amortization kung gawin mong 20 okaya ay 30 years ang term ng loan. malaki nga ang interest. pero daahil sa inflation, at pag appreciate ng value ng lupa, pagdating sa dulo, baka "panalo" ka pa dn.

4.1 Mag compute ng maigi sa bawat option: bangko at pag ibig (huwag na sa money lender; pwera na lang kung gusto mo malaman kung gano kalaki ka lugi dito). Ang magiging basehan ay kung ano ba talaga balak mo sa lupa (#1 sa itaas).

5. Bukod sa bayad sa lupa, eto yung iba pang sakit ng ulot na pwede mo maranasan: squatter (kung likod ng bahay niyo, mababantayan naman ng kamaganak mo siguro), amilyar/real estate tax (di gaano kalakihan kung naka-tenggang lupa sa probinsya; pero importanteng abot kaya pa dn ng sahod mo, bukod sa ipang babayad sa amortization), bakod / perimeter fence (para ma markahan ang kupa mo, bukod sa squatter, baka maging dahilan ng away ng iba pang bibili ng lupa sa tabi niyan. baka dn may mag double sale; mabuti nang unang tingin pa lang ay alam nang meron nang may ari).

6. Kung bahay talga ang pakay mo (yung #1 kanina) di naman ganun ka importante na kumikita ang lupa mo; kumbaga pa untiunti ang pag buo ng plano mo. Pero bukod sa kambingan, malamang alam mo na madami pang ibang pwedeng pagkakitaan. pwede kang magtanim at mag supply ng lettuce okaya ay iba pang gulay na mataas ang benta sa palengke. baka dn pwedeng manok, baboy okaya ay baka ang alagaan mo din? Baka pwedeng tamnan ng puno ng prutas? Hindi ako sanay sa pagpapatakbo ng farm, pero sa pagkakaintindi ko, may kikitain naman talaga, kung pag aaralan ng husto. (try mo sa forum na ito or sa facebook; madami ako nakikita na nag uusap tungkol sa farming). Baka may iba pang tax/fee na di ko alam (tula ng idle land tax na nabanggit ni vicces)

7. Kung uutangin naman sa bangko, bukod sa amortization, possibleng meron pang mortgage renewal fee (monthly) at baka pakuhanin dn ng insurance(?). Mayroon ding processing fee (isang beses sa umpisa). possible ding meron pang ibang fee...

8. Kung di ka naman talaga sigurado na titira dito, at wala kang patok (at mahal mo) na negosyong ilalagay dito, huwag na lang muna siguro.

9. Investment ang lupa; maganda investment. Ibang kalse nga lang siya sa stocks, pero sakin halos pantay sila; iba lang talaga ang approach. Tulad ng stocks, dapat bago bilhin, alam mo na kung papano ka kikita. Tulad dn ng stocks, hindi sapat ang pag hintay sa pag angat ng presyo. Ang mga pinagkaiba nila, sa lupa umpisa pa lang mataas na agad ang puhunan mo. at kadalasan, utang talaga ang simula. Hindi naman masama ang utang basta siguradong bawi at siguradong abot kaya ang mga bayarin. Di tulad ng stocks, kailangan dn bantayan ng husto (dahil nga sa mga sakit ng ulo na nabanggit). At di tulad ng stocks, apektado ito ng panahon satin: bagyo, baha, lindol. Bukod pa dito, problema dn ang sunog, pagdayo ng di nais na hayop, at dumi o iba pang di kanais nais na bagay na galing sa mga kalapit na lugar.

10. Pero kung para sa bahay ito, ang pag iisip at pag plano ay hindi kinakalingang bilang isang invstment. Kung ito ay isang life goal mo (dito ka talaga magtatayo ng bahay), ayus dn naman na itaguyod paunti unti.


john_vito287

  • Senior Member
  • **
    • Posts: 60
    • Likes Received: +0/-0
Reply #14 on: Jan 10, 2014, 05:25 AM
Ayos yung naiisip mo sender siguro mag kasing edad lang tayo. Share kulang sayu story ko..First time akong nangibang bansa at the age 22. By that time andami ng binibintang lupa sa amin at may mga nagpapautang para pambayad pero pinalagpas ko muna yun hindi ako nangutang para bumili nag ipon muna ako ng nag ipon.After two years nagpatayo na ako ng negosyo at diko ginagalaw yung pera at kinita ko sa negosyo dag2x lang ng dag2x yun sa puhunan hanggang sa lumaki ng lumaki.At last month may binibintang lupa sa amin hindi lang isa dalawa pa syempre may sapat na akong cash so dalawang lote ang binili ko ang isa 2500 square meters at ang isa 300 square meters. Siguro mga points na dapat mung i consideray ang mga sumusunod.

1. Yung lupa pag nabili mo ano ba ang magiging kita mu roon?Tama sila ang lupa ay mag aapreciate ang value habang tumatagal pero mas mainam parin na may kinita ka habang lumilipas ang panahun kasi sayang din kong di mu nagagamit.

2. Sinabi mu uutang ka para pambayad pero ang sahud mo ay 11k lang. hindi naman sa dinidiscourage kita pero huwag kanang umutang na pambayad sa lupa kong ang lupa ay wala namang income..kong may niyog sana dyan o pwede tayuan ng tindahan o kong anu2x na kumikita kasi pwede mu yung pang abono sa pera mung inutang pero kong wla mahirap yun.lalo pat ang sahod mo ay 11k lang.maghintay kalang,mag ipon ka muna sa ngayun at palaguin mulang yang equity funds mo top up kalang ng top up kasi pag may malaki kanang pera kagaya ko madali nalang ang bumili ng lupa.

Sana nakatulong...


 


PMT Shoutbox

Refresh History
  • Post only questions or comments here. Advertisements NOT ALLOWED.
  • oragon: :applause:
    May 20, 2019, 03:53 PM
  • FutureGizmo: Thank you for reporting those spam posts, oragon! Spam posts now deleted.
    May 20, 2019, 01:59 PM
  • oragon: Admin kindly monitor some peps! posting and sharing inappropriate nude photos and website links
    May 20, 2019, 01:52 PM
  • @culinary10: Hello I am new here! Regarding sa bdo life insurance for 8 years, pwede pa kaya ma refund yung binayad ko na 50k last year? Gusto ko sana icancel kasi lack of financial na, last may 15 2018 po un nag start ako ng life insurance, pinili ko annually kaso etong may 15 2019 wala nako ma ipay so gusto ko sana icash out, may alam ba kayo kung pano marerefund?
    May 17, 2019, 07:56 PM
  • FutureGizmo: Hi Sonny, the posting issue is now resolved. Thanks for informing us! We're currently testing a new, mobile-ready theme so let us us know kung may problema pa sa Forum. :)
    Apr 04, 2019, 10:40 AM
  • sonny.wapak: Nakaka receive din ba kayo nito pag gawa ng new post? "Please try again. If you come back to this error screen, report the error to an administrator."
    Apr 03, 2019, 10:56 PM
  • leonine_zafiro: what product nun?
    Apr 01, 2019, 10:25 PM
  • dhondiex27: hi
    Mar 30, 2019, 10:55 PM
  • lusart: jayrob i agree 200%. hulog ng langit organico. legit na legit
    Mar 29, 2019, 09:08 AM
  • palemelch: Hi
    Mar 28, 2019, 04:08 PM
  • O.C.W._AK: Magandang Araw sa Lahat! Blessings! (",)
    Mar 28, 2019, 08:42 AM
  • thor15: hello everyone, newbie here
    Mar 25, 2019, 01:47 AM
  • captjaylo: present newbie here
    Mar 22, 2019, 10:06 AM
  • balboagilbert26: hello Guys .. Newbie here
    Mar 21, 2019, 10:55 PM
  • businesswoman2019: @jefsanity nag inquire na po ako pero di sila nagdidisclose. Yung branch po kasi na target ko, currently building pa.
    Mar 21, 2019, 04:27 PM
  • jefsanity: @businesswoman2019, much better inquire ka na lang sa admin nila.
    Mar 21, 2019, 01:51 PM
  • businesswoman2019: Hello! Any idea how much ang stall sa waltermart. 2m x 2m
    Mar 21, 2019, 08:28 AM
  • John Neil: Looking for an accredited iron foundry
    Mar 17, 2019, 03:19 PM
  • jayrob: Mark_Lee ung organico legit po yan..  Member din AQ..
    Mar 17, 2019, 12:57 AM
  • perlymelad: Hello po! Need advice, why my new MLM leaders failing?
    Mar 14, 2019, 08:51 PM
  • perlymelad: Present
    Mar 12, 2019, 07:53 PM
  • kennethmauricio: Hi saan po dito pwede mag post ng for sale properties?
    Mar 11, 2019, 07:58 PM
  • jefsanity: @mark_lee isipin mo anu passion mo at skills mo...
    Mar 11, 2019, 06:52 PM
  • sniperaj09: BAGO LANG
    Mar 10, 2019, 11:16 AM
  • mark_Lee: magandang investnent ngayon sa 30k suggest naman keo mga boss
    Mar 10, 2019, 03:07 AM
  • perlymelad: E-BOOK PO SIR @JEFSANITY
    Mar 09, 2019, 05:40 PM
  • perlymelad: @jefsanity Good Morning Po
    Mar 09, 2019, 05:39 PM
  • perlymelad: Good Day everyone
    Mar 04, 2019, 06:24 PM
  • jefsanity: anu ang small business na yan?
    Feb 28, 2019, 07:40 PM
  • perlymelad: Good Day Everyone
    Feb 28, 2019, 03:31 PM
  • perlymelad: Hello everyone, CAN ANYONE HELP ME SUGGEST ANY SIDE TOPIC  / PROBLEM OF  STARTING SMALL BUSINESS?
    Feb 28, 2019, 06:58 AM
  • perlymelad: Present, 1st time po
    Feb 25, 2019, 06:17 PM
  • jd2281: newbie po
    Feb 25, 2019, 12:26 PM
  • ejllantino: present... 1st time
    Feb 24, 2019, 07:14 PM
  • rheiel: present. first time
    Feb 24, 2019, 11:04 AM
  • MELVIE: thanks po
    Feb 24, 2019, 12:50 AM
  • steph123: hello po, ask lang po, ilang months po ba ang hihintayin after mo ma process ang mga documents para maitama ang mali sa NSO?
    Feb 11, 2019, 03:13 PM
  • Deborah: newbie here.thanks
    Feb 08, 2019, 02:17 PM
  • marj0503: hello im newbie here
    Jan 31, 2019, 10:53 AM
  • yan24: any one here planning to start a tesda skill training center
    Jan 26, 2019, 12:07 PM
  • manzjon: Forex trading forum
    Jan 25, 2019, 02:16 PM
  • Lizette Ramos: Pwede po bang patulong... Maganda po ba ang gasul retailing business?
    Jan 24, 2019, 09:14 PM
  • Imnobody: Hi sino naghahanap ng casino financer dito?
    Jan 16, 2019, 09:59 PM
  • Odlanyer22: Good day!
    Jan 16, 2019, 09:55 PM
  • maryen: at kung sakaling may somobra sa food na nailuto.. dapat po bang bayaran ng client un .. or ipapa take mo na sakanila?...
    Jan 16, 2019, 03:52 PM
  • maryen: HI! GOOD DAY! newbiz lang po... question lang po regarding sa catering.. if may 50pax po ako dapat lang po ba na sakto ang serving ng food?
    Jan 16, 2019, 03:50 PM
  • mark_Lee: cno na nag organico dito scam po ba yun or legit
    Jan 09, 2019, 03:04 AM
  • kuray08: Have a Prosperous New Year to all..
    Jan 06, 2019, 09:27 PM
  • ethan: Sino po may auto supply business dito? How profitable po ba ito in terms of monthly income? Lalo na kung meron na one or two na competition.
    Jan 04, 2019, 11:34 AM
  • Niel Jhacoubs: HAPPY NEW YEAR!
    Jan 02, 2019, 04:37 PM