PMT Forum
How do you want to make money today?

PAANO KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN?

gatsmavi · 56 · 19123

gatsmavi

  • Forum Tambay 150
  • ***
    • Posts: 157
    • Likes Received: +0/-0
on: Jun 06, 2011, 12:23 AM
hi all.baka meron naman kayong tip para makatipid pag nag babalik pinas.sobrang gastos kasi pag umuuwi tayo kala ng marami milyonaryo na tayo  :D :D :D


mackygoof

  • Forum Master 300
  • ***
    • Posts: 363
    • Likes Received: +0/-0
Reply #1 on: Jun 06, 2011, 12:30 AM
1>wag magpakita sa kamaganak
2>wag maguwi ng pera
4>wag blowout ng blowout. :))


kiko2007

  • Forum Master 300
  • ***
    • Posts: 380
    • Likes Received: +0/-0
Reply #2 on: Jun 06, 2011, 01:20 AM
simpleng sagot na mahirap gawin..
1.) matutong magbudget at sundin ang budget at
2.) matutong humindi. :)

pwede mong sabihin na hindi ko pa kaya yan, etc, etc.. pero kelangan praktisin mo na dahil ito lang tlga ang paraan para hindi maubos yung isang taong pinag-ipunan natin sa loob ng isang buwang bakasyon lang. kung iisipin pwede natin isisi ang pagkalustay sa kamag anak, barkada, nangangailangan, mga taong hindi matanggihan, etc,etc.. pero sa totoo lang po e sarili natin ang pinakamahirap na kalaban. hangga't di tayo umaangkin ng responsibilidad sa pera NATIN at isisisi natin sa mga ibang tao o pagkakataon, mahihirapan po tlga tayo.

ako bilang isang OFW din ay pinag daanan ito.. masikip sa dibdib at akala ko e itatatwa ako ng mga barkada ko.. kuripot daw, wala man lang dw pakikisama, olats, etc... pero in the end oks lang dahil natutulungan ko pa rin sila kapag kelangan TALAGA nila.. kasi nga me budget na para sa pagtulong at me budget para sa sarili at basically, para sa lahat ng kelangan paglaanan ng budget.. bakasyon yan alam natin kaya dapat masaya. pero kelangan yung saya na afford lang ng vacation budget mo ngayon ("vacation budget mo ngayon" meaning hindi kasama ang mga kikitain mo sa mga susunod na buwan pagbalik sa trabaho. di din kasama yung mga budget sa ibang bagay na hindi pang bakasyon).

yun lang po. :)


gatsmavi

  • Forum Tambay 150
  • ***
    • Posts: 157
    • Likes Received: +0/-0
Reply #3 on: Jun 06, 2011, 03:12 AM
simpleng sagot na mahirap gawin..
1.) matutong magbudget at sundin ang budget at
2.) matutong humindi. :)

pwede mong sabihin na hindi ko pa kaya yan, etc, etc.. pero kelangan praktisin mo na dahil ito lang tlga ang paraan para hindi maubos yung isang taong pinag-ipunan natin sa loob ng isang buwang bakasyon lang. kung iisipin pwede natin isisi ang pagkalustay sa kamag anak, barkada, nangangailangan, mga taong hindi matanggihan, etc,etc.. pero sa totoo lang po e sarili natin ang pinakamahirap na kalaban. hangga't di tayo umaangkin ng responsibilidad sa pera NATIN at isisisi natin sa mga ibang tao o pagkakataon, mahihirapan po tlga tayo.

ako bilang isang OFW din ay pinag daanan ito.. masikip sa dibdib at akala ko e itatatwa ako ng mga barkada ko.. kuripot daw, wala man lang dw pakikisama, olats, etc... pero in the end oks lang dahil natutulungan ko pa rin sila kapag kelangan TALAGA nila.. kasi nga me budget na para sa pagtulong at me budget para sa sarili at basically, para sa lahat ng kelangan paglaanan ng budget.. bakasyon yan alam natin kaya dapat masaya. pero kelangan yung saya na afford lang ng vacation budget mo ngayon ("vacation budget mo ngayon" meaning hindi kasama ang mga kikitain mo sa mga susunod na buwan pagbalik sa trabaho. di din kasama yung mga budget sa ibang bagay na hindi pang bakasyon).

yun lang po. :)



salamat sa mga payo.sana nga mabudget ng husto para pagbalik trabaho may pera pa rin.sa lahat ng mga kasama ko ganyan ang ngyayari pati na rin sa akin.hirap talaga tumanggi sa mga kamag anak.hehe


kiko2007

  • Forum Master 300
  • ***
    • Posts: 380
    • Likes Received: +0/-0
Reply #4 on: Jun 06, 2011, 04:28 AM
yun po tlga ang pnka weakness natin. tipong "matagal ko n ulit ma eenjoy to kaya sige ok lng" mentality.. daming beses ko n po nahuli ang sarili ko jan.. :)


ric_TNT

  • PMT Idol 1000
  • ****
    • Posts: 1,314
    • Likes Received: +1/-0
Reply #5 on: Jun 06, 2011, 04:49 AM
Pag umuwi ka kasi galing abroad, ang tingin ng mga tao sa paligid mo eh marami kang uwing pera. Kaya syempre pag-uusapan ka ng mga kamag-anak at kapitbahay mo.

Ito naman si balik-bayan, parang lumulutang sa hangin ang pakiramdam at gustong makapag yabang. Kaya kung minsan kahit sagad na ang budget pilit gagawa ng paraan para makapag yabang. Kasabihan nga, maubos na raw ang yaman huwag lang ang yabang.

Kailangan talaga pag umuwi, naka budget na ang expenses para sa vacation at huwag na lalagpas doon. As always, live withtin your means.

Sa karanasan ko noong nag overseas work pa ako sa Middle East, pag-umuwi ako eh hindi ako nagpapa sundo sa isang jeep na mga relatives. At pag naka-uwi na ako sa amin, kinabukasan eh nasa bukid na ako pagdating ng hapon me bitbit na ako mga kung anu-ano halimbawa niyog, saging at kung ano pang prutas meron sa bukid. Pag-uwi ko sa bahay namin, syempre marungis ang suot ko at maputik ang mga paa ko (syempre nag-iisip siguro sila kung panalo ba ang biyahe ko) . Sabi ng isang kapitbahay ko akala nya daw eh nasa Saudi ako, kako kahapon eh nasa Saudi pa ako, ngayon eh andito na ako. Me nakararating sa aking kwento. Ibang-iba raw ang ugali ko. Yung iba raw na galing Saudi, pag-uwi eh nakatambay sa kanto at naninigarilyo, naka bihis, todo sunglass kahit hindi naman maaraw at naninilaw kasi suot lahat ng gintong alahas. Natawa na lang ako sa sarili ko, sila yun hindi ako. Kaya lang, kwento rin nila, hindi pa raw tapos ang bakasyon eh nagsa-sangla na ng mga alahas at gamit kasi malamang naubusan na ng budget kasi akala mo pulitiko kung gumastos pag nalalapit na ang eleksyon.

Dagdag pa dyan, pag bagong uwi ka, takbuhan sa iyo ang mga mangungutang or magsa-sangla ng mga assets. Kwidaw kayo sa mga ahente, maraming balasubas sa mga transakyon ng mga yan. Alamin nyong mabuti ang collateral nila kung maayos ba. Otherwise, ma trap kayo kasi maaaring naka-sangla na yan sa iba.

Ang point ko, nagtitiis tayo ng hirap at inip malayo sa ating pamilya habang nasa abroad. Wala tayong obligasyon sa mga relatives, friends at kapit bahay natin di ba? So bakit kailangan natin i-priority  sila sa gastos? Anyway, nasa sa inyo yan, kung sobra sobra nga ba ang kita nyo eh hindi masama ang mag share.
« Last Edit: Jun 06, 2011, 04:52 AM by ric_TNT »


puberer

  • PMT Idol 1500
  • ****
    • Posts: 1,593
    • Likes Received: +0/-0
Reply #6 on: Jun 06, 2011, 05:40 AM
pag uwi ba ng bansa or while nasa ibang bansa? 


pag pauwi ng bansa:
1.  tumira malayo sa kamag anak
2.  wag ipapaalam kahit kanino ang uwi maliban sa mga anak at asawa.
3.  wag magyabang


Pag nasa ibang bansa:
1.  pagkasweldo, magtabi ng pera at yung iba ipadala sa pamilya.
2.  turuan ang mga anak at asawa na magtipid at ipa isip sa kanila na hindi porket nasa abroad si daddy ay malaki ang kita.
3.  wag mayabang. 
4.  wag bumili ng di kailangan.
5.  planuhin ang edukasyon ng mga anak.
6.  ingatan ang alagaan ang sarili.


- napakarami na OFW ang umuuwi ng pinas na kumikinang sa ginto ang katawan.  alam niyo para san yun?  kasi para bago siya bumalik ng ibang bansa, isasangla na nila yun kasi wala na sila pera.  kung baga gagamitin na niya while di pa nasasangla.   :hihi:

simula nag pa invest ako last year, nakakilala ako ng mga OFW na kung manamit  kala mo walang pera, kala mo hindi OFW.  umiiwas pala sa holdap  :hihi:  kidding aside, pero ang totoo ay mapepera sila, at ang pinagkaiba nila, di lang sila simple kundi marunong din tumingin sa pinanggalingan. 



gatsmavi

  • Forum Tambay 150
  • ***
    • Posts: 157
    • Likes Received: +0/-0
Reply #7 on: Jun 06, 2011, 06:15 AM
Yun nga parang maganda umupa muna ng bahay sa malayo.para makaiwas sa "dumating ka na pala hiho ,wala ba tayo dyan?"dapat talaga wag rin magyabang.pero ang hirap talaga ipasok sa mga utak nila na di lang basta napupulot pera sa abroad lalo na sa middle east.salamat sa mga ideas nyo mga tol


cpapreneur

  • Junior Member
  • **
    • Posts: 32
    • Likes Received: +0/-0
Reply #8 on: Jun 06, 2011, 08:14 PM
kailangan talaga tumira sa malayo kasi di maiiwasan na puntahan ka ng mga kamag-anak mo at humingi ng pasalubong. mapipilitan ka talagang maglabas.

sa akin naman. ang palagi ko sinasabi e. nagpapadala naman ako every month bkit kailangan pa ako maglabas at gumastos ng malaki kapag bakasyon. saan pa ako kukuha niyan. medyo naintindihan naman nila. goodluck sa mga magbabakasyon!!!


puberer

  • PMT Idol 1500
  • ****
    • Posts: 1,593
    • Likes Received: +0/-0
Reply #9 on: Jun 06, 2011, 08:20 PM
mahirap pa pag sa province.  dapat lahat bigyan mo kundi magtatampo ang ibang kamag anak. 

naalala ko dati nung pumunta kami province, sakto may liga ng basketball.  kami nag manager ng jersey ng mga kamag anak namin.  una 12 lang ang pagagawan, hanggang umabot sa 24.  lahat ba naman ng pinsan pati bata pinatahian. 

pagdating mo, magbibigay ka ng pera, pag paalis ka naman, mag bibigay ka ulit. 



Dodong_Pobre

  • Forum Champion 800
  • ****
    • Posts: 850
    • Likes Received: +0/-0
Reply #10 on: Jun 06, 2011, 08:29 PM
Hindi talaga maiwasan na mapagastos ng mas malaki sa regular na monthly budget kapag bakasyon ka. Kasi una napapadalas ung pamamasyal with family dahil nga sinusulit mo ang pagkakataon na kapiling mo ang pamilya mo. Wala namang masama dun kc parang binabawi mo ang pagkakataon na wala ka sa piling ng mga mahal mo sa buhay .. Kumbaga reward mo yun sa sarili mo sa kabila na halos ilang buwan na pagtitiis na malayo sa kanila. Nagiging masama lang yung ganun kapag sobra-sobra na sa alloted na budget. Bago ka umuwi dapat naka-set na sa utak mo ang maximum amount na gagastusin mo.Mas maigi na may clear allocated budget ka na sa bawat bagay na pagkakagastusan mo. Pangalawa, para matupad mo ang nai-set mong budget, dapat yun din lang ang amount na dalhin mo or ipadala mo sa account mo sa Pinas. Wag na wag mong galawin ang perang naiwan mo sa account mo sa abroad (unless for emergency purposes). Pagdating sa Pinas wag masyadong maging show-off sa mga kamag-anak at kapitbahay. Mas madali kapag bagong OFW ka lang kasi pwede mong simulan sa ganitong sistema ng sa ganun hindi masanay ung mga kamag-anak mo. Ang style ko lagi, hindi ako nagwiwithdraw or naglalagay ng perang malaki sa pitaka ko.. At least once a week lng ako nagwiwithdraw at within the one week budget na.. Ang style jan kapag may lumapit at nanghiram or humirit ng treat.. labas ang pitaka sabay bukas ..Eh makikita nilang tig bi-bente ang lamang pera, largest bill na ung 100.. Sabay sabi na naka-budget na kc ang pera ko sa gastos lang talaga... Yun lang ang dala kong pera pag-uwi at hindi ko rin basta-basta mawithdraw dahil naka time deposit...Sa ganun mahihiya nang mamilit..
« Last Edit: Jun 06, 2011, 08:42 PM by Dodong_Pobre »


suarezlyka

  • Forum Master 400
  • ***
    • Posts: 440
    • Likes Received: +0/-0
Reply #11 on: Jun 06, 2011, 08:36 PM
actually you should expect that you gonna spend money cause you are at vacation mode and not for business. However ofcourse you could say to your family that your money was budget due to you have invested a project for your retirement and this is my budget for the gala.. Hope magkasya to.. thats how simple. Cause at the end ikaw parin mahihirapan


ferrariEverest

  • VIP 5500
  • *****
    • Posts: 5,593
    • Likes Received: +4/-0
Reply #12 on: Jun 06, 2011, 09:01 PM
hi all.baka meron naman kayong tip para makatipid pag nag babalik pinas.sobrang gastos kasi pag umuuwi tayo kala ng marami milyonaryo na tayo 
remember why u went abroad in the first place.

wag puro libre.
wag mag uwi ng snadamukal na pasalubong na tshirt, chocolate, sapatos, cereals, powdered drinks, camera, radio/component/tv, etc
hanggat maaari, kung ano yung dinala mo pa-abroad, halos yun lang rin ang dala mo pauwi.
IMPORTANT -- kailangan marunong maghandle ng pera yung pinapadalhan ng pera sa Pinas

Hindi talaga maiwasan na mapagastos ng mas malaki sa regular na monthly budget kapag bakasyon ka. Kasi una napapadalas ung pamamasyal with family dahil nga sinusulit mo ang pagkakataon na kapiling mo ang pamilya mo...
ok lang lumabas kasama pamilya paminsan minsan, wag lang isasama buong barangay or angkan.
yung iba kasi parang si Pacquaio eh, papansin, KSP... kungtodo manlibre para lang bumida.

of course, maiiwasan mapagastos.
kailangan lang disiplina, u got to have the will to say NO. mahirap, pero kaya.
delayed gratification...
ano ba purpose ng pag aabroad?
para may maipon at gumanda ang buhay
o para may pang shopping at pang mall? (problem is para sa iba ang pagmo-mall ay parte ng buhay nila)
isipin nyo.

kailangan TODO tipid... as much as possible live BELOW your means
& stay humble

remember, balewala ang tips namin kung hindi naman papakinggan :rakenrol:


Payback

  • Forum Expert 600
  • ****
    • Posts: 601
    • Likes Received: +0/-0
Reply #13 on: Jun 06, 2011, 10:48 PM
I went to the Lion City last Saturday, I was amazed na nakakatagal ang ilang mga kababayan natin doon. Kasi kung tutuusin mo kahit malapit sa Pinas yun sobrang mahal ng cost of living but the city and halos di mo maintindihan ang mga Lengwahe ng tao roon.

Mga tips ko lang doon, hmm.

Ang mahal talaga ng pagkain doon. Dapat talaga, masigasig ka maghanap ng murang eatery or canteen doon. If you would convert sa peso ang mga ginagastos mo doon ay siguro mga 2 weeks worth na yung mga nagagastos mo. Average consumo daw ng mga friends ko dun for LUNCH pa lang ay halos 70 SGD or halos 2.2~2.3k peso na po.

I strongly advise against buying pasalubongs sa malls, as much as possible discounted items na lang bilhin mo.

I also like yung GST refund ng Singapore or Goods and Services tax ng Singapore, alam ko full refund yoon eh, but still depends sa goods or services purchased. Malaki din ang makukuha mo doon.

Kung malayo ang point of origin mo at papunta kang Pilipinas, make sure to check all the prices ng mga airlines at tignan mo na din kung may libreng food. Super mahal kasi ng food sa airline eh, umaabot ng 90 pesos ang bottled water. (small pa lang iyon)

Lastly kung gusto mo makatipid, why not gustuhin mo ding kumita as well. Seek all legal means of earning money, make sure na legal at di madudungisan ang honor mo. :)

Eto lang ang maiaadvise ko based on my experience with my OFW dad, I'm also planning to become an OFW maybe just 2 years to 3 years sa abroad then I'll proceed with establishing and pioneering different businesses here.

May fortune smile upon you all mga kababayan! :)


gatsmavi

  • Forum Tambay 150
  • ***
    • Posts: 157
    • Likes Received: +0/-0
Reply #14 on: Jun 07, 2011, 05:49 AM


of course, maiiwasan mapagastos.
kailangan lang disiplina, u got to have the will to say NO. mahirap, pero kaya.
delayed gratification...
ano ba purpose ng pag aabroad?
para may maipon at gumanda ang buhay
o para may pang shopping at pang mall? (problem is para sa iba ang pagmo-mall ay parte ng buhay nila)
isipin nyo.

kailangan TODO tipid... as much as possible live BELOW your means
& stay humble

remember, balewala ang tips namin kung hindi naman papakinggan :rakenrol:
[/quote]


salamat sir wag ka mag alala susundin ko mga tips mo








salamat sa mga tips nyo at bigatin pa mga nag reply.sana may natutunan din mga kapwa ofw ko..cheers


 


PMT Shoutbox

Refresh History
  • Post only questions or comments here. Advertisements NOT ALLOWED.
  • oragon: :applause:
    May 20, 2019, 03:53 PM
  • FutureGizmo: Thank you for reporting those spam posts, oragon! Spam posts now deleted.
    May 20, 2019, 01:59 PM
  • oragon: Admin kindly monitor some peps! posting and sharing inappropriate nude photos and website links
    May 20, 2019, 01:52 PM
  • @culinary10: Hello I am new here! Regarding sa bdo life insurance for 8 years, pwede pa kaya ma refund yung binayad ko na 50k last year? Gusto ko sana icancel kasi lack of financial na, last may 15 2018 po un nag start ako ng life insurance, pinili ko annually kaso etong may 15 2019 wala nako ma ipay so gusto ko sana icash out, may alam ba kayo kung pano marerefund?
    May 17, 2019, 07:56 PM
  • FutureGizmo: Hi Sonny, the posting issue is now resolved. Thanks for informing us! We're currently testing a new, mobile-ready theme so let us us know kung may problema pa sa Forum. :)
    Apr 04, 2019, 10:40 AM
  • sonny.wapak: Nakaka receive din ba kayo nito pag gawa ng new post? "Please try again. If you come back to this error screen, report the error to an administrator."
    Apr 03, 2019, 10:56 PM
  • leonine_zafiro: what product nun?
    Apr 01, 2019, 10:25 PM
  • dhondiex27: hi
    Mar 30, 2019, 10:55 PM
  • lusart: jayrob i agree 200%. hulog ng langit organico. legit na legit
    Mar 29, 2019, 09:08 AM
  • palemelch: Hi
    Mar 28, 2019, 04:08 PM
  • O.C.W._AK: Magandang Araw sa Lahat! Blessings! (",)
    Mar 28, 2019, 08:42 AM
  • thor15: hello everyone, newbie here
    Mar 25, 2019, 01:47 AM
  • captjaylo: present newbie here
    Mar 22, 2019, 10:06 AM
  • balboagilbert26: hello Guys .. Newbie here
    Mar 21, 2019, 10:55 PM
  • businesswoman2019: @jefsanity nag inquire na po ako pero di sila nagdidisclose. Yung branch po kasi na target ko, currently building pa.
    Mar 21, 2019, 04:27 PM
  • jefsanity: @businesswoman2019, much better inquire ka na lang sa admin nila.
    Mar 21, 2019, 01:51 PM
  • businesswoman2019: Hello! Any idea how much ang stall sa waltermart. 2m x 2m
    Mar 21, 2019, 08:28 AM
  • John Neil: Looking for an accredited iron foundry
    Mar 17, 2019, 03:19 PM
  • jayrob: Mark_Lee ung organico legit po yan..  Member din AQ..
    Mar 17, 2019, 12:57 AM
  • perlymelad: Hello po! Need advice, why my new MLM leaders failing?
    Mar 14, 2019, 08:51 PM
  • perlymelad: Present
    Mar 12, 2019, 07:53 PM
  • kennethmauricio: Hi saan po dito pwede mag post ng for sale properties?
    Mar 11, 2019, 07:58 PM
  • jefsanity: @mark_lee isipin mo anu passion mo at skills mo...
    Mar 11, 2019, 06:52 PM
  • sniperaj09: BAGO LANG
    Mar 10, 2019, 11:16 AM
  • mark_Lee: magandang investnent ngayon sa 30k suggest naman keo mga boss
    Mar 10, 2019, 03:07 AM
  • perlymelad: E-BOOK PO SIR @JEFSANITY
    Mar 09, 2019, 05:40 PM
  • perlymelad: @jefsanity Good Morning Po
    Mar 09, 2019, 05:39 PM
  • perlymelad: Good Day everyone
    Mar 04, 2019, 06:24 PM
  • jefsanity: anu ang small business na yan?
    Feb 28, 2019, 07:40 PM
  • perlymelad: Good Day Everyone
    Feb 28, 2019, 03:31 PM
  • perlymelad: Hello everyone, CAN ANYONE HELP ME SUGGEST ANY SIDE TOPIC  / PROBLEM OF  STARTING SMALL BUSINESS?
    Feb 28, 2019, 06:58 AM
  • perlymelad: Present, 1st time po
    Feb 25, 2019, 06:17 PM
  • jd2281: newbie po
    Feb 25, 2019, 12:26 PM
  • ejllantino: present... 1st time
    Feb 24, 2019, 07:14 PM
  • rheiel: present. first time
    Feb 24, 2019, 11:04 AM
  • MELVIE: thanks po
    Feb 24, 2019, 12:50 AM
  • steph123: hello po, ask lang po, ilang months po ba ang hihintayin after mo ma process ang mga documents para maitama ang mali sa NSO?
    Feb 11, 2019, 03:13 PM
  • Deborah: newbie here.thanks
    Feb 08, 2019, 02:17 PM
  • marj0503: hello im newbie here
    Jan 31, 2019, 10:53 AM
  • yan24: any one here planning to start a tesda skill training center
    Jan 26, 2019, 12:07 PM
  • manzjon: Forex trading forum
    Jan 25, 2019, 02:16 PM
  • Lizette Ramos: Pwede po bang patulong... Maganda po ba ang gasul retailing business?
    Jan 24, 2019, 09:14 PM
  • Imnobody: Hi sino naghahanap ng casino financer dito?
    Jan 16, 2019, 09:59 PM
  • Odlanyer22: Good day!
    Jan 16, 2019, 09:55 PM
  • maryen: at kung sakaling may somobra sa food na nailuto.. dapat po bang bayaran ng client un .. or ipapa take mo na sakanila?...
    Jan 16, 2019, 03:52 PM
  • maryen: HI! GOOD DAY! newbiz lang po... question lang po regarding sa catering.. if may 50pax po ako dapat lang po ba na sakto ang serving ng food?
    Jan 16, 2019, 03:50 PM
  • mark_Lee: cno na nag organico dito scam po ba yun or legit
    Jan 09, 2019, 03:04 AM
  • kuray08: Have a Prosperous New Year to all..
    Jan 06, 2019, 09:27 PM
  • ethan: Sino po may auto supply business dito? How profitable po ba ito in terms of monthly income? Lalo na kung meron na one or two na competition.
    Jan 04, 2019, 11:34 AM
  • Niel Jhacoubs: HAPPY NEW YEAR!
    Jan 02, 2019, 04:37 PM