PMT Forum
How do you want to make money today?

Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...

Gothic696 · 30 · 10905

Gothic696

  • Probie
  • **
    • Posts: 17
    • Likes Received: +0/-0
Hindi ko alam kung susuko na ako o susugod pa ba ako?  Ang nararamdaman ko, hinang hina na ako.  Minsan, napapaisip ako tumalon galing sa bubong namin.  Minsan, napapaisip ako na uminom ako ng isang libong tabletas para malason ako.  Pakiramdam ko, wala na ako magagawa pa.  Hindi ko alam kung sino na ang malalapitan ko.  Hindi ko malapitan ang mama ko dahil masyadong relihiyosa at sa sobrang relihiyosa niya, sa tuwing magpapaliwanag siya tungkol sa Diyos at sa ginagawa ko at sa ibang tao, ang tingin ko sa kanya, porket nagtatrabaho ay keyso makamundo na.  Kung baga, para sa akin, kapag ang trabaho na katulad ng mga writing, call center at kung ano ano pa man ay matatawag niyang makamundo na ang ibig sabihin ay makasalanan.  Bakit hindi na lang daw ako tumugtog ng piano sa simbahan.  Ialay ko ang aking kaluluwa sa Diyos kaya pati ang "faith" ko nalulusaw na rin.  Parang hinahati ang katawan ko sa dalawa dahil hindi ko alam kung saan na ako lulugar.  Gawin na lang niya akong 'madre' o kaya naman, simulang pagkabata ay hindi na ako pinaaral pa para hindi na naging bukas sa isip ko sa mga trabaho, trabaho na yan.

Ganun pa man, ayoko pa rin sumunod sa kanya.  Hindi naman ako perpektong na hindi sumusunod pero may gusto akong gawin sa buhay ko at iyun nga, maghanap ng trabaho para magkapera ako pero ang problema naman, hindi naman ako graduate.  Simulang Disyember ng 2008 hanggang Pebrero ng 2008, hindi ako nawalan ng pag-asa sa kakahanap ng trabaho dito sa online at ayoko naman sa offline ako magtrabaho dahil pera na naman ang kalaban mo e.  Hihingi ka ng pamasahe, magrereklamo pa ang taong hinihingan mo ng pera na keyso magastos at kung sakaling walang nangyari sa pagpunta punta sa inaapplyan mo?  Ganun din, sayang ang pera mo.

Naisip ko, online na lang talaga kaya ayun, nagsumikap ako sa kakahanap ng trabaho na nasa bahay lang.  Three months ako laging naghahanap at ang motto ko pa nuon ay hindi ako susuko kahit ikamatay ko pa.  Grabe no?  Ikamatay pa naman?  Wala ata sa katinuan ang pag-iisip ko nuon basta, ginagawa ko lahat kaya kakaunti lang ang nakakain ko sa tatlong beses sa isang araw dahil iba ang nasa isip ko e.  Ang makahanap ng trabaho.  Yun at yun lang.  Nakalimutan ko uminom ng mga bitaminang tabletas dahil lagi ko napapaisip na wala akong oras dahil hinahabol habol ko ang oras sapagkat malapit ng ang June.  Pasukan na sa June at gusto ko uli mag-aral dahil ako ay hamak na undergraduate lang.  Sa kakasumikap ko, nakahanap ako sa wakas.  Natuwa ako pero nahilo naman ako nang araw na natanggap ako sa isang company na online job sa mga writers.  Nahilo ako.  Na low blood ako.  Natakot ako na baka mamatay nga ako dahil naaalala ko ang motto ko nuon na hindi ako susuko kahit ikamatay ko pa.  Ayun, araw araw ganun.  Gigising ng umaga, nahihilo ako pero saglit lang at ayoko ipahalata sa mga tao sa bahay namin.  

Wala kase ako pakialam kase nuon dahil ang sabi ko, gagawin ko lahat.  Ayun nga, ginawa ko nga lahat at pagkatapos nun, eto naman, lahat ng mga isinusulat ko para sa kanila, lahat lahat ay ibinabalik sa akin.  Kahit patuloy pa rin ang hilo ko, sugod pa rin ako ng sugod.  Sabi ko, hindi ako susuko sa pagsusulat hanggang mga dalawang linggo na ang nakakaraan, wala akong natatanggap na pera dahil lahat lahat sila, puro revision at revision na lang.

Naisip ko, ayoko pa mamatay dahil palagi na ako nahihilo dahil ginagawa ko ang lahat e kaya lang, ang resulta, hindi nga lang ako maka concentrate dahil sa hilo ko.  Naisip ko, magpahinga at magpahinga lang muna ako at kumain na kumain ako at higit sa lahat ay uminom ng vitimins.  Naka recover man ako, ibinabalik pa rin ang mga isinusulat ko galing sa kanila.  

Natuklasan ko sa sarili ko na hindi pala binabayaran ang effort mo.  Well, reality nga naman.  Sa tema talaga ng pagsusulat ka binabayaran at naiintindihan ko yun pagkatapos hindi na rin ako makapasok sa thread nila.  Lagi itinatanong ang username at password ko.  Pakiramdam ko, terminate na ako.  Hindi ko alam e.  Basta.

Dalawa ang option ko.  Ang www.odesk.com.  Sa tuwing tinititigan ko ang 'odesk' na yan, nanghihina na ako.  Magiging successful kaya ako dito?  Parang huling banat ko na ang 'odesk' dahil kahit ano ang search ko sa www.google.com na online job, lagi sinasabi na kailangan, graduate ka, kailangan pleasing personality ka, kailangan expert ka sa ganitong field, kailangan may experience ka na at ang rami raming qualification.  Hindi man ako nakatapos ng training ko sa adobe photoshop, hindi ko rin pala siya magagamit kahit pag edit man lang ng pictures at gumawa ng advertising ads dahil yun lang ang natutunan ko e.  Hindi ko pa siya ganuon kalawak kabisado lahat ang nasa adobe photoshop pagdating sa paggawa ng mga advertising ads  dahil training lang naman yun e at hindi kurso yun.  Kakaunti lang ang nasakop kong kaalaman sa adobe photoshop at kung ipagkukumpara ako sa iba, mas malawak pa ang natutunan nila kaysa sa akin.

Sa nararamdaman ko, parang wala na akong magagawa pa.  Wala na akong makitang pagkakataon na makahanap uli na para sa akin.  Writing, hindi naman pwede dahil siguro, kailangan ata, graduate ka ng journalism.  Call center ay hindi naman din pwede dahil nuong una, hindi ako nakapasa.  Ang isang kasama ko ang nakapasa.  May nakita akong trabaho, illegal naman.  Ipagpapatuloy ko na nga sana yun e dahil nakapasok ako duon kaya lang, sabi ko sa sarili ko na porket undergraduate ako, ito na ang bagsakan ko?  Ang qualification lang kase sa dati kong napasukan is lahat ng undergraduate at walang experience.  Na thanks to God pa ata ako pero yun pala, illegal.  Nagdadalawang isip pa ako nuon e.  Trabahong illegal sa mga hindi nakapagtapos o hanap na lang uli  ng bagong mapapasukan pero 50 / 50 ang chances?

Ngayon, pagud na ako sa kakahanap.  Huling banat ay 'odesk'.

Hindi ko alam kung magiging successful nga ako dito o hindi pero sa ngayon, hinang hina ako.  Hindi ko alam kung susuko pa ba ako susugod uli.

...kahit ano man yun, bahala na.


Gothic696

  • Probie
  • **
    • Posts: 17
    • Likes Received: +0/-0
......sa aking kuarto, ala singko  trenta ng hapon, napapa isip ako.  Kung walang wala na talaga as in wala na talaga, huling pagkakataon ko na ang ebenta ko na lang ang aking katawan bilang prostitute kahit hindi maganda at kung hindi naman din pwede 'yun dahil halos lahat lahat ng tao ay malalaki ang ekspektasyon nila pagdating duon na halos kaparehas lang na nag-aapply ka ng trabahong matino ay hahanap ako ng trabahong illegal na kahit ano ang uring trabaho na meron kahit kalaban ko pa ang aking kunsensiya (hindi ako nagtataka kung bakit maraming kriminal at injustice dito sa mundo dahil talaga namang injustice e) at kung walang wala pa rin, ang huling banat ko ay...

magpakamatay na lang ako.

From highest to lowest kung titingnan natin dahil ang umpisa, hindi ako nakakapag-isip ng masama.  Puro kalinisan at kabutihan hanggang papunta na sa kadumihan at kasamaan at hanggang mapunta na sa pangkitil ng buhay.

Sunod sunod sa listahan kung ano ang susunod na kabanatang mangyayari.


jrpiquero

  • Senior Member
  • **
    • Posts: 63
    • Likes Received: +0/-0
pwede po kayo maging blogger  :hihi: http://www.blogger.com sigurado madami po magbabasa ng blog ninyo kasi madaming makakarelate sa inyo  :cool2:


workoshore

  • Forum Champion 800
  • ****
    • Posts: 809
    • Likes Received: +0/-0
^agree ko diyan, para siyang makata eh, kaya GOthic na... :applause:

don't feel bad nor thinking bad, kasi lumiliit tuloy ang mundo mo madam...

be hopeful always, fairness is not a giveaway, need to fight for it...


cheers... :cool2:


yenyen

  • Probie
  • **
    • Posts: 10
    • Likes Received: +0/-0
elow gothic,

check mo na email mo, tsaka padala ng articles mo sa email ko....kung pwede asap
para ma review ko.....as you have said....
don't worry po...may pag-asa ka as long
as you take effort gawin mga suggestions ko...

effort lng poh, by the way,
we were in the same situation before...
so I understand you okay poh..... :hello:


Amberthe

  • Forum Tambay 200
  • ***
    • Posts: 277
    • Likes Received: +0/-0

I always believe that there is light at the end of the tunnel. Just dont lose hope. I know you will find your way. CHEERS! :applause:


jrpiquero

  • Senior Member
  • **
    • Posts: 63
    • Likes Received: +0/-0
suggest ko lang dagdag sa suggestion ko kanina  :D start an online diary. likas na mahilig sa chismis ang pinoy at pag usapan ang ibang tao hehe. kikita ka na pag uusapan ka pa. malay mo ma feature ka pa sa TV! may kilala po kasi ako blogger na may online diary at na feature siya sa magazine show ni korina sanchez (rated k)!  :cool2:


maxx4

  • Newbie
  • *
    • Posts: 6
    • Likes Received: +0/-0
either blogger or script writer pwede ka...medyo mahaba yung nbasa ko pero naintindihan ko naman..sana tuloy mo rin yung adobe photoshop..magagamit mo rin yun..
graphic designer ako..totoong mahirap talaga maghanap ng trabaho..wla talagang madali sa mundo db?so gather yourself and give all the best that you can.


mlangseth

  • PMT Jedi 2500
  • ****
    • Posts: 2,711
    • Likes Received: +1/-0
only a dead person has no hope....


yojmg

  • Forum Master 300
  • ***
    • Posts: 305
    • Likes Received: +0/-0
why dont you apply as an online english tutor? that's the online racket of my daughter...


elmostreet

  • Forum Expert 600
  • ****
    • Posts: 657
    • Likes Received: +1/-0
Hindi ba kayo nag-tataka?

Wla na syang reply....

Baka tinuloy nya na ang balak nying mag-patiwakal.


me_edrian

  • Forum Tambay 100
  • ***
    • Posts: 135
    • Likes Received: +0/-0
:oops:   wag naman sana.


puberer

  • PMT Idol 1500
  • ****
    • Posts: 1,593
    • Likes Received: +0/-0
baka nakahanap na ng work at sobrang busy na niya


elmostreet

  • Forum Expert 600
  • ****
    • Posts: 657
    • Likes Received: +1/-0
It's okay to think positive na baka may nahanap na syang trabaho.

but....

there is a possibility that the negative part has continuously gone bad on her.

Baka may trabaho na sya? I hope so...

I'm just curious kung sino talaga sya. Kaya I've search her profile from FaceBook and even on blogger. And I found out that her last activity was on last September 2011.

Ang pinag-tataka ko lang kasi is yung post nya, sa pag-kaka-intindi ko ay isang sulat ng nais ng pumanaw dito sa mundo.


Ma.Jewel

  • Junior Member
  • **
    • Posts: 46
    • Likes Received: +0/-0
hala,hui Gothic696 magparamdam ka


 


PMT Shoutbox

Refresh History
  • Post only questions or comments here. Advertisements NOT ALLOWED.
  • mark_Lee: anong bago dito
    Jun 28, 2019, 01:03 AM
  • mark_Lee: balita
    Jun 28, 2019, 01:03 AM
  • Lovelyprincess72: hi everyone , I'm newbie here
    Jun 27, 2019, 02:36 PM
  • Niel Jhacoubs: Musta?
    Jun 26, 2019, 01:43 PM
  • Forexanalysis: Hello
    Jun 25, 2019, 06:33 PM
  • Niel Jhacoubs: Hello sa mga online jan! :)
    Jun 15, 2019, 02:58 PM
  • oragon: :applause:
    May 20, 2019, 03:53 PM
  • FutureGizmo: Thank you for reporting those spam posts, oragon! Spam posts now deleted.
    May 20, 2019, 01:59 PM
  • oragon: Admin kindly monitor some peps! posting and sharing inappropriate nude photos and website links
    May 20, 2019, 01:52 PM
  • @culinary10: Hello I am new here! Regarding sa bdo life insurance for 8 years, pwede pa kaya ma refund yung binayad ko na 50k last year? Gusto ko sana icancel kasi lack of financial na, last may 15 2018 po un nag start ako ng life insurance, pinili ko annually kaso etong may 15 2019 wala nako ma ipay so gusto ko sana icash out, may alam ba kayo kung pano marerefund?
    May 17, 2019, 07:56 PM
  • FutureGizmo: Hi Sonny, the posting issue is now resolved. Thanks for informing us! We're currently testing a new, mobile-ready theme so let us us know kung may problema pa sa Forum. :)
    Apr 04, 2019, 10:40 AM
  • sonny.wapak: Nakaka receive din ba kayo nito pag gawa ng new post? "Please try again. If you come back to this error screen, report the error to an administrator."
    Apr 03, 2019, 10:56 PM
  • leonine_zafiro: what product nun?
    Apr 01, 2019, 10:25 PM
  • dhondiex27: hi
    Mar 30, 2019, 10:55 PM
  • lusart: jayrob i agree 200%. hulog ng langit organico. legit na legit
    Mar 29, 2019, 09:08 AM
  • palemelch: Hi
    Mar 28, 2019, 04:08 PM
  • O.C.W._AK: Magandang Araw sa Lahat! Blessings! (",)
    Mar 28, 2019, 08:42 AM
  • thor15: hello everyone, newbie here
    Mar 25, 2019, 01:47 AM
  • captjaylo: present newbie here
    Mar 22, 2019, 10:06 AM
  • balboagilbert26: hello Guys .. Newbie here
    Mar 21, 2019, 10:55 PM
  • businesswoman2019: @jefsanity nag inquire na po ako pero di sila nagdidisclose. Yung branch po kasi na target ko, currently building pa.
    Mar 21, 2019, 04:27 PM
  • jefsanity: @businesswoman2019, much better inquire ka na lang sa admin nila.
    Mar 21, 2019, 01:51 PM
  • businesswoman2019: Hello! Any idea how much ang stall sa waltermart. 2m x 2m
    Mar 21, 2019, 08:28 AM
  • John Neil: Looking for an accredited iron foundry
    Mar 17, 2019, 03:19 PM
  • jayrob: Mark_Lee ung organico legit po yan..  Member din AQ..
    Mar 17, 2019, 12:57 AM
  • perlymelad: Hello po! Need advice, why my new MLM leaders failing?
    Mar 14, 2019, 08:51 PM
  • perlymelad: Present
    Mar 12, 2019, 07:53 PM
  • kennethmauricio: Hi saan po dito pwede mag post ng for sale properties?
    Mar 11, 2019, 07:58 PM
  • jefsanity: @mark_lee isipin mo anu passion mo at skills mo...
    Mar 11, 2019, 06:52 PM
  • sniperaj09: BAGO LANG
    Mar 10, 2019, 11:16 AM
  • mark_Lee: magandang investnent ngayon sa 30k suggest naman keo mga boss
    Mar 10, 2019, 03:07 AM
  • perlymelad: E-BOOK PO SIR @JEFSANITY
    Mar 09, 2019, 05:40 PM
  • perlymelad: @jefsanity Good Morning Po
    Mar 09, 2019, 05:39 PM
  • perlymelad: Good Day everyone
    Mar 04, 2019, 06:24 PM
  • jefsanity: anu ang small business na yan?
    Feb 28, 2019, 07:40 PM
  • perlymelad: Good Day Everyone
    Feb 28, 2019, 03:31 PM
  • perlymelad: Hello everyone, CAN ANYONE HELP ME SUGGEST ANY SIDE TOPIC  / PROBLEM OF  STARTING SMALL BUSINESS?
    Feb 28, 2019, 06:58 AM
  • perlymelad: Present, 1st time po
    Feb 25, 2019, 06:17 PM
  • jd2281: newbie po
    Feb 25, 2019, 12:26 PM
  • ejllantino: present... 1st time
    Feb 24, 2019, 07:14 PM
  • rheiel: present. first time
    Feb 24, 2019, 11:04 AM
  • MELVIE: thanks po
    Feb 24, 2019, 12:50 AM
  • steph123: hello po, ask lang po, ilang months po ba ang hihintayin after mo ma process ang mga documents para maitama ang mali sa NSO?
    Feb 11, 2019, 03:13 PM
  • Deborah: newbie here.thanks
    Feb 08, 2019, 02:17 PM
  • marj0503: hello im newbie here
    Jan 31, 2019, 10:53 AM
  • yan24: any one here planning to start a tesda skill training center
    Jan 26, 2019, 12:07 PM
  • manzjon: Forex trading forum
    Jan 25, 2019, 02:16 PM
  • Lizette Ramos: Pwede po bang patulong... Maganda po ba ang gasul retailing business?
    Jan 24, 2019, 09:14 PM
  • Imnobody: Hi sino naghahanap ng casino financer dito?
    Jan 16, 2019, 09:59 PM
  • Odlanyer22: Good day!
    Jan 16, 2019, 09:55 PM