PMT Forum

PMT Forum's MOST POPULAR Discussion Boards => Chikahan, Kumustahan at Walwalan => Topic started by: cookiemoomoo on May 27, 2006, 06:06 PM

Title: pet lovers
Post by: cookiemoomoo on May 27, 2006, 06:06 PM
cno dito pet lovers? ano pet niyo? kwento naman kayo tungkol sa pet nyo :)
Title: Re: pet lovers
Post by: maaku on May 27, 2006, 07:23 PM
Ako mahilig sa aso, i've had lab saka german sheperd pero ngayon nagrent lang kami so hindi ako makapag-aso but as soon as I get a house bili ako ng english mastiff :D
Title: Re: pet lovers
Post by: smile on May 27, 2006, 09:01 PM
I also love dogs pero puro askal (but talented naman) pa lang naging mga alaga ko...

dream kong makabili ng mini pinscher from online earnings (he-he) at mag-breed.

for now, got a mini zoo at home with a dog, 6 cats and 3 turtles! :)
Title: Re: pet lovers
Post by: annanymous on May 27, 2006, 09:48 PM
^Wow turtles!  Kakatuwa naman.  Di ba mahirap alagaan? :)

Di ako pet lover.  Takot ako sa aso kahit tuta pa lang at lalong ayoko sa pusa.  Pero dati nag-aalaga ako ng isda at ibon.  Ayun pagkalipas ng ilang buwan, namatay.  Pag nakakakita ako ngayon ng mga isda sa aquarium at mga ibon sa hawla, nalulungkot ako.  Naaawa ako sa mga isda at ibon.  Kasi dapat ang isda nasa ilog o dagat at ang ibon dapat di nakakulong.

Someday, pag naisipan kong magkaroon ng pet, unggoy ang pipiliin ko. Hehe..

May nag-aalaga ba dito ng ahas?  May gusto kasi akong itanong eh. :)
Title: Re: pet lovers
Post by: cookiemoomoo on May 29, 2006, 12:25 AM
parang konti lang ata pet lovers dito.  :(
Title: Re: pet lovers
Post by: cool_78 on May 29, 2006, 05:09 AM
ako I love cats :) I dont like dogs that much kasi
Title: Re: pet lovers
Post by: smile on May 29, 2006, 05:19 AM
k lang naman mga turtles namin. twice na nga nangitlog 'yong isa kaya lang, di namin ibinaon sa buhangin kaya nasira lang. :(

di ako mahilig sa pusa but i have no choice kc hilig naman ng mga tsikiting ko.

yong aso ko ngayon, kakulay ng lab ni cookiemoomoo. bigay 'to ng hindi kaibigan na nakakita kung paano ko iniyakan sa kalsada ang ni-hit and ran na alaga ko dati. :'(

ang hindi namin pwedeng gawing pet, ibon. kc for us, dapat malaya ang mga ito. there are times nga na bumibili kami ng ibon (sa tabi-tabi lang) para lang pakawalan.

@ anna, gusto mo ng unggoy? tiyakin mo lang na mati-train nang maayos, he-he. kasi may pagkasutil ang mga ito.

ahas? cno nga ba d2 ang may alagang ahas? ako kc, never kong iku-consider for a pet ang ahas. (maturuan man, mapanganib pa rin ito). :confused:


Title: Re: pet lovers
Post by: askepott on Oct 19, 2006, 07:00 PM
bump hehe

cookiemoomoo, kamusta na yun dalmatian mo? penge  :hihi:
anna, gusto mo ng unggoy? meron akong alam, libre, medyo nakakaasar nga lang  :hihi: :harhar:

kami din nag aalaga ng tuta before. (pag kasi nagiging aso na, dinadala na sa bahay ng lola ko kasi masmalaki yun space dun. hehe. nagrerent lang kasi ng apt) alam ko bata pa lang ako, may mga aso na sa bahay ng lola ko, askal lang yata pero sobrang linis naman, kahit itabi mo pagtulog =) sana'y kasi maligo tska binibili ng sariling food (kasi yun iba yun tira tira lang yun pinapakain  :hihi:) natataandaan ko pa nun bata pa kami ng cousin ko umiyak kami sa tuta namin kasi pinamigay ng uncle ko. tapos yun dad ko din umiyak nun namatay yun tuta namin few years ago, nasagasaan kasi tapos nagkapilay yata? the day before umalis yun dad ko namatay.. tapos recently nag alaga ako ng kuting tska tuta kea lang may nag nakaw! >.<
Title: Re: pet lovers
Post by: happykill on Oct 19, 2006, 11:33 PM
ako rin i have a yellow lab. he is around 1 year and 8 months old na. mahirap na sya i-walk sa labas kasi kaya na nya akong kaladkarin. minsan nanghabol sya ng kambing habang naglalakad kami sa labas ng bahay ayon pati ako sinigod ng kambing.  :rofl:
Posted on: Oct 19, 2006, 11:28 PM
@ask,

  oo nga pano nanakaw?

Alam nyo kung bibilangin ko pala lahat ng pets dito sa amin marami pala. 1 lab,  3 askal and 9 puppies, 1 lobster, 2 cats, tapos 1 rabbit. Okay ba? Wla pa yun 2 labs and 1 duchhound ng brother in law ko sa kabilang bahay and may isda pa. May pahabol pa at nagpapabili ng fish ang anak ko. hehehehe
Title: Re: pet lovers
Post by: angelmaries on Oct 20, 2006, 01:41 AM
meron kaming 2 indoor cats tapos bigla na lng me orange and gray tiger cats na nag show up sa property namin later on we found out they wer both preggy pala...yung gray cat sa neighbor napunta pero ung orange dahil we feeding her nag stay sa amin....one day pag uwi ko me kittens na sya so we decided na its better na ipasok na sila sa loob ng bahay.

eto itsura nila the first day (3 orange & 2 gray kittens)
(http://img192.imageshack.us/img192/2741/20060903172037aase5.jpg)

as of this time more than 8 weeks na sila at sobrang kukulit pero enjoyable...yung mom nila we named mrs. garfield at ung orig na 2 cats namin di pa din magkasundo hanggang ngaun. hay naku tpos ung 1 gray cat tumatambay na din sa labas dahil we leave food for her all the time  :hihi:



Title: Re: pet lovers
Post by: ultimate on Oct 20, 2006, 08:14 AM
we have a pair of zebra finches with 1 offspring. bibilhan pa namin ng ka-pair nya yung juvenile pag mature na. in 2 weeks time.

we're saving up to buy a pair of gouldians. pero di alam ng wife ko na yung upgrade ng pc ang pinag-iipunan ko.  :hihi:
Title: Re: pet lovers
Post by: happykill on Oct 20, 2006, 09:32 AM
@cookie,

   grabe eh noh ang lalakas ng mga labrador. ang taba rin kasi ng aso ko eh. pag-inakap ko eh dulo dulo ng daliri ko. kailangan ko na nga ata sya i-diet. Siguro sabay kami mag-diet  :hihi:
Title: Re: pet lovers
Post by: annanymous on Oct 24, 2006, 12:09 AM

anna, gusto mo ng unggoy? meron akong alam, libre, medyo nakakaasar nga lang  :hihi:


Hahaha! Sure ka ba na unggoy ang tinutukoy mo at hindi buwaya? :-D

Naalala ko nung 8-9 years old pa lang ako. Nagdala ng manok ang lola ko galing sa province. Tapos inalagaan ko yon. Ako lagi nagpapakain at nagpapainom ng tubig. Tuwing umaga pagkagising ko, sa likod-bahay agad ang tuloy ko para pakainin yung manok kahit di pa 'ko nag-aalmusal. Tapos nung sumapit ang birthday ko, katulad ng nakagawian pinuntahan ko agad yung manok pagkagising ko para pakainin. Tamang-tama nakita ko na lang ginigilitan na ng leeg yung manok. :'( Yun ang unang beses na umiyak ako dahil sa alagang hayop. Kaya pala dinala ng lola ko yon eh para talaga ihanda sa birthday ko. Di ko lang matandaan kung kumain ba ko ng handang fried chicken noon. :-D
Title: Re: pet lovers
Post by: nailbiter on Oct 24, 2006, 12:57 AM
^I know a similar story. Medyo maselan lang ito.

[spoiler]May time na nag-stay ako sa isang community for research work somewhere north where the locals were known to eat dogs. The dogs there aren't really pets, ni hindi pinapangalanan ng mga may-ari. Oblivious yung mga kasama ko. Yung mga nakikita nilang aso, pinapangalanan nila, pinapakain, nilalaro. Birthday nung informant namin, excited silang pumunta don sa bahay, tutulong daw sila sa paggawa ng handa. Sige, ika ko, bahala kayo. Hours later, umuwi, mugto ang mata. Kinatay daw nila si "Poochie." At siyempre, kinagabihan, pumunta kami ron para maki-party at makikain.[/spoiler]
Title: Re: pet lovers
Post by: axrockster on Oct 24, 2006, 11:38 AM
ako naman, mayroong dalawang aso. isang labraskal (labrador mixed with askal) na black. napakalandi pero virgin pa din kahit mga 5 years old na. tapos meron akong 5 mo. old american pitbull terrier. napaka friendly and playful na aso. sabi nga ng tatay ko tumatahol lang daw pag gutom at pag narinig akong papasok ng gate. mayroon din akong 2 hammerhead sharks. isang black and isang white. yung black mga 6 years old na, yung white around 3. malalaki na sila, bitin na nga ang aquarium e.
Title: Re: pet lovers
Post by: Wynn on Oct 24, 2006, 12:19 PM
ako naman nong nandyan ako sa pinas last feb.  nanganak yung aso na binigay nang ninang ko 2 years ako at iniwan ko dyan sa bahay nang mom ko.  kinuha ko yung isa, clean white ang color, gustong gusto ko, pangalan nya ay bona, mixed breed na sya sa askal.  tapos after ilang months kinuha ko na naman yung kapatid nya at inalagaan, handsome naman pangalan, white with konting black spots parang dalmatian.  tapos binigyan na naman ako nang friend ko nang isang aso so tatlo na sila kaso girl sya at hindi white (mahiligin kasi ako sa white na aso), light brown ang color pero ok na rin kasi matapang.  Kelangan ko kasi dami aso sa bahay para may babantay nang bahay ko don.  Pero ang laki rin nang gastos ko nung nag kasakit sila.  muntik na mamatay yung isa pero after 7 days sa hospital nabuhay rin sya yun nga lang malapit rin 15k nagastos ko sa kanilang tatlo.  pero neway tuwa na rin ako kasi ok na sila.  kaso lang iyak rin ako nung iwanan ko sila dyan sa pinas last aug.  grabe don ko naramdaman na grabe na pala, super emotionally attached na ako sa kanila especially sa una kong aso.  iyak ako nang todo noong umalis ako.  Di ako umiyak dahil sa tao pero sa aso ko umiyak ako. :cry:  
Title: Re: pet lovers
Post by: annanymous on Oct 25, 2006, 01:20 PM
^Ang drama naman ng kwento ni cookiemoomoo. Pwedeng isapelikula. :-D
Title: Re: pet lovers
Post by: askepott on Oct 25, 2006, 01:28 PM
hehe andrama naman nian. hehehe pag bumalik mag kulong nalang ulit kayo sa room mo, but make sure madami kayo dalang food. hehehe

naiinggit ako sa mga aso nio. mid november or atleast before xmas meron na din ako.. ppost ko dito if meron na. hehe

and btw anna, baka magkahalo yun. unggoy yun panlabas pero ugaling buwaya  :rofl:
Title: Re: pet lovers
Post by: Wynn on Oct 25, 2006, 01:31 PM
oo nga touching ang story nya.  ang cute and super neat rin pala nang aso nya.
grabe talaga ang emotional attachment natin sa mga pets natin.  ang aso ko pag pinapagalitan nagagalit rin ako kasi feeling ko nasasaktan sila at pag nasaktan sila syempre nasasaktan rin ako, grabe drama :cry:  pero totoo to ha :-D
Title: Re: pet lovers
Post by: p!nk on Oct 25, 2006, 06:17 PM
kami merong 6 na aso... 4 females and 2 males. kaya lang, namatay yung isa. yung pinakamaliit. wala na akong tatawaging baby girl trixie. :cry:

eto pix niya and yung last baby niya na si ice cream:
(http://f3.yahoofs.com/users/4255154fz80c52c00/4b85/__sr_/6e0a.jpg?phI_zPFBYAuEVaq0)

eto na si ice cream ngayon:
(http://images.pinkroma.multiply.com/image/2/photos/13/400x400/13/P9230338.jpg?et=AGSRYlDWWZwgDPwhCXLAZg)
pasensya na... di pa kasi naliligo yan eh...  :hihi:
Title: Re: pet lovers
Post by: annanymous on Oct 25, 2006, 06:42 PM
^Wow! Ang cute cute naman ni ice cream! :hihi: Parang ang sarap himasin at yakapin. Nakakakita pa ba yan? :-D
Title: Re: pet lovers
Post by: p!nk on Oct 25, 2006, 07:14 PM
hehe... nakakakita naman po... ganyan talaga buhok niya eh... kahit anong ayos gawin mo, matatakpan pa rin mata niya.

eto pa pix ni pogi (fave dog ng mama ko)
(http://images.pinkroma.multiply.com/image/2/photos/13/1200x120/3/P9150090.jpg?et=ygRNWDGKsSzKUIKYC6X9sA)

and our adopted cat, lemon (sa labas lang xia ng bahay at may mga aso sa loob):
(http://images.pinkroma.multiply.com/image/2/photos/13/1200x120/4/P9150092.jpg?et=Aiagmt8oeq3Y6jDe5vTNaQ)
Title: Re: pet lovers
Post by: cookiemoomoo on Oct 28, 2006, 12:29 AM
ang pogi naman ni pogi hehe post pa kayo ng pics ng pets nyo
Title: Re: pet lovers
Post by: ingenieure on Nov 01, 2006, 05:10 PM
waw ang cute naman ng mga pets niyo! may pet ako dati hamster. nakalimutan ko pakainin tapos lumabas siya sa cage niya, nalason at namatay.  :-[ sad hindi pa talaga ako ready mag-alaga that time.

ngayon naghahanap ako ng shih tzu at kahit anong maliit na aso na toy dog. saan kaya meron na mura lang?

Title: Re: pet lovers
Post by: p!nk on Nov 01, 2006, 08:39 PM
hmmm... ano bang itsura ng shih tzu? hehe... sabi kasi ng sis ko by next month may dalawang shih tzu na idedeliver sa bahay namin -- regalo niya kay mama.  :yehey:
Title: Re: pet lovers
Post by: ingenieure on Nov 03, 2006, 07:59 PM
CUTE SOBRANG CUTE!  :clap: wow sige dapat dumami yun anak nun tapos bibili ako sayo. shempre may discount pag PMT diba...  :hihi: (ang imahinasyon ko umaabot na sa ceiling...)
Title: Re: pet lovers
Post by: askepott on Nov 04, 2006, 12:43 AM
meron na ako chow chow !  :yehey: hehe
Title: Re: pet lovers
Post by: smile on Nov 04, 2006, 06:14 PM
Soon, isi-share ko rin picture ng mga pets namin na mga dating unwanted animals. :D
Title: Re: pet lovers
Post by: Wynn on Nov 05, 2006, 09:59 PM
ang gastos talaga pag may aso parang tao rin yung gastos nila.   nung nag kasakit ang tatlong aso ko dyan sa pinas last time mga 15k rin na gastos to yung isa kasi na confine sya for 7 days kaya malaki rin gastos.  tapos yung mga vitamins tsaka gamot nila mahal rin.  nakakatuwa kasi meron rin sila na patients medical card he he parang tao  

@cookie yung deworming ata hindi lang yan one time maraming beses ata yan dapat.  meron pa yan dapat vaccination.  para sure talaga aso mo na safe sa mga virus parang baby talaga :hihi:
Title: Re: pet lovers
Post by: askepott on Nov 06, 2006, 09:09 AM
^pwede ba pagsabayin yun pagpapadeworm at vaccine nun 5 in 1? 6 weeks na kasi sya, kailangan ipadeworm tapos between to 6-8weeks yata pwede pavaccine nun para sa mga parvovirus blah blah blah (5 in 1). astig pa ni chloe kasi DOB nia September 22, 2006 (sept 22 sinabi samin na wala ng M2M  :cry:) hehe and yun vitamins nia sabi nun seller kasi, tiki2 daw un binibigay nia kaya yun na din binibigay ko  :hihi:

Title: Re: pet lovers
Post by: p!nk on Nov 06, 2006, 09:31 AM
askpepott, tiki2x din binibigay ng mom ko sa mga aso namin. hehehe... magkano ba magagastos sa deworming ng aso? yung si ice cream kasi namin overweight. recommended din ng vet niya na magdiet. hehe... kakaawa naman kung ipapadiet. ang hilig pa naman noon na kumain.
 :hihi:
Title: Re: pet lovers
Post by: Wynn on Nov 06, 2006, 09:47 AM

^pwede ba pagsabayin yun pagpapadeworm at vaccine nun 5 in 1? 6 weeks na kasi sya, kailangan ipadeworm tapos between to 6-8weeks yata pwede pavaccine nun para sa mga parvovirus blah blah blah (5 in 1). astig pa ni chloe kasi DOB nia September 22, 2006 (sept 22 sinabi samin na wala ng M2M  :cry:) hehe and yun vitamins nia sabi nun seller kasi, tiki2 daw un binibigay nia kaya yun na din binibigay ko  :hihi:




yung vet clinic nyo ba di nag bibigay nang patients card kasi nandon na dapat yung schedule kung kelan sila dapat i deworm o i vaccine.  Maganda yan para di mo na malimutan schedule nya.  dapat talaga i vaccine sila tapos i pa deworm kasi kung hindi pag nag kasakit malamang na mahirap mag survive sila.  Yung mga vitamins naman sa akin naman kung ano yung nagustuhan dati nang pets ko yon na lang binibili ko.  Dami kasi dati ni reseta yung vet kaso lang yung iba di nila kinakain so sayang lang.  Medyo yung mga details di ko na rin maalala masyado kasi once lang ako sumama sa clinic non yung driver ko dati lagi nag dadala sa kanilang tatlo so sya ang mas nakakaalam :hihi:  Pero masasabi ko lang na yung pag aalaga sa aso talagang parang pag aalaga sa baby talaga.  
Title: Re: pet lovers
Post by: Wynn on Nov 06, 2006, 09:57 AM

askpepott, tiki2x din binibigay ng mom ko sa mga aso namin. hehehe... magkano ba magagastos sa deworming ng aso? yung si ice cream kasi namin overweight. recommended din ng vet niya na magdiet. hehe... kakaawa naman kung ipapadiet. ang hilig pa naman noon na kumain.
 :hihi:


If i remember it right, yung deworming dala na ata yung mga gamot o vitamins don mga 1 k rin ata magastos mo sa isang visit lang yon.  kasi di lang ata isa yon eh dami ata beses dapat gawin.  Pink why not instead of food ibigay mo sa kanya bones.  Pabilhan mo sya nang malalaking bones tapos lutuin.  Sa akin kasi gustong gusto yon nang mga pets ko.  Yung  dog food nila tama lang yung ibigay mo para di sya masyado tataba.  tapos nakaka exercise pa sya sa bones na yan at tsaka nababawasan rin yung rabies nila.  Meron rin kasi ako dati na overweight at ganito yung ginawa ko.  Kasi yung tendency pag binigyan ko sila nang bones di nila pinapansin pag kain nila don na lang sa bones attention nila
Title: Re: pet lovers
Post by: p!nk on Nov 06, 2006, 12:45 PM
may problem kasi kung bones binibigay eh... nasusugatan yung stomach niya. actually, medyo matakaw kasi talaga si ice cream kahit ano kinakain... ayun nagkastomach problem so ipinagbawal na yung matitigas including bones ng vet niya.

huhuhu... namiss ko tuloy si ice cream. pinadalhan ba naman ako ng sis ko ng new pix niya.
:cry:

Title: Re: pet lovers
Post by: Wynn on Nov 06, 2006, 01:02 PM

may problem kasi kung bones binibigay eh... nasusugatan yung stomach niya. actually, medyo matakaw kasi talaga si ice cream kahit ano kinakain... ayun nagkastomach problem so ipinagbawal na yung matitigas including bones ng vet niya.

huhuhu... namiss ko tuloy si ice cream. pinadalhan ba naman ako ng sis ko ng new pix niya.
:cry:




so di pala sya pede sa bones pag ganyan.  soft dapat na food bigay sa kanya or more sa meat kaya less on carbo.  i control mo na lang pag bigay nang food sa kanya para di sya lalong tataba.  Ba't nandon pala si ice cream mo sa sis mo?  
Title: Re: pet lovers
Post by: Mike QC on Nov 06, 2006, 05:03 PM
Speaking of pets, I got 12 Siberian Huskies already coz kapapanganak pa lang ng isang female right after the other female. (In case you don't know, these are the snowdogs if you've seen the movie "8-Below"). They are so cute pero nakakainis na pag sobrang dami at nakakasira na ng lawn at mga plants. They love to keep running and digging the soil.  Sometimes I have the feeling of getting rid of all of them.  Now I'm thinking of selling some of them.  I got the champline yung father is nasa TV commercial ng pedigree. ;)
Title: Re: pet lovers
Post by: p!nk on Nov 06, 2006, 06:07 PM
^wow! siberian huskies... ang saya... hehehe... wala kang pix ng mga huskies mo?
 :hihi:  :clap:

@wynn, i'm working away from home kasi kaya nakikita ko lang yung mga pets namin during vacation. now i'm looking forward sa mga shih tzu na ibibigay ng sis ko for our mom.
Title: Re: pet lovers
Post by: Wynn on Nov 06, 2006, 10:17 PM
^kaya pala pink, hay naka ka miss talaga pag napa sobrang mahal na sa yo yung mga pets mo.  ako ayoko ko na isipin kasi nakakalungkot.  pero eveyrtime tingin ako nang mga pictures nila happy na rin ako . tapos everytime tawag ako dyan sa pinas tapos marinig ko yung ingay nila sobrang happy ko rin.
Title: Re: pet lovers
Post by: Wynn on Nov 06, 2006, 10:30 PM

Speaking of pets, I got 12 Siberian Huskies already coz kapapanganak pa lang ng isang female right after the other female. (In case you don't know, these are the snowdogs if you've seen the movie "8-Below"). They are so cute pero nakakainis na pag sobrang dami at nakakasira na ng lawn at mga plants. They love to keep running and digging the soil.  Sometimes I have the feeling of getting rid of all of them.  Now I'm thinking of selling some of them.  I got the champline yung father is nasa TV commercial ng pedigree. ;)


wow grabe dami na nang alaga mo, cute na cute siguro tingnan no.  pero tama ka pag sobrang dami talaga nakaka inis na rin lalo na pag nadali na yung lawn at mga plants mo.  Yung sa akin naman pinagawan ko na sila nang bahay para di na masira lawn namin kasi kukulit rin nila nadadamage na yung bermuda grass tsaka mga flowers.  Tapos di na rin sila pede pakawalan kasi meron na nag re rent sa isang bahay so nakakahiya rin baka ma disturbo sila at umalis pa.  tapos yung neighbour namin nag rereklamo na rin kasi ingay nila lalo na pag gabi he he.  

pag may picture ka post mo rin dito, pano nga pala mag post nag pix dito?  tagal ko na dito pero di ko pa alam :hihi:
Title: Re: pet lovers
Post by: askepott on Nov 06, 2006, 10:37 PM
mike, how much mo plano ibenta yan? nag hahanap kasi yun friend ko ;)
may nakita kasi kami sa net, mura lang, "no tails"   :hihi: mixed yata un breed. kaya no tail at mura lol pa pm naman ng price mo if ever balak mo ibenta, how old na yun?

dinala ko kanina si chloe sa vet para ipadeworm tapos sabi nun vet yakult daw muna ipainom sa kania for 3 days, walang water or milk, sabi nia pwede ko din daw bigyan ng cerelac if i want to. tapos yun vaccine naman na 5 in 1, next monday pa kami babalik, kasi kakakuha ko lang kay chloe last friday, baka daw mastress. atska meron kasing lump si chloe sa may tummy, I asked kung ano gagawin dun, sabi kailangan daw irepair yun after a year or so or else possible daw na mahirapan sya manganak if ever atska lalaki daw yun un kung hindi aayusin. nakakaawa naman si chloe  :-[
Title: Re: pet lovers
Post by: annanymous on Nov 06, 2006, 10:45 PM
^Chloe na pala pinangalan mo. Kunsabagay mas tunog baby tutal parang baby naman ang turing mo sa pet mo. :hihi:

@Wynn, try mo [img]URL ng image["slash"img]. Ginawa ko lang yung buong word na "slash" kasi di lalabas yung format pag (/) ang ginamit ko. :)
Title: Re: pet lovers
Post by: Mike QC on Nov 07, 2006, 12:11 AM
Ok guys here are some of my huskies excluding the others pa plus the 2-month old puppies. Pag iisipan ko pa kung sino yung ibebenta ko.  Ang hirap lang sa pets..... it's really so hard to let go of them kaya lang pag dumadami na talaga sila, masyado nang magulo so no choice na ako.
(http://img170.imageshack.us/img170/482/cutiechinaad2.th.jpg)(http://img97.imageshack.us/img97/2102/dsc02912bq4.th.jpg)
(http://img505.imageshack.us/img505/4973/blushrd3.th.jpg)(http://img505.imageshack.us/img505/2253/brandy2nn6.th.jpg)
(http://img161.imageshack.us/img161/9489/beautiestu8.th.jpg)(http://img248.imageshack.us/img248/7832/thunderrh3.th.jpg)
(http://img54.imageshack.us/img54/7607/blushoo4.th.jpg)
Title: Re: pet lovers
Post by: cookiemoomoo on Nov 07, 2006, 02:00 AM
^cute naman ng mga pets mo. gustong-gusto ko magkaroon talaga ng siberian. kakainggit naman. hehe. question lng po, pwede po bang pa inumin ng tiki-tiki yung isang aso ko na 7 mos. old na? or meron ba kayong ma i-rerecommend na vitamins para sa aso na mura lang? mejo marami na din mga alaga ko eh magastos na.
Title: Re: pet lovers
Post by: Mike QC on Nov 07, 2006, 03:29 AM
cokiemoomoo, actually i'm using "tiki-tiki plus" at ok sya sa 7 mos na pup. masakit na talaga sa ulo pag madami na ang pets.  ;)

Quote from: Wynn
wow grabe dami na nang alaga mo, cute na cute siguro tingnan no.  pero tama ka pag sobrang dami talaga nakaka inis na rin lalo na pag nadali na yung lawn at mga plants mo.  
pag may picture ka post mo rin dito, pano nga pala mag post nag pix dito?  tagal ko na dito pero di ko pa alam

Wynn, wala na sira sira na ang mga plants namin, damage has been done.  To post pictures here you will need an image host like imageshack, etc.... http://www.imageshack.us where you will need to upload your pictures in order to create a url or image location.  Then click the "image insert" button above and type the url (or image location) that you just created then post it.  
Title: Re: pet lovers
Post by: p!nk on Nov 07, 2006, 08:45 AM
^ay! ang cute naman ng mga siberian huskies mo...
 :hihi:
Title: Re: pet lovers
Post by: Emo on Nov 07, 2006, 11:33 AM
got into kois several weeks ago. maliliit pa lang 3-4 inches. 20 gallon aquarium setup. bought an initial 4 golden kois, pero tumalon yung isa the first night. nagulat na lang kami nung umaga nasa sahig na siya. we bought an additional 2 butterfly kois kaya 5 na sila ngayon.

hindi mahirap alagaan pero matakaw kumain. pati mga halaman ng aquarium inuubos. i'm hoping to setup a pond by next year pag malaki na sila. enjoy silang panoorin and they get accustomed to your presence. kahit nakalublob yung kamay mo sa tank they will graze against your skin din, parang pusa. soon enough masusubuan ko na silang kumain from my hands.

sino pa bang into fish pets sa inyo? ;)
Title: Re: pet lovers
Post by: p!nk on Nov 07, 2006, 12:46 PM
emo, magkano bili mo nung pets mo?
Title: Re: pet lovers
Post by: Mike QC on Nov 07, 2006, 01:17 PM
Quote from: p!nk
^ay! ang cute naman ng mga siberian huskies mo...
 hihi

Hi p!nk, thanks. kaw din I just saw your ice cream, sobrang cute din and pareho kayo ng breed ng mom ko.  I know very lovable yan. ;)
Quote from: askepott
mike, how much mo plano ibenta yan? nag hahanap kasi yun friend ko Wink

Hi askepott, pinagiisipan ko maybe siguro ang ibebenta ko, if ever, are yung white (aka "China") and his 9 months old sister, "Brandy" (the black one on the right/2nd row) above.  Sila na muna for a start then, I'll think about the rest pa.  Ang hirap kasi medyo emotional mag let go ng pet dogs eh.  
Title: Re: pet lovers
Post by: p!nk on Nov 07, 2006, 02:08 PM

^Wow! Ang cute cute naman ni ice cream! :hihi: Parang ang sarap himasin at yakapin. Nakakakita pa ba yan? :-D

hehe... eto ginawa ng sis ko sa kanyang hair:
(http://images.pinkroma.multiply.com/image/3/photos/13/400x400/20/PB050003.JPG?et=Uluj66U8twauu0Qn6IVwrA)

she sent the pix to me the other day.
Title: Re: pet lovers
Post by: Wynn on Nov 07, 2006, 03:13 PM
to anna & mike thanks for your reply on how to post pix here.  

@mike i like your siberian huskies lahat sila pero if i were to choose yung white si china yung gusto ko.  mahiligin kasi ako sa white dogs.   sayang gusto ko sana mag alaga talaga kaso lang di pede dito :cry:

@pink super cutie rin ni ice cream mo
Title: Re: pet lovers
Post by: cookiemoomoo on Nov 08, 2006, 12:47 AM
Emo, meron ako dati flowerhorn kaya lang namatay. sayang nga eh.  :( (ot: happy bday nga pala hehe)

meron din ako lovebirds ngayon. enjoy rin panoorin kaya lang lagi ako nininerbiyos dahil di ako marunong mg alaga ng lovebirds at lagi akong nagaalala baka ano mangyari sa kanila.. binigay lang to sakin eh. baka my tips kayo jan, share naman hehe.

thanks Mike bibili ako ng tiki-tiki for my dog. iisa lang ba ang klase ng tiki-tiki? hehe pasensya na wala akong kaalam alam jan eh. :)
Title: Re: pet lovers
Post by: Emo on Nov 08, 2006, 11:37 AM

emo, magkano bili mo nung pets mo?


@p!nk, 100 each yung 2 butterfly koi tsaka yung isang medyo black yung likod then orangey sa lower half (hindi ko pa ma-classify. mutant yata ang isang ito; well, technically lahat ng koi ay mutated carp).
3 for 100 yung golden koi - yamabuki ogon yata ang tawag (hikari-muji class or single color).

^cookie, yung pinsan ng wife ko nasa 6" na yung flowerhorn niya. labas na yung "chinese markings" niya sa side. maganda siya kung tutuusin pero di ko lang trip yung porma ng ulo ng flowerhorn, parang mongoloid na di ko ma-took. :rofl:

pinagpipilian ko noon, yang flowerhorn, arowana, plain goldfish or koi. masyadong matrabaho yung saltwater fish. mas nagustuhan ko yung personality ng koi.
Title: Re: pet lovers
Post by: Wynn on Nov 11, 2006, 01:05 PM
pede naman meat tsaka bones just boil it for few minutes tapos ok na.  meron rin ako alam canned foods binibigay nila sa aso nila ;)
Title: Re: pet lovers
Post by: askepott on Nov 11, 2006, 01:45 PM
satin balls. pampataba daw ng dog/puppy ^_^ and gusto daw talaga ng mga aso yun. yun bibigay ko muna kay chloe ^_^

Quote
SATIN BALLS

This recipe is for dogs who desperately need calories and need to put on weight, but who have no appetite. It sounds yucky, but when these are done they are really appealing, even to me.
As said by most dog lovers, this is a kind of "last resort and hope" food that many sick dogs will eat.

Mix all ingredients (like meatballs). I shape them like thick hamburgers rather than balls because they store easier in the freezer and thaw faster. Freeze in serving portion size. Nothing is cooked -- all ingredients are uncooked RAW and "Satin Balls" are served raw.

This recipe for Little Dogs (1/10 of full recipe) would be a good test to see if your dog will eat them before you make the substantial investment in ingredients of the half or full size recipe. See Notes below about the Total cereal, oats, wheat germ and vegetable oil.

Satin Balls for Little Dogs -- or to try out recipe on your dog to see if he will eat it.

1 lb cheap hamburger (for high fat %)
1 and 1/3 cups Total cereal
1 and 1/2 cups uncooked oatmeal
1 raw egg
6 Tablespoons wheat germ
1 package Knox unflavored gelatin
2 Tablespoons vegetable oil
2 Tablespoons unsulphered molasses
Pinch of salt




Title: Re: pet lovers
Post by: askepott on Nov 12, 2006, 12:03 AM
eto na si chloe ko!
(http://i9.photobucket.com/albums/a60/askepott/CopyofCIMG4011.jpg)
Title: Re: pet lovers
Post by: wataru on Nov 12, 2006, 01:24 AM
anong breed yan? ako pitbull na tuta meron ako. hehehe
Title: Re: pet lovers
Post by: askepott on Nov 12, 2006, 02:20 AM
chow chow :)  yun friend ko din may pitbull, pero d ba nakakatakot mag alaga ng pitbull? and yun bf ng cousin ko 4 un pitbull tapos yun 1 daw pinatay kasi d na macontrol.. post ka din ng pic! :)

mike qc, how much mo bebenta? pm mo sakin .hehe
and wala ba dito may dalmatian?
Title: Re: pet lovers
Post by: wataru on Nov 12, 2006, 02:28 AM
cge post ako d2 pic soon. d nman nkakatakot eh bsta turuan lng.
Title: Re: pet lovers
Post by: vegetta on Nov 12, 2006, 03:01 AM

 4 un pitbull tapos yun 1 daw pinatay kasi d na macontrol..


ako pinagiisipan ko nang patayin ung rotweiler (tama ba spelling) ko hehe masyado nang maharot di ko na rin makontrol...puro kagat na ako  :rant:....kaya lagi na lang nakatali un
Title: Re: pet lovers
Post by: p!nk on Nov 13, 2006, 09:11 AM
yan rin gusto kong gawin sa isang dog namin. di rin macontrol eh. actually, di lang nakocontrol kung ako ang nasa bahay -- parang gusto akong kainin. di kasi ako nakikilala unlike the other pets. pero kung yung mom, sis, bro, and maid lang namin... kilala naman niya ang super lambing daw sa kanila. grrr!!!

may isang dog rin kami named rambo na kailangang patayin before kasi di na talaga macontrol. wala ng nakakalapit. the deciding factor -- kinagat ang lolo ko.
Title: Re: pet lovers
Post by: Mike QC on Nov 14, 2006, 10:23 PM
Quote from: askepott
mike qc, how much mo bebenta? pm mo sakin .hehe

askepott, naku binili agad ng mga friends ko yung mga ibang "black & whites" but I haven't offered them the white one above so if you want,  just pm me your friend's budget then sasabihin ko na lang syo kung higher or lower hehe. ;)
Title: Re: pet lovers
Post by: askepott on Nov 11, 2007, 04:11 PM
^mag 14months na po si chloe this month ;D [hehe, sobrang late yun reply ko lol]

invite ko din kayo mga pet lovers sa dog walk / xmas party namin sa december :D
post ko nalang yun info ng event dito, hindi pa kasi naffinalize eh..
share ko na din yun logo ng tshirts/site namin kung ok lang :
(http://img161.imageshack.us/img161/8910/doggie3kz7.jpg)
[mods, pakiremove nalang kung hindi pwede hehe]
Title: Re: pet lovers
Post by: dlan on Nov 11, 2007, 11:13 PM
Apat aquarium namin sa bahay, may isa bakante.  Isa, kataba laman.  Dun ko sila stock para di ako pabalik balik sa petshop bili ng kataba.   :watchuthink:  Meron kami Arwana (2 yo)and Snakehead (5 yo).  At least etong mga big fishes medyo di gaano maselan.  Dati meron kami small fishes pero di tumatagal at namamatay din.  Meron  din akong 3 pairs african lovebirds.  Late last year ko lang na start love birds.  Gusto ko sana paramihin, pero medyo busy ako.  Meron din kami 4 askals, dog food pagkain nila  mixed with rice...  :hihi:
Title: Re: pet lovers
Post by: cookiemoomoo on Nov 12, 2007, 12:59 AM
namatay african lovebird ko last month.  :cry:
Title: Re: pet lovers
Post by: jojoaries on Nov 26, 2007, 09:27 AM
so sad nmn cookie.... masasabi bang pet ko kung ang aquarium ko at fish ay nasa barkada ko pero most of the time ako ang nagpapakain... malaki kasi yung aquarium na bigay skin ng kapitbahay ko kaya dun ko nilagay sa bahay ng barkada ko isang kanto ang layo mula sa amin mga 800 meters siguro...  2 tiger red oscar ang alaga ko isang 6 month old at 7 yung isa...
Title: Re: pet lovers
Post by: cjap10 on Nov 26, 2007, 10:23 AM
meron ako aso na half st. bernard half local ( di raw dapat askal tawag sa mga un sabi ng vet...  :hihi: )
Title: Re: pet lovers
Post by: diamond on Nov 27, 2007, 10:29 AM

Naalala ko nung 8-9 years old pa lang ako. Nagdala ng manok ang lola ko galing sa province. Tapos inalagaan ko yon. Ako lagi nagpapakain at nagpapainom ng tubig. Tuwing umaga pagkagising ko, sa likod-bahay agad ang tuloy ko para pakainin yung manok kahit di pa 'ko nag-aalmusal. Tapos nung sumapit ang birthday ko, katulad ng nakagawian pinuntahan ko agad yung manok pagkagising ko para pakainin. Tamang-tama nakita ko na lang ginigilitan na ng leeg yung manok. :'( Yun ang unang beses na umiyak ako dahil sa alagang hayop. Kaya pala dinala ng lola ko yon eh para talaga ihanda sa birthday ko. Di ko lang matandaan kung kumain ba ko ng handang fried chicken noon. :-D


hehe, i went throught the same thing. Mahilig ako sa aso, but when I was in grade school, nag-alaga kami ng 45-days sisiw para panghanda sa pasko. 2 yun. Ako din nagalaga hanggang dumating december. Then siguro 2 days bago magpasko, sabi ng nanay ko, papatayin na daw niya sa christmas. Syempre, nagwala ako at umiyak. Then, came christmas morning, I was awakened by my mother's shrieks "habulin mo, habulin mo". Paglabas ko ng kuwarto, nakita ko tumatakbo ang manok. So hinabol ko. Tapos dinala ko sa kitchen, "Nay ito na". Tapos nakita ko nakalaylay na ang leeg nung isang manok, nagilitan na! Kaya ang ginawa ko, itinakbo ko yung isa. Syempre nahabol ako. hehe. :D

Iyak ako ng iyak nun. Tapos, pagdating ng noche buena, di ako kumain.  :D
Title: Re: pet lovers
Post by: epriss on Nov 28, 2007, 04:44 PM
me and my family really love pets.  we have a black labrador named malone, a black daschund named bogart, a halfbreed pomeranian named wally, a big cat named miaui and a kitten named petix.  may isa pa kaming askal (pero mahahaba ang balahibo ) named moochie.  parang members of the family namin lahat ang mga to.

ang mga cats katabi pa ng mga kids ko at si malone and boagart minsan nasa loob ng bahay lang....
Title: Re: pet lovers
Post by: bluerey on Aug 17, 2011, 02:13 PM
pet ko pusa
..
malambing kasi pusa ko
tapos lagi namin sya pinapaliguan
tapos ganda nang balahibo nya
pag aso kasi ang inalagaan nyo dilikado kasi mag nag wild ang aso na ngangagat ...eh ang pusa hindi ma amo pa...

ganto kasi gawin nyo pag gusto nang pusa dapat gawa kayo maliit nang bahay sa pusa ... tapos dapat maging comportable ang pusa nyo.
lagi nyo syang pakainin.
kailanagan may shampoo yong pusa nyo para maging magandang pusa sya...

Title: Re: pet lovers
Post by: cousinit on Aug 17, 2011, 02:56 PM
may rabbit ako, pero wala na siya ngayon :(
Title: Re: pet lovers
Post by: elmostreet on Aug 17, 2011, 09:50 PM
^^
Is it dead or sold to another owner?
Title: Re: pet lovers
Post by: falsehope on Aug 17, 2011, 11:25 PM
pano kaya magka pusa na tulad ni MARU(search nyo sa utube), scottish fold breed nya , may nag iimport ba dito o meron ba kayo alam na nag iimport ng different breeds of cats?
Title: Re: pet lovers
Post by: GoodSteward on Aug 17, 2011, 11:35 PM
Speaking of cats, i hate cats, but this videos are cool...

http://www.youtube.com/watch?v=sP4NMoJcFd4&playnext=1&list=PLC24225701CCC76F4

http://www.youtube.com/watch?v=PXRX47L_3yE

Title: Re: pet lovers
Post by: ferrariEverest on Sep 14, 2011, 11:47 AM
dami kami aso (askal & may breed), ibon.
dami rin kami guinea pigs (PM me if interested).
dati nga may pugo, baboy, mini horse, & pato pa kami e. lol
Title: Re: pet lovers
Post by: hoodlums on Sep 23, 2011, 04:37 PM
ako naman meron kaming 2 dogs boy and girl...
white siya and black... actually kakapanganak nga lang nung girl...
tapos white and black din ang kulay nung dalawa nilang anak...
meron di kaming mga Fish, Love Birds, Dove.. yun lang!
Title: Re: pet lovers
Post by: krsitine020 on Feb 25, 2012, 11:01 AM
ako i love dog
meron akong 4 dogs c ken,tin,browny and spot kaya lang si spot is nmatay na sobrang nka2lungkot kapag nwala yung alaga mu ..
i love my dogs

and dti may  8 humster ako kso nmaty na lhat ehh
nung summer bwal kc cla sa sobrang init ng pnahon