PMT Forum

PMT Forum's MOST POPULAR Discussion Boards => Chikahan, Kumustahan at Walwalan => Topic started by: Gothic696 on Mar 25, 2009, 04:02 PM

Title: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: Gothic696 on Mar 25, 2009, 04:02 PM
Hindi ko alam kung susuko na ako o susugod pa ba ako?  Ang nararamdaman ko, hinang hina na ako.  Minsan, napapaisip ako tumalon galing sa bubong namin.  Minsan, napapaisip ako na uminom ako ng isang libong tabletas para malason ako.  Pakiramdam ko, wala na ako magagawa pa.  Hindi ko alam kung sino na ang malalapitan ko.  Hindi ko malapitan ang mama ko dahil masyadong relihiyosa at sa sobrang relihiyosa niya, sa tuwing magpapaliwanag siya tungkol sa Diyos at sa ginagawa ko at sa ibang tao, ang tingin ko sa kanya, porket nagtatrabaho ay keyso makamundo na.  Kung baga, para sa akin, kapag ang trabaho na katulad ng mga writing, call center at kung ano ano pa man ay matatawag niyang makamundo na ang ibig sabihin ay makasalanan.  Bakit hindi na lang daw ako tumugtog ng piano sa simbahan.  Ialay ko ang aking kaluluwa sa Diyos kaya pati ang "faith" ko nalulusaw na rin.  Parang hinahati ang katawan ko sa dalawa dahil hindi ko alam kung saan na ako lulugar.  Gawin na lang niya akong 'madre' o kaya naman, simulang pagkabata ay hindi na ako pinaaral pa para hindi na naging bukas sa isip ko sa mga trabaho, trabaho na yan.

Ganun pa man, ayoko pa rin sumunod sa kanya.  Hindi naman ako perpektong na hindi sumusunod pero may gusto akong gawin sa buhay ko at iyun nga, maghanap ng trabaho para magkapera ako pero ang problema naman, hindi naman ako graduate.  Simulang Disyember ng 2008 hanggang Pebrero ng 2008, hindi ako nawalan ng pag-asa sa kakahanap ng trabaho dito sa online at ayoko naman sa offline ako magtrabaho dahil pera na naman ang kalaban mo e.  Hihingi ka ng pamasahe, magrereklamo pa ang taong hinihingan mo ng pera na keyso magastos at kung sakaling walang nangyari sa pagpunta punta sa inaapplyan mo?  Ganun din, sayang ang pera mo.

Naisip ko, online na lang talaga kaya ayun, nagsumikap ako sa kakahanap ng trabaho na nasa bahay lang.  Three months ako laging naghahanap at ang motto ko pa nuon ay hindi ako susuko kahit ikamatay ko pa.  Grabe no?  Ikamatay pa naman?  Wala ata sa katinuan ang pag-iisip ko nuon basta, ginagawa ko lahat kaya kakaunti lang ang nakakain ko sa tatlong beses sa isang araw dahil iba ang nasa isip ko e.  Ang makahanap ng trabaho.  Yun at yun lang.  Nakalimutan ko uminom ng mga bitaminang tabletas dahil lagi ko napapaisip na wala akong oras dahil hinahabol habol ko ang oras sapagkat malapit ng ang June.  Pasukan na sa June at gusto ko uli mag-aral dahil ako ay hamak na undergraduate lang.  Sa kakasumikap ko, nakahanap ako sa wakas.  Natuwa ako pero nahilo naman ako nang araw na natanggap ako sa isang company na online job sa mga writers.  Nahilo ako.  Na low blood ako.  Natakot ako na baka mamatay nga ako dahil naaalala ko ang motto ko nuon na hindi ako susuko kahit ikamatay ko pa.  Ayun, araw araw ganun.  Gigising ng umaga, nahihilo ako pero saglit lang at ayoko ipahalata sa mga tao sa bahay namin.  

Wala kase ako pakialam kase nuon dahil ang sabi ko, gagawin ko lahat.  Ayun nga, ginawa ko nga lahat at pagkatapos nun, eto naman, lahat ng mga isinusulat ko para sa kanila, lahat lahat ay ibinabalik sa akin.  Kahit patuloy pa rin ang hilo ko, sugod pa rin ako ng sugod.  Sabi ko, hindi ako susuko sa pagsusulat hanggang mga dalawang linggo na ang nakakaraan, wala akong natatanggap na pera dahil lahat lahat sila, puro revision at revision na lang.

Naisip ko, ayoko pa mamatay dahil palagi na ako nahihilo dahil ginagawa ko ang lahat e kaya lang, ang resulta, hindi nga lang ako maka concentrate dahil sa hilo ko.  Naisip ko, magpahinga at magpahinga lang muna ako at kumain na kumain ako at higit sa lahat ay uminom ng vitimins.  Naka recover man ako, ibinabalik pa rin ang mga isinusulat ko galing sa kanila.  

Natuklasan ko sa sarili ko na hindi pala binabayaran ang effort mo.  Well, reality nga naman.  Sa tema talaga ng pagsusulat ka binabayaran at naiintindihan ko yun pagkatapos hindi na rin ako makapasok sa thread nila.  Lagi itinatanong ang username at password ko.  Pakiramdam ko, terminate na ako.  Hindi ko alam e.  Basta.

Dalawa ang option ko.  Ang www.odesk.com.  Sa tuwing tinititigan ko ang 'odesk' na yan, nanghihina na ako.  Magiging successful kaya ako dito?  Parang huling banat ko na ang 'odesk' dahil kahit ano ang search ko sa www.google.com na online job, lagi sinasabi na kailangan, graduate ka, kailangan pleasing personality ka, kailangan expert ka sa ganitong field, kailangan may experience ka na at ang rami raming qualification.  Hindi man ako nakatapos ng training ko sa adobe photoshop, hindi ko rin pala siya magagamit kahit pag edit man lang ng pictures at gumawa ng advertising ads dahil yun lang ang natutunan ko e.  Hindi ko pa siya ganuon kalawak kabisado lahat ang nasa adobe photoshop pagdating sa paggawa ng mga advertising ads  dahil training lang naman yun e at hindi kurso yun.  Kakaunti lang ang nasakop kong kaalaman sa adobe photoshop at kung ipagkukumpara ako sa iba, mas malawak pa ang natutunan nila kaysa sa akin.

Sa nararamdaman ko, parang wala na akong magagawa pa.  Wala na akong makitang pagkakataon na makahanap uli na para sa akin.  Writing, hindi naman pwede dahil siguro, kailangan ata, graduate ka ng journalism.  Call center ay hindi naman din pwede dahil nuong una, hindi ako nakapasa.  Ang isang kasama ko ang nakapasa.  May nakita akong trabaho, illegal naman.  Ipagpapatuloy ko na nga sana yun e dahil nakapasok ako duon kaya lang, sabi ko sa sarili ko na porket undergraduate ako, ito na ang bagsakan ko?  Ang qualification lang kase sa dati kong napasukan is lahat ng undergraduate at walang experience.  Na thanks to God pa ata ako pero yun pala, illegal.  Nagdadalawang isip pa ako nuon e.  Trabahong illegal sa mga hindi nakapagtapos o hanap na lang uli  ng bagong mapapasukan pero 50 / 50 ang chances?

Ngayon, pagud na ako sa kakahanap.  Huling banat ay 'odesk'.

Hindi ko alam kung magiging successful nga ako dito o hindi pero sa ngayon, hinang hina ako.  Hindi ko alam kung susuko pa ba ako susugod uli.

...kahit ano man yun, bahala na.
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: Gothic696 on Mar 25, 2009, 05:39 PM
......sa aking kuarto, ala singko  trenta ng hapon, napapa isip ako.  Kung walang wala na talaga as in wala na talaga, huling pagkakataon ko na ang ebenta ko na lang ang aking katawan bilang prostitute kahit hindi maganda at kung hindi naman din pwede 'yun dahil halos lahat lahat ng tao ay malalaki ang ekspektasyon nila pagdating duon na halos kaparehas lang na nag-aapply ka ng trabahong matino ay hahanap ako ng trabahong illegal na kahit ano ang uring trabaho na meron kahit kalaban ko pa ang aking kunsensiya (hindi ako nagtataka kung bakit maraming kriminal at injustice dito sa mundo dahil talaga namang injustice e) at kung walang wala pa rin, ang huling banat ko ay...

magpakamatay na lang ako.

From highest to lowest kung titingnan natin dahil ang umpisa, hindi ako nakakapag-isip ng masama.  Puro kalinisan at kabutihan hanggang papunta na sa kadumihan at kasamaan at hanggang mapunta na sa pangkitil ng buhay.

Sunod sunod sa listahan kung ano ang susunod na kabanatang mangyayari.
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: jrpiquero on Mar 25, 2009, 05:52 PM
pwede po kayo maging blogger  :hihi: http://www.blogger.com sigurado madami po magbabasa ng blog ninyo kasi madaming makakarelate sa inyo  :cool2:
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: workoshore on Mar 25, 2009, 06:14 PM
^agree ko diyan, para siyang makata eh, kaya GOthic na... :applause:

don't feel bad nor thinking bad, kasi lumiliit tuloy ang mundo mo madam...

be hopeful always, fairness is not a giveaway, need to fight for it...


cheers... :cool2:
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: yenyen on Mar 25, 2009, 10:03 PM
elow gothic,

check mo na email mo, tsaka padala ng articles mo sa email ko....kung pwede asap
para ma review ko.....as you have said....
don't worry po...may pag-asa ka as long
as you take effort gawin mga suggestions ko...

effort lng poh, by the way,
we were in the same situation before...
so I understand you okay poh..... :hello:
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: Amberthe on Mar 26, 2009, 01:22 AM

I always believe that there is light at the end of the tunnel. Just dont lose hope. I know you will find your way. CHEERS! :applause:
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: jrpiquero on Mar 26, 2009, 06:49 AM
suggest ko lang dagdag sa suggestion ko kanina  :D start an online diary. likas na mahilig sa chismis ang pinoy at pag usapan ang ibang tao hehe. kikita ka na pag uusapan ka pa. malay mo ma feature ka pa sa TV! may kilala po kasi ako blogger na may online diary at na feature siya sa magazine show ni korina sanchez (rated k)!  :cool2:
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: maxx4 on Jan 20, 2011, 09:54 PM
either blogger or script writer pwede ka...medyo mahaba yung nbasa ko pero naintindihan ko naman..sana tuloy mo rin yung adobe photoshop..magagamit mo rin yun..
graphic designer ako..totoong mahirap talaga maghanap ng trabaho..wla talagang madali sa mundo db?so gather yourself and give all the best that you can.
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: mlangseth on Jan 20, 2011, 11:48 PM
only a dead person has no hope....
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: yojmg on Jan 21, 2011, 12:56 AM
why dont you apply as an online english tutor? that's the online racket of my daughter...
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: elmostreet on Jan 24, 2011, 09:37 PM
Hindi ba kayo nag-tataka?

Wla na syang reply....

Baka tinuloy nya na ang balak nying mag-patiwakal.
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: me_edrian on Jan 25, 2011, 07:16 AM
^  :oops:   wag naman sana.
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: puberer on Jan 25, 2011, 08:02 AM
baka nakahanap na ng work at sobrang busy na niya
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: elmostreet on Jan 25, 2011, 08:40 AM
It's okay to think positive na baka may nahanap na syang trabaho.

but....

there is a possibility that the negative part has continuously gone bad on her.

Baka may trabaho na sya? I hope so...

I'm just curious kung sino talaga sya. Kaya I've search her profile from FaceBook and even on blogger. And I found out that her last activity was on last September 2011.

Ang pinag-tataka ko lang kasi is yung post nya, sa pag-kaka-intindi ko ay isang sulat ng nais ng pumanaw dito sa mundo.
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: Ma.Jewel on Feb 27, 2011, 03:44 AM
hala,hui Gothic696 magparamdam ka
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: houseandlotcavite on Feb 27, 2011, 11:05 AM
hi gothic, try real estate, i can help you! message me.
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: shobe_03 on Dec 27, 2011, 06:22 PM
why dont you apply as an online english tutor? that's the online racket of my daughter...

i would like to know, where is your daughter working as a tutor? Thank you po.. :D
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: drogonville on Jan 25, 2012, 03:37 PM
baka open ka sa sideline
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: BFXGeneralConsultant on Jan 25, 2012, 03:50 PM
Habang my buhay my pag-asa.. you're not hopeless my friend..
Madami tutulong sayo dito sa PMT..

Respectfully yours,
BFXGeneralConsultant
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: lupin on Jan 25, 2012, 04:01 PM
Di na ata nag-rereply ang TS nito, di kaya niya tinuloy ang plan nya "to go on the dark side of the moon"?
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: BFXGeneralConsultant on Jan 25, 2012, 04:10 PM
Di na ata nag-rereply ang TS nito, di kaya niya tinuloy ang plan nya "to go on the dark side of the moon"?

Napanood mo na ba TRANSFORMER 3 Movie? hehehe

Respectfully yours,
BFXGeneralconsultant
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: lupin on Jan 25, 2012, 04:19 PM
Napanood mo na ba TRANSFORMER 3 Movie? hehehe

Respectfully yours,
BFXGeneralconsultant


OT- Nope Sir, di po ako fan ng  movie na yan, bakit po? :)
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: BFXGeneralConsultant on Jan 25, 2012, 04:37 PM
"to go on the dark side of the moon" yan hehehe..
Pasensya na na OT na tayo..

Respectfully yours,
BFXGeneralConsultant
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: Archcavalier on Jan 25, 2012, 09:11 PM
out here we have a simple solution to people who have already lost hope looking for a job. or lost hope in general.

We call it the Burj Khalifa experience.
Problems solve in less than a minute. It cost around AED 100 or AED 120.
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: ferrariEverest on Jan 25, 2012, 09:14 PM
^ bungee jump with no ropes? :D
o skydive?
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: Archcavalier on Jan 25, 2012, 09:19 PM
^ bungee jump with no ropes? :D
o skydive?

Whatever floats your boat.  :b_sprman:
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: luigisoon on Jan 26, 2012, 01:53 PM
minsan ganun talaga ang tao. pwede m naman gawing both eh. you can serve god and work at the same time :) you just have to balance your time.
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: Archcavalier on Jan 26, 2012, 04:38 PM
If you take my options you can do both.
You can serve god and you can work for St Peter by helping him do the interviews of you gets in and stays out.
You can also serve refreshments to those in line.

I don't know about the pay, perhaps try to negotiate.
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: krsitine020 on Feb 25, 2012, 10:40 AM
maka2hanp krin ng work na para sau ... :thankyou:
Title: Re: Hopeless Na Ata Ako Dahil Lang Sa Paghahanap Ng Trabaho Na Para Sa Akin...
Post by: hoodlums on Feb 25, 2012, 02:28 PM
Yah kristine is right .. tiyaga lang! :smoke: