PMT Forum

PMT Forum's MOST POPULAR Discussion Boards => Business, Franchising and Entrepreneurship => Topic started by: reytave19 on Jan 20, 2020, 05:52 PM

Title: your opinion on buying commercial unit in subdivisions
Post by: reytave19 on Jan 20, 2020, 05:52 PM
plan ko kasi instead na bumili ng residential ay commercial unit na lang ang bibilhin ko sa isang subdivision. yung pwede maglagay ng shop sa baba then may house sa taas. okay ba sya? anyone can share their experience?
Title: Re: your opinion on buying commercial unit in subdivisions
Post by: bortok76 on Jan 25, 2020, 01:45 PM
Yun bang balak mong kuhanin na ‘commercial lot’ nasa bungad ba ng subdivision o nasa looban? Normally kasi sa mga subdivisions, ang mga stores/shops ay nasa bukana lamang though ang iba pwede sa loob.
Noong kasalukuyan pa lang akong naghahanap ng bahay sa mga subdivision, yan din sana ang balak ko, magkaroon ng store sa ilalim at bahay sa itaas. Kaso sa mga napupuntahan kong mga subdivisions, hindi nila allowed na magkaroon ng commercial unit sa looban ng subdivision, lets say balak mong magkaroon ng tindahan or grocery.