PMT Forum

PMT Forum's MOST POPULAR Discussion Boards => MLM, Networking and Direct Selling => Topic started by: aceplayerjon on Sep 26, 2012, 04:35 PM

Title: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: aceplayerjon on Sep 26, 2012, 04:35 PM
In your personal and humble opinion, sa tingin nyo bakit madami ang ayaw magnetworking?
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on Sep 26, 2012, 04:45 PM
1) Katamaran.
2) Me work na.
3) Me business na pinapatakbo.
4) Me mas mahalagang bagay na pinagtutuunan ng pansin.
5) Me bokasyon na alanganin kung magne-networking (ex: Pari).
6) Masyadong bata para mag work.
7) Masyadong matanda para mag work.
8) Bulag, pipi, o bingi.
9) Hindi alam kung ano ang networking.
10) Etc, etc, etc...

Masyado po malawak ang tanong. 

Ito sagot ko kung ang tanong ay "Bakit madaming ayaw magnetworking ng mga taong ininvite mo":
1) Katamaran.
2) Parang pyramiding ang tunog ng networking sa kanila.
3) Wala silang balak mag labas ng pera.
4) Me work na sila at ayaw mag sayang ng oras sa additional na work.
5) Me karanasan na sila o kakilala na nagne-networking at malamang hindi maganda naging karanasan nila o ng kakilala nila.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: myprecious on Sep 26, 2012, 04:45 PM
one word. SCAM
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: george88 on Sep 26, 2012, 05:53 PM
wala naman kasing ngyayari...kasi in reality 97% of the people who join MLM will fail..ganun kasi sya nakadesign... :hihi: maliban na lang kung babaguhin mo ang sistema... may paraan pero mahirap kailangan lahat ng mapapasali mo at magiging leader eh susunod sa sistema na gusto mo mangyari... :D
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: bajoyjoy on Sep 26, 2012, 06:00 PM
coz it's easier said than done.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: pmtmember on Sep 26, 2012, 06:57 PM
i think dahil sobra sobra rin ang mga promises na binibitawan ng mga nag rerecruit. Siguro if they will just focus more on selling the product than recruiting, baka mag iba tingin ng mga tao. IMO

at siguro wag na gawing pamaypay ang pera  :hihi:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: magse on Sep 26, 2012, 07:34 PM
Isa sa dahilan ay hindi nila naiintindihan kung ano ang networking
sunod, masyadong negative ang tingin ng tao sa networking dahil marami ang nag fail dito
at usually ito ang nagkakalat ng negative sa networking
tingin ng tao scam tuloy ang networking (bukod na marami rin talagang scam na nag didisguise na legit MLM)
isa pa ulit, ung mga methods na ginamit ng mga nasa Traditional Networking like, pangingidnap (yayain ka kunwari sa isang gathering or kasiyahan tapos pag dating mo sa venue BOM pala), flyering, pangungulit etc
ay ayaw ng mga tao. naisip nila na kung ganito pala ang sistema ng pagpapatakbo ng business at gagawin din nila pag sumali sila eh automatic turn off na agad.
eto pa maaring dahilan, hindi naman talaga cla willing gumawa ng paraan para makamit ang goals nila
takot sila magrisk
ayaw nila matalo
employee mindset
marami pang iba, dahil iba iba ang tao - iba iba rin sila kung mag isip
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: zenith12 on Sep 27, 2012, 04:17 PM
Agree ako kay bajoyjoy na hindi madali ang sumali sa MLM - kala kase ng iba na sumasali  madali. Madalas din kase kulang suporta ng mga sponsors at upline, they treat people like leads. Di nman lahat ng MLM scam, my precious, need lang to do your research before you join up with a company. Sa panahon ngayon walang scam na di na e-expose agad, thanks sa social media. Just remember to do your research, and if you choose to join any company, do the necessary hard work. My two-cents po. :)   
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: cocojam84 on Sep 27, 2012, 06:04 PM
one word. SCAM

Hit the nail right on the head. Madami napaso with promises of easy work with fast cash.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: zenith12 on Oct 01, 2012, 11:54 AM
Hit the nail right on the head. Madami napaso with promises of easy work with fast cash.

Scam kung hiningan ka ng pera without giving you anything in return kundi promises na you'll get it back with interest if you invite other people to do the same. Speaking from my experience as a network marketer, walang madali about this business. May malaking pera to be made in the industry but only for those who are willing to consistently work hard, learn new skills and train others. Hindi lahat ng MLM opportunity scam, nagkataon lang na marami ang napapaniwala ng mga 'get rich quick' schemes na minamarket as MLM.
Get to know the company and the products they offer. Tignan din history ng company at ang mga tao behind it.  And if they promise you easy money without doing any work, forget it.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: mxherr5 on Oct 02, 2012, 02:19 AM
^

That's what makes it to "scammy"
All of the people who tried to recruit me, tell me its easy as pie.
I just have to pay xxxxxx pesos and the money will come rolling in.

When I ask them how that's possible when the rules make it clear
that I have to hustle. They just say, don't worry. lol

Kaya scam tuloy ang dating. They don't tell you, that you'd have to
work hard to be successful.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: aaroncyrus on Oct 02, 2012, 04:26 PM
one word. SCAM
  Mali ka jan, kung tingin mo lahat scam, hindi ka na magkakaroon ng chance to become rich fast.  Alam mo ba na madali na lang yumaman ngayon dahil sa networking? better wag padalus dalos sa pagpili ng networking na sasalihan.  Like me, and the others.  we're doin great, we're making things happen sa online networking namin.  We emphasize value over income.  Because to us VALUE=WEALTH.  find me on facebook aaron8cyrus08@yahoo.com

Post Merge: 1349166660
Tha
^

That's what makes it to "scammy"
All of the people who tried to recruit me, tell me its easy as pie.
I just have to pay xxxxxx pesos and the money will come rolling in.

When I ask them how that's possible when the rules make it clear
that I have to hustle. They just say, don't worry. lol

Kaya scam tuloy ang dating. They don't tell you, that you'd have to
work hard to be successful.
That's true kasi hindi pwedeng wala kang gagawin to make money.  you have to make something happen by doing something.  But it's true na madali lang yumaman lalo na sa panahon nating information age.  Thru the use of many leverages specially internet, it's so easy to get wealthy na. While doing less and less work.  And having fun because while we earn we learn!  that's the best part of it!  add me on facebook aaron8cyrus08@yahoo.com so makita mo yung mga hidden treasure sa timeline ko. Treasures where you will learn how to make and build a great profitable business online with the top online marketers of the industry of today.

Post Merge: 1349166720
Scam kung hiningan ka ng pera without giving you anything in return kundi promises na you'll get it back with interest if you invite other people to do the same. Speaking from my experience as a network marketer, walang madali about this business. May malaking pera to be made in the industry but only for those who are willing to consistently work hard, learn new skills and train others. Hindi lahat ng MLM opportunity scam, nagkataon lang na marami ang napapaniwala ng mga 'get rich quick' schemes na minamarket as MLM.
Get to know the company and the products they offer. Tignan din history ng company at ang mga tao behind it.  And if they promise you easy money without doing any work, forget it.

  I deffinitely agree with you bro!

Post Merge: 1349166817
Isa sa dahilan ay hindi nila naiintindihan kung ano ang networking
sunod, masyadong negative ang tingin ng tao sa networking dahil marami ang nag fail dito
at usually ito ang nagkakalat ng negative sa networking
tingin ng tao scam tuloy ang networking (bukod na marami rin talagang scam na nag didisguise na legit MLM)  True!  Agree with you totally!
isa pa ulit, ung mga methods na ginamit ng mga nasa Traditional Networking like, pangingidnap (yayain ka kunwari sa isang gathering or kasiyahan tapos pag dating mo sa venue BOM pala), flyering, pangungulit etc
ay ayaw ng mga tao. naisip nila na kung ganito pala ang sistema ng pagpapatakbo ng business at gagawin din nila pag sumali sila eh automatic turn off na agad.
eto pa maaring dahilan, hindi naman talaga cla willing gumawa ng paraan para makamit ang goals nila
takot sila magrisk
ayaw nila matalo
employee mindset
marami pang iba, dahil iba iba ang tao - iba iba rin sila kung mag isip

Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jawo on Oct 02, 2012, 04:39 PM
Nyahahaha networking....

Pera mo lang habol nila....

Kung gusto mo bumawi, maghanap ka ng ibang member..

Cycle goes on and on..

Yumaman sila sa pambobola sa prospect (at eventually magiging member pag nabola) nila..

Yung prospect na nabola hahanap ng mabobola pang iba..

Cycle goes on and on..

Madami nabola madami kita..

Hehehehe
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: mglorioso on Oct 02, 2012, 05:01 PM
Ayaw ko niyan kasi para akong bine-brainwash sa mga seminars! At ambush pa ang pagrerecruit. Dadalhin ka sa starbucks at mcdo tapos seminar na pala!

Words like Power, Papalipad, Tsumetseke, Nag-iinit, Nanggagalaiti.

Most of the time din, instead of giving others an inspiration to aspire for better things, they are giving false hopes of becoming a millionaire.

Muntik na akong sumali sa First Quadrant dati pero na turn-off ako... lol
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Puroy on Oct 02, 2012, 09:04 PM
para sa AKIN, ayaw ko din neto, nagoyo ako dati sa water despenser sayang 3k ko. 2005 studyante pa lang ako nun, nauso yung earn 20k php a week, may nalalaman a silang minerals sa despenser! :hihi: halos lahat nun cp number sa inquirer tinext ko pero isang venue lang naman nirereply nila. meron pa mga vitamins at health products. tuwa naman ako tas punta ako sa makati, ortigas, cubao. dami pa nilecture na mejo nakakarelate naman ako ksi healthcare field.

scam para saken yung mga ganito, gaya ng sa health products. bibili ka ng starter kit nila tas kelangan magpapayat/magpataba ka para macompare nila yung latest pic mo.. parang placebo effect lang, niloloko mo lang sarili mo.

parang ganto > kumuha ng tubig sa gripo tapos yun lang inumin mo for one week, samahan ng exercise at diet at pag pumayat ka pede mo na ipag benta yung tubig galing sa gripo. syempre bibili yung customers, pag wala pagbabago sila titigil(pag swerte gagamit pa ulit) na sa pag gamit pero di naman na nila makukuha yung pinambili nila ng tubig na galing sa gripo. kinukuha pa nga ako speaker, di kaya ng konsensya ko kaya di ko tinanggap at di na ako nagtxt sa mga ganyang offer. :gun2:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: J3Patino on Oct 02, 2012, 09:38 PM
Just to clarify lang: MLM in itself is not a scam. May mga tao lang na yung galaw nila eh gusto kang i-scam (over promising, quick cash, saying you have nothing to lose... etc.)

So ang issue dito ay hindi MLM, pero yung mga MLMers na talagang nanloloko ng tao and hindi nagbibigay ng full disclosure. Though I think kasalanan din naman ito ng mga nagpapaloko. We just need to be smarter investors.

Then on the comment na the system is built so that 97% will fail... This goes for any system naman eh. Ang mga hindi magsisipag at mag t-trabaho ay maluluge.

Subukan mong maging successful na singer... If hindi ka mag attend ng voice lessons, mag praktis araw araw, at alagan yung boses mo you will also fail like most people do.

Ganun din sa MLM - if hindi ka mag attend ng training, if hindi ka mag invite, if hindi ka mag benta (dahil "ayaw" mo mag benta - eh talagang you will FAIL.

I'm saying this because I joined 2 networking companies (Legacy and USANA) and I didn't continue it (in other words I "failed" in it.) Pero I don't blame MLM. I don't blame my team, I don't blame anyone. Ako lang ang dahilan kung bakit ko hindi tinuloy at ginawa ang MLM...

Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: angelako on Mar 28, 2013, 02:14 AM

Very Well said ,agree ako nito ,ang mlm ay isa lang yang sasakyan,pero ikaw mismo ang magmamaneho patungo saan mo gusto,,hindi ka makakarating sa iyong patutunguhan kung hindi mo paandarin.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: martirytnow on Apr 27, 2013, 10:48 PM
My answer would be because most people that are involved in networking focus more on the recruiting aspect rather than the actual selling of a product. It seems shady if the people recruiting can't even explain what their product is. My advise to you is to first understand your product, sell it, and then recruit your repeating customers.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on Apr 28, 2013, 12:44 AM
"recruit your repeating customers".

I read a study that this is a stupid business practice.
MLM promotes this but this practice is stupid.

Here's a logical example:
1) Your best customer gives you 5k php profit every month.
2) If you make him/her your downline, then that profit shrinks to just commission of maybe 100-250php.

Is that good business?
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Mumay25 on May 02, 2013, 09:56 PM
Just to clarify lang: MLM in itself is not a scam. May mga tao lang na yung galaw nila eh gusto kang i-scam (over promising, quick cash, saying you have nothing to lose... etc.)

So ang issue dito ay hindi MLM, pero yung mga MLMers na talagang nanloloko ng tao and hindi nagbibigay ng full disclosure. Though I think kasalanan din naman ito ng mga nagpapaloko. We just need to be smarter investors.

Then on the comment na the system is built so that 97% will fail... This goes for any system naman eh. Ang mga hindi magsisipag at mag t-trabaho ay maluluge.

Subukan mong maging successful na singer... If hindi ka mag attend ng voice lessons, mag praktis araw araw, at alagan yung boses mo you will also fail like most people do.

Ganun din sa MLM - if hindi ka mag attend ng training, if hindi ka mag invite, if hindi ka mag benta (dahil "ayaw" mo mag benta - eh talagang you will FAIL.

I'm saying this because I joined 2 networking companies (Legacy and USANA) and I didn't continue it (in other words I "failed" in it.) Pero I don't blame MLM. I don't blame my team, I don't blame anyone. Ako lang ang dahilan kung bakit ko hindi tinuloy at ginawa ang MLM...

Naka relate ako...I dont blame them though about padin ang encourage nila skin sumama sa mga seminars sabi ko nlng "Madami ako gnagwa pag weekends eh." But on the back of my mind it's just not worth it...sayang time effort and pera kung bibili nlng ako ng fruits and veg. plus monthly work out sessions plus time and effort pumunta sa gym BOOM instant hunk or sexy ka! hnd mo kelangan ng sliming eklat or stuffs na mag ppromise na papayat ka! there is no such thing! kung business nman pag uusapan mas malakas pa kumita mag mamani sa kalsada! dhil pag kain un eh! consumable kelangan ng katawan! kung lalaklakin mo ba vitamins araw araw mabubusog kba???

But yet again...This is one of my greatest failures...and i surely learn something from it!
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: erek on May 03, 2013, 07:54 AM
1. I don't like selling items I don't know how to market.
2. I don't like the idea of recruiting someone to join me.

Also, I have been to one the seminars regarding MLM 4 years ago due to my wife's friend.

My missus', back then  she's still my girlfriend, friend told her that she will be making some bracelet for them to sell and she would like to talk to her at megamall. I came along with her to go to the meetup. Little did we know that we were brought upon an UNO seminar.

One thing that strike me off there is the sheer enthusiasm of the crowd, which I reckon were college students... it felt like I was brought to a cult seminar of somesort. By every promise the host gives, the more fervor the cheer. The crowd also went crazy when this college boy came into the stage  and said " 6 months palang ako sa uno,me kotse na ko! Salamat uno!".

After the seminar, I thought we're gonna talk about the bracelet product my wife's friend told us earlier but nope, we were brought to a mcdonald chain near strata with some of the guys she met at Uno then they were starting to pitch in their products and trying to persuade us to join.  I still remember one guy that  kept on saying "hanggang kelan ka ba mag chachaga dian sa trabaho mong 15k lang sweldo? ako nag aaral ako ng engineering pero alam ko dito ako kikita ng pera at magpapayaman saken." .Then this one guy came in and put his arm round my shoulder and counted some money and said " kumita akong 10k 2 days palang bat ayaw mo sumali sir?". Even if we declined the offer, this kept going and going for several hours as they  trying to weaken our mental endurance. I saw some of the members inside the foodchain also trying to recruit people who were just eating there. In the end, walang nangyari lol.

The next day, My wife was received a text message from her friend if she's interested on joining. When she replied that we think the whole idea was a scam, she texted us a copypasta reply that uno was misunderstood and those negative feedbacks were just haters hating on uno for being successful.

The whole experience ruined the idea of the MLM for me. I know MLM isn't technically illegal but members being so rabidly focused on recruiting other people made it look like a scam instead of selling the product they receive.

Bonus pala hehe,  Last year wife brought up the MLM topic on her friend and asked what happened to that obsession of her. She said it's all wasted effort, all of her circle of friends there never earned a dime and the guy who showed us money was never actually his.

Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jomelert on May 03, 2013, 11:03 AM
Sipag at tiyaga dyan tayo aasenso.. :D
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: sphinxz on May 03, 2013, 12:31 PM
I read a study that this is a stupid business practice.
MLM promotes this but this practice is stupid.

Here's a logical example:
1) Your best customer gives you 5k php profit every month.
2) If you make him/her your downline, then that profit shrinks to just commission of maybe 100-250php.

Is that good business?
not per se but it depends. yes if:
1. you're business is growing and you barely have enough time to cater to other incoming new customers.
2. assuming that person is also retailing, meaning your profit from him is not just his personal consumption but his own network.

at first glance, you will have lesser direct income but the potential can be higher. just like in a corporate world, you need to learn how to delegate. but before doing that, you should know to whom you will delegate.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: george88 on May 03, 2013, 02:16 PM
If the income or most of the people presenting the business earns from pairing, matching bonus, dual team and not on the product sold by the entire organization stay away...
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: lemreyes on May 03, 2013, 04:30 PM
I don't want to ruin personal relationships and reputation just in case the MLM I joined (if I join) was a scam.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on May 03, 2013, 04:59 PM
not per se but it depends. yes if:
1. you're business is growing and you barely have enough time to cater to other incoming new customers.
2. assuming that person is also retailing, meaning your profit from him is not just his personal consumption but his own network.

at first glance, you will have lesser direct income but the potential can be higher. just like in a corporate world, you need to learn how to delegate. but before doing that, you should know to whom you will delegate.

I do not understand.
1.) Business is growing, okay so my business is growing and I earn 5k from my best customer.  How hard is it to read my customers text or email for his/her order.  I can "delegate" that task to a relative or a friend.  Why would I want to give more attention to incoming new customers when I already have this great customer?  I would give attention to new ones but never give up on this "best customer".  "It is 10 times easier to retain a customer than to get a new one" as they say.
2.) If the person is also retailing, it doesn't change the fact that I am earning 5k by selling products to him/her.  Why recruit my best customer and lessen my profit to just 100php to 250php.

Yes the potential can be higher, but have you ever tried computing how many down-lines your "best customer" has to have before you earn 5k from it? 
Sadly I can no longer find the website about the article I read regarding recruiting your best customer.  It explained a lot.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on May 03, 2013, 05:09 PM
My missus', back then  she's still my girlfriend, friend told her that she will be making some bracelet for them to sell and she would like to talk to her at megamall. I came along with her to go to the meetup. Little did we know that we were brought upon an UNO seminar.

Same experience!
One of the reasons I hate MLM is that they "sometimes" make you a liar.
A friend also ask me for help regarding the stock market.
Guess what?  It is NOT about the stock market!
It is about joining MLM.
If my count is correct, my friend lied to me a total of three (3) times.
First lie is about wanting my help about "stock market".
Second lie is about the people involved, I made it clear I can assist the "two" of them, then I find out it may involve several people.
Third lie is about the meeting place, we decided I can answer my friend's questions on any fastfood place, but my friend wanted to take me to an "office".

Do you want to join a company that will compel you to lie to your friends?
What are you so ashamed of that you have to lie?  Is MLM that bad?
Tsk tsk tsk.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on May 03, 2013, 05:17 PM
This is a nice read regarding MLMs:

http://www.vandruff.com/mlm.html (http://www.vandruff.com/mlm.html)
"MLMs are "doomed by design" to recruit too many salespeople, who in turn will then attempt to recruit even more salespeople, ad infinitum."

WARNING: Article contains stuff againts MLM. Still good for any pro MLMers out there to read so they will be prepared for any questions thrown at them.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: truthhunter101 on Jun 08, 2013, 09:06 AM
Ang nagpapasira sa MLM ay yung mga distributor din

Sa case ng UNO yung karamihang mga distributor dun talagang pepwersahin ka mag member kahit wala kang pang sign up. Ang gagawin lang una kung ano yung available mong gadget kukunin muna nila pag naka pag sign up ka na sa kanila ibabalik or minsan hindi na maibabalik sayo. Yung mga ganun gawain ang magpapasira sa MLM if patuloy pa rin gagawin. Yung inviting style naman ng dalawang grupo sa NU - Skin. Yung isa job interview kuno tapos yung isa wealth course naman tapos in the end front loading pala  ayun din pampasira din sa MLM yung ganun gawiin. So sa pag iinvite iwasan yung mga susumunod:

*Yung kidnap style - Ayan ang pampasira ng both MLM at dignidad mo. Siyempre nag eexpect siya na kakain kayo sa labas ayun pala business opportunity meeting pala. Tapos maririnig niya sa seminar magbabayad ng ganun ganyan see turned off din sayo friend mo. Kay you end up in NFL - No Friends League. See nasira na ang MLM at nasira ka din kung baga mas malala yung pagkasira ng dignidad mo kesa sa prostitute buti pa yun in some sort nauunawaan bakit niya nagawa yun eh ikaw? See my point?

*Yung magiinvite ka na job interview kuno - Ayan pampasira din ng pangalan ng MLM yan. Syempre nag eexpect ang tao na work talaga pupuntahan nila tapos ang madadatnan nila business seminar pala tapos sasabihin sa seminar ang membership ganito ganyan so total turned off sayo ng friend or yung tinawagan mo. So iwasan niyo gawin to.

*Yung Wealth Course kuno - Okay lang mag conduct ng wealth course as long walang hidden string attach or for educative purpose lang. But kung ang wealth course mo eh bandang huli mag lalabas ka ng Php 100,000 or higit at pupwersahin mo din sila mangutang aba nakakatakot yun pano kung hindi nila mabayaran utang nila? Eh kung Php 100,000 magtatayo na lang ako ng fitness gym or karinderya or ibang normal na negosyo kesa ipang purchse ko ng product na hindi ko naman kailangan in first place at front loading ang dating nun. Pwede naman may wealth course tapos kung gusto nila mag member sa MLM company magbayad lang kung ano yung mandate amount nung MLM company kinabibilangan mo. Halimbawa kung membership ng company is Php 500 after ng wealth course at gusto nila mag member Php 500 ang ibigay mo. Pwede gamitin ang wealth course for way of convincing people to join your network marketing team as long walang front loading involve.

* Yung iwan gadget for reservation daw ? - Jan lang naman feature sa both INVESTIGATOR at XXX ang UNO dahil sa isang distributor na ganito ang gawiin. Pepwersahin ka iwanan yung gadget mo para reservation daw tapos kung hindi kana interesado mag join pag babawiin mo na gadget mo hindi na ibibigay sayo dahil ang dahilan kuno na process na daw yung membership mo. Walang hiya isa din to sa pampasira ng pangalan hindi lang ng MLM company na kinabibilangan mo kundi pati pangalan mo sirang sira din dito. Sa case ng UNO it's the distributors fault not the compnay itself.

So ito ang mga sumusunod na huwag niyong gagawin. Makakakuha pa rin kayo ng newly sign up distributor basta nasa ayos niyo gagawin ang pag nenetwork marketing.

Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: lowije_dapogs on Jul 20, 2013, 10:22 AM
inimember po q n tita ko sa isang MLM, yung LIFESTYLES. wla pa aqng naintindhan kht ano kc gus2 nya lng dumami dwnline nya na sya dn ang nag abono ng membrshp, reitred US navy ung asawa nya kya wlang prblema sa kapital.

may nsa lifestyles po b d2? sna may mkpgshare ng experiences, mkkbasa po aq kng ok cla o nde..
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: truthhunter101 on Jul 20, 2013, 02:30 PM
inimember po q n tita ko sa isang MLM, yung LIFESTYLES. wla pa aqng naintindhan kht ano kc gus2 nya lng dumami dwnline nya na sya dn ang nag abono ng membrshp, reitred US navy ung asawa nya kya wlang prblema sa kapital.

may nsa lifestyles po b d2? sna may mkpgshare ng experiences, mkkbasa po aq kng ok cla o nde..

Well pagaralan mo para kahit wala yung tita mo makakakilos kang magisa. Attend ka ng business opportunity meeting para may knowledge ka about sa marketing plan at products. Tapos sa pag iinvite naman magtanong ka sa mga friends or kakilala mo kung meron sila kilala na gusto ng additional income. Huwag mong iinvite ng direkta yung friends or kakilala mo dahil kung interesado sila dun sa sinasabi mo sila mismong mag-ooffer ng sarili nila sayo.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: kobabear on Jul 20, 2013, 05:31 PM
Granted that you got rich because you entered first or you are atop the pyramid. How do you feel about the people at the bottom? You might say that they will have their time. I don't agree. Before they get their chance, the MLM is gone. Again, these pioneer people will start another MLM? I've seen it around the world. IT IS NOT SUSTAINABLE. Mas maraming kawawa kesa masaya.

Anytime that "business" is supported by recruitment (and initial payment) and not product saleability, it cannot be sustained.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: p3kgo on Jul 23, 2013, 05:27 PM

Hindi lang naman sa MLM applicable yung product saleability eh, kahit sa simple traditional business, applicable din to. Sa MLM kapag ang product mo, mahal na nga, ineffective pa, of course the company will die. Walang tatangkilik sa binebenta mo eh. Now, kunware sa isang resto, kung ang food mo, mahal na nga hindi pa masarap, sa tingin mo may babalik pa sayo para kumain? Sa tingin mo, may magrerekomenda na kumain sa restaurant mo? Of course, magsasara din ang resto.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: singkit_1588 on Jul 23, 2013, 05:35 PM
Granted that you got rich because you entered first or you are atop the pyramid. How do you feel about the people at the bottom? You might say that they will have their time. I don't agree. Before they get their chance, the MLM is gone. Again, these pioneer people will start another MLM? I've seen it around the world. IT IS NOT SUSTAINABLE. Mas maraming kawawa kesa masaya.

Anytime that "business" is supported by recruitment (and initial payment) and not product saleability, it cannot be sustained.
IS IT DESIGNED LIKE THAT???
NA ONLY LESS THAN 10% WILL SUCCEED..???
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on Jul 24, 2013, 01:42 AM
IS IT DESIGNED LIKE THAT???
NA ONLY LESS THAN 10% WILL SUCCEED..???

Hmm, nice article below:

http://www.vandruff.com/mlm.html (http://www.vandruff.com/mlm.html)

Summary of What's Wrong With Multi-Level Marketing

    MLMs are "doomed by design" to recruit too many salespeople, who in turn will then attempt to recruit even more salespeople, ad infinitum.

    For many, the real attraction of involvement in multi-level marketing is the thinly veiled pyramid con-scheme made quasi-legal by the presence of a product or service.

    The ethical concessions necessary to be "successful" in many MLM companies are stark and difficult to deal with for most people.

    Friends and family should be treated as such, and not as "marks" for exploitation.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: lupetnen on Jul 24, 2013, 09:19 AM
ive had my share of experiences with legit mlm companies before, first with lifestyle intra and now with NU SKIN. I can see the potential of these businesses its just that you really have to devote your time din like any other businesses. Agree with the previous posts that ang isa sa major mistakes ng mga distributors is that they are too caught up with recruiting without really being concerned with their new recruits/downlines after initial investments has been made already. I dont blame the companies as long as it is legit. Ang nag lilimit lang talaga sa possibilities in these businesses is tayo.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: r4k3t_m4n on Jul 24, 2013, 12:18 PM
Hmm, nice article below:
http://www.vandruff.com/mlm.html (http://www.vandruff.com/mlm.html)

Summary of What's Wrong With Multi-Level Marketing
    MLMs are "doomed by design" to recruit too many salespeople, who in turn will then attempt to recruit even more salespeople, ad infinitum.
    For many, the real attraction of involvement in multi-level marketing is the thinly veiled pyramid con-scheme made quasi-legal by the presence of a product or service.
    The ethical concessions necessary to be "successful" in many MLM companies are stark and difficult to deal with for most people.
    Friends and family should be treated as such, and not as "marks" for exploitation.

To say that MLM as a whole is "doomed by design" is a sweeping statement that is quite unfair to successful companies that thrive because of MLM.

Straight from college, I first worked at Tupperware, one of the most famous MLM-centric companies, as a technical writer (I write brochures and product write-ups, those that are placed in product boxes, etc.). Tupperware is among the pioneers of direct sales marketing (via their famous Tupperware parties, see: http://en.wikipedia.org/wiki/Tupperware (http://en.wikipedia.org/wiki/Tupperware)). In essence, because such parties are both designed to sell products and recruit salespeople, Tupperware can also be classified under the MLM genre. In fact, many Tupperware distributors (those with small stores with distribution centers that we in the streets) started as a dealer, and because of high sales volume, he/she becomes a manager, and then eventually a distributor.

Tupperware is very much an MLM-based firm because it implements the "rider" system, where those at the top of the marketing pyramid earn some percentage from the sales of those below the hierarchy. There is, of course, a distinct difference between a direct selling firm and an MLM company, but a business can use both, depending on its business plan, whether they tend to focus more on immediate sales (use direct sales) or increase in salesforce (use network marketing). Kindly read Direct Sales vs. Network Marketing (http://www.entrepreneur.com/article/62058 (http://www.entrepreneur.com/article/62058)) for further details.

Network or MLM marketing per se is legal as long as there's an actual, reasonably-priced and functional product sold. However, due to the increase in number of fraudulent transactions using variants of the MLM strategy, the Securities and Exchange Commission (SEC) issued guidelines defining and governing it. The problem comes when the focus is more on recruiting people but there's no actual, reasonably-priced and functional product sold, which is the case of the Pyramiding/Ponzi scheme. This is the illegal "cousin" of network marketing as it manipulates the weakness of people to earn quick bucks. It is a criminal act to sell something priced either way below its market value or is not related to the act of selling at all (think of a thousand-peso priced beauty lotion, and the like). Sadly, many of our kababayans (some of whom we personally know) have been victimized by many of these bastards, promising instant and large ROIs. Typically, there will be one or two earnings, but after that, the company just disappears into thin air, leaving its investors both cash-strapped and shocked. :(

In our country, one sure way to verify an MLM company's legality if it is a member of the Direct Selling Association of the Philippines (http://www.dsap.ph/ (http://www.dsap.ph/)). Those that fail to meet the strict criteria of DSAP are not accepted as bona fide members (some pose as DSAP member just to gain a false reputation, so beware). If you're approached by an MLM firm with a very irresistible promise of high investment yields, check the DSAP website first.

So to recap, both Direct Marketing and Network Marketing or MLM are legal and good, they have sound business plans and are designed to thrive for the long term. On the other hand, pyramiding (or Ponzi Scheme) is the criminal cousin and we should stay away from it.

 :watchuthink:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: singkit_1588 on Jul 24, 2013, 12:31 PM
So to recap, both Direct Marketing and Network Marketing or MLM are legal and good, they have sound business plans and are designed to thrive for the long term. On the other hand, pyramiding (or Ponzi Scheme) is the criminal cousin and we should stay away from it.

 :watchuthink:

MLM is legal and good..
however if it is more focus on recruitment and pyramid..it becomes dangerous..???
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: lowije_dapogs on Jul 29, 2013, 03:37 PM
tama si sir r4k3t_m4n, may ok n brands dn ng mlm na matatag. tupperware, avon, amway, herballife (sponsor p ito ng isang commercial european football club) to name some... di lng cguro kasing successful nila ung mga nagllabasan n bagong mlm dhil nga recruitment ang focus at nde ung produkto nla
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: regor on Jul 29, 2013, 05:03 PM
Correct pag recruitment kasi ang focus it will colapse soon.. wlang pundasyon
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: saelpinoy on Jul 29, 2013, 05:53 PM
Hi there,

Para sa akin one of the reason kung bakit ayaw ng tao mag join sa NETWORKING dahil sa mga nalaman nila sa mga past NETWORKER na hindi nag SUCCEED sa ganitong industiya or yung parte ng 87% of networker na nagfailed sa MLM.Pwedeng Kakilala nila or Kamag anak nila yung hindi nag succeed sa MLM dahil sa hindi pag eeducate sa sarili nila kung ano ba talaga ang networking.Pwede ring na hype lang sila sa mga cheke at resulta ng mga nag invite sa kanila.Maari din naman na gumagamit sila ng obsolete ways ng pagnenetwork na ginamit 60 years ago kasi nagiiba din yung strategy. Parang pag mag iinvest ka sa Stock Market kung dati kailangan mo pang kumontak ng tao na expert sa stock trading para makapag umpisa ngayon via Online Trading Website pwedeng pwede ka na mag umpisa pero kailangan mo rin matutunan yung mga tamang skills at strategy.

Sa lahat ng Negosyo kailangan muna nating pag aralan yung sistema.

Seek for guidance sa mga taong naging successful na sa negosyong papasukin mo lalo na when it comes to investing money.

Thanks. :cool2:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jenxent on Aug 01, 2013, 10:20 AM
sa ibang bansa respected po pag.networker,dito sa atin dahil nahalu.an ng scam/scheme dahil sa sobrang talino ng mga noypi,kaya dami takot sa pumasok sa MLM...
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: ailagerrylie on Aug 03, 2013, 07:49 AM
natatakot ung iba kaya ayaw sa networking... basahin po muna ng mabuti bago sumali kung totoo or not... ngtry po ako sa technowise360.net and masasabi ko na totoo cya...
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: pulubing_palaboy on Aug 03, 2013, 09:02 AM
sa ibang bansa respected po pag.networker,dito sa atin dahil nahalu.an ng scam/scheme dahil sa sobrang talino ng mga noypi,kaya dami takot sa pumasok sa MLM...
respected? in what sense?
i mean everyone should be respected as a human being
but given respect because they do MLM? did your recruiter(s) feed you that line?
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: iammarlo on Aug 04, 2013, 09:20 AM
Butt-in lang ako.

Maraming respected MLMers abroad. Here's a short list:

Mark Yarnell
Ray Higdon
Randy Gage
Erir Worre
Jonathan Budd
Mike Dillard
Mark Hoverson
Diane Hochman

respected? in what sense?
i mean everyone should be respected as a human being
but given respect because they do MLM? did your recruiter(s) feed you that line?
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: pulubing_palaboy on Aug 04, 2013, 09:49 AM
^^ nag butt in ka pa, hindi mo naman sinagot yung tanong ko
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: iammarlo on Aug 04, 2013, 03:49 PM

I guess by implication na yung sagot sa tanong mo.

Anyways... kitang kita naman sa sagot mo na hindi mo pinapaniwalaan ang sinasabi mo...

"i mean everyone should be respected as a human being"

pero nung nireplyan mo yung taong nagpost jan, may assumption ka na agad na para bang
nanghahamak ka ng kapwa.

"did your recruiter(s) feed you that line?"

Ayusin mo muna ugali mo bago ka mamuna ng iba.

^^ nag butt in ka pa, hindi mo naman sinagot yung tanong ko
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: pulubing_palaboy on Aug 05, 2013, 07:46 AM
I guess by implication na yung sagot sa tanong mo.

Anyways... kitang kita naman sa sagot mo na hindi mo pinapaniwalaan ang sinasabi mo...

"i mean everyone should be respected as a human being"

pero nung nireplyan mo yung taong nagpost jan, may assumption ka na agad na para bang
nanghahamak ka ng kapwa.

"did your recruiter(s) feed you that line?"

Ayusin mo muna ugali mo bago ka mamuna ng iba.

paki tagalog mo nga kung ano ba yung ibig mong sabihin na "by implication" yung sagot sa tanong ko?
maliwanag naman yung tanong ko, bakit hindi sagutin ng diretso?

ano sa sinabi ko ang hindi ko pina paniwalaan?
alangan naman na hindi ko pina paniwalaan yung sinabi ko na lahat naman ng tao dapat dapat respetuhin bilang tao. ang tanong ko ay anong kaibhan ng respeto sa mga nag ne networking? ang ibig mo bang sabihin ay ako ang walang respeto sa kapwa dahil nag tanong ako?

nung tinanong ko yung sinabi niya na sa ibang bansa respetado ang mga nag ne networking, panghahamak ba ng kapwa yung tanong ko kung sinabi yun sa kanya ng recruiter niya?

inu ulit ko, sumama ka nga sa usapan, hindi mo naman sinagot yung katanungan sa usapan.
kundi, ginawa mong iba yung usapan

mas mabuti yata kung yung ugali mo ang ayusin mo!
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jenxent on Aug 07, 2013, 10:35 AM
respected? in what sense?
i mean everyone should be respected as a human being
but given respect because they do MLM? did your recruiter(s) feed you that line?

yes!everyone should be respected as a human being definitely!agree ako sayo bro...pero the sad part is not all people show or give respect,even outside MLM.....
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: angeljme on Aug 07, 2013, 11:09 AM
dahil ayaw lang talaga nila... no excuses or reasons needed
ayaw lang. iyon na mismo ang sagot.  it's principle.  ayoko.

nothing the recruiter will say or do that would make me join.  i may agree or disagree to what the recruiter would say, but in the end, i will not join.  i may join for the sake of joining but will not do anything about it.  so why join in the first place?

the recruiter may think that i'm turning down the opportunity to get rich... but all of us knows that MLM is not the only opportunity. so there.
ayaw lang
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jenelyn.sorima on Aug 27, 2013, 05:58 PM
ndi lahat ng networking ay scam,mgamember ang isa sa mga dahilan kung bakit nagiging scam ang isang mlm.Samin walang sapilitan pra ka sumali,ang sasali lang is yung kaya nya gawin yung work at positibo isipan nya na kaya nya..ang totoong networking ay hindi kelangan ng example,gaya ng pampapayat,iibenta mo yan kc effective ikokompara mo yung sarili mo sa dati,that is scam.or maybe di lang tlaga nagwork out  yung networking.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: pinoyscammerawareness on Aug 27, 2013, 07:51 PM
Yung mga scammer tulad ni CONDOINVESTOR aka Paul Christian Leonardo, ang nagpapasira sa concept ng Networking. Pag may nabibiktima, ikakalat nila, at di na rin sila sasali kasi nandun na yung mindset na scam yun e.

Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: sonny.wapak on Aug 28, 2013, 05:12 AM
Ang nakakatuwa dito, may official course na sa De La Salle Universtity - Taft for Network Marketing. Now, do you think such institution will promote scams? :)
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: powerdynotab on Sep 02, 2013, 04:48 AM
2 years ako nagpakahirap offline at nasunog at nasira din halos ang pangalan.
pano ung sistema na natutunan ko na tinuro naman saken ay umiikot lang dito.

1. Hype
2. Force Recruitment
3. Brainwash

kaya wala talaga nangyari.

Nagstart ako mag Internet Marketing, Internet MLM at iba iba pang commission based na kitaan na pwedeng gawin sa bahay lang or kahit saan na may internet. good thing in 2 years nakuha ko dito ung 1st 7figure ko. Now balik muna sa field at nagpapalaki ng network. TAKE NOTE! Network, hindi downlines para sa isang MLM company  :harhar:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: joizhie on Sep 09, 2013, 10:33 PM
Kasi mas gusto nila ang comfort zone na meron cla ngaun, kpg tumaas daw sa 460 pesos ang kitaan, SCAM na daw yun hahahaha.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: VeneurlArgent on Nov 04, 2013, 06:08 PM
Did you even people respect people hoping to get something from a product that doesn't work the way it suppose to work?Pati mga isang kahig isang tuka di pinapatawad hoping to get a benefit that will never happen? Un ang mga totoong SCAMMER..hindi kaming nasa MLM..

New MLM member... :rakenrol:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: newbie_buboy on Nov 04, 2013, 09:23 PM
wag na kayo mag away. pakitaan na lang kayo ng mga check na kinita niyo. naalala ko tuloy ung gusto mag recruit sa akin sa networking niya ang dami pinakitang check sa akin, 50k pinakita niya weekly daw kita niya un. di daw siya nagmamayabang, tapos bibili na raw siya fortuner niya at ung upline daw niya nakabili na ng ferrari. hehehehe. nakaka turn off kasi ung ibang recruiter ang yayabang.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: bloomerman on Nov 09, 2013, 09:41 PM
sa networking marami bang yumaman? ano mga evidence na pinapakita, pictures? videos? naniniwala naman kayo... Yung iba jan kaya yumayaman ay dahil beneficiary sila ng mga inosenteng naloloko nila...
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: regor on Nov 09, 2013, 10:02 PM
Hehehehe.. ayaw ko din nito diko gawin to..
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: stockbreaker on Nov 12, 2013, 05:26 PM
sa networking marami bang yumaman? ano mga evidence na pinapakita, pictures? videos? naniniwala naman kayo... Yung iba jan kaya yumayaman ay dahil beneficiary sila ng mga inosenteng naloloko nila...

it's nice to be back haha, i agree with bloomer , mga nasa taas lang yumayaman diyan. strategy nila yung ganun
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: marvincruz on Nov 12, 2013, 09:44 PM
networking=pyramiding
difference is my product kunwari dun sa isa...
ang ngkakapera dyan yung magaling magrecruit ng downline...

magiisip ka ng isan item n ibebenta mo .. kunwari kape o juice... (with healing powers daw, complete with pictures) then try to sell it off with your convincing power,

if you want to earn money in networking you should start your own product at least ikaw nasa top.

this is  not for me, i also want to earn money, but not this way.......
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: mrlph on Dec 09, 2013, 11:28 PM
In my personal opinion kaya siguro madaming ayaw mag network marketing is because

1. Akala nila scam
2. Sumali dati then iniwan ng nag sponsor, nadiscourage na.  Nag negative na sa MLM
3. Ayaw magbenta

Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Mumay25 on Dec 10, 2013, 08:47 AM
Personal Opinion and based on experience.

1. Ayaw humarap sa tao para mag benta or mag present.
2. Busy sa work 10 to 14 hrs sa work.
3. Hindi kaya mag bitaw ng malaking halaga.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: janelleski on Mar 15, 2014, 02:16 PM
hindi kasi biro ang presyo na hinihingi nila. and marami ng nababalita sa news na pyramid scams.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: kulas88 on Mar 15, 2014, 02:41 PM
dahil nadala na.. karamihan kasi hindi nila nauunawaan kung ano ba talaga ang networking,, natakot na rin dahil samga scam..
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: OMG.27 on Mar 17, 2014, 01:58 PM
Madaming loko lokong tao sa networking....  mas marami ang deceiving kaysa sa mga honest marketer..
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: part_timer_lang on Mar 19, 2014, 12:21 AM
Iba kasi ang naging impression ng karamihan sa networking. Hindi nila alam na halos lahat ng tao ay nagne networking na rin tuwing ginagamit ang  Facebook bilang social networking site.

Hindi rin alam ng karamihan na tuwing nagkukuwento sila or nagpopost ng pics ng food, hotel, services, ginagawa na nila ang principle ng networking which is to share information regarding a certain product.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: INDO on Mar 19, 2014, 12:51 AM

madami ata sa ating mga pilipino mahilig mag fb, kung ganun madami na ang gusto mag networking :P

ang hindi lang nila alam paano ito gamitin at ng kumita.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: pulubing_palaboy on Mar 19, 2014, 03:22 AM
ang usapan po dito ay tungkol sa sales network
hindi po internet use per se, although pwedeng gamitin ang internet para lumaki ang sales network or para mag benta ng produkto
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: kulas88 on Mar 19, 2014, 11:01 PM
1. What is Network Marketing?
Network Marketing is a legitimate distribution scheme, where products and services are offered directly to consumers from the manufacturers thru a pool or network of distributors.
 
2. Is Network Marketing a Scam?
Network Marketing is a type of Direct Sales / Marketing, the concept and scheme itself is legitimate. What makes it controversial is the manner by which the term is being abused to conceal "Chain Distribution and Pyramiding Scheme".

3. What is Pyramiding?
Pyramiding is a non-sustainable business model that involves promising participants income primarily for enrolling other people into the scheme, rather than from any real sale of products or services to the public. Pyramid schemes are a form of fraud and are illegal in many Countries including the Philippines. (http://en.wikipedia.org/wiki/Pyramid_scheme)

4. How do I know if a Networking Company is Pyramiding?
There is a very basic and simple parameters in gauging legitimacy of a Business Model used by a Networking Company ;

- Is there a product with real market value and a compelling reason to buy?
- Is commission paid on the sale of the product and not on recruitment of people?

The DSAP and the DTI have formulated an 8 point rule on its ANTI-PYRAMIDING CAMPAIGN, to determine legitimacy of A NETWORK MARKETING operations. If the answers to those questions are yes, then you are assured the Business Model used in paying commission is Legal and Legitimate and conforms with the DSAP and DTI guidelines.

1. Is there a product?
2. Are commissions paid on sale of products and not on registration/entry fees?
3. Is the intent to sell a product not a position?
4. Is there no direct correlation between the number of recruits and compensation?
5. If recruitment were to be stopped today, will the participants still make money?
6. Is there a reasonable product return policy?
7. Do products have fair market value?
8. Is there a compelling reason to buy?
 
Don't worry, wala namang pumipigil sayo na mag Research ng sarili mo kung hindi ka pa kuntento dyan..

Pero para malaman mo na lang din, eto at ipapaintindi ko sayo kung ano nga ba talaga ang Networking?

At ang una mong dapat malaman ay.. Ang Networking ay isang uri ng NEGOSYO.

So, once na sumali ka sa isang Networking Company ay ISA KA NANG NEGOSYANTE.
 
Oo, tama ang nabasa mo.
 
Mamaya ipapa intindi ko sayo kung Bakit at Paano nangyari yun..

So ano nga ba talaga ang Konsepto ng Networking?
 
Ang Networking ay hindi nalalayo sa mga Malalaking Kumpanya at Korporasyon sa bansa.

Para mas maintindihan mo..

Sigurado akong pamilyar ka sa Uniliver, Proctor and Gamble, Purefoods, San Miguel, Etc..
 
Anong ginagawa nila para mabilis mabenta ang mga PRODUKTO nila?
 
Simple lang, pinapa-endorse nila sa mga Malalaking Media Stations at Sikat na Tao o Artista.

Tanong: Saan nila kinukuha ang Pambayad sa Milyon-Milyong Advertisments at Endorsers? (Artista)
 
Syempre sa atin! (Consumers)
 
Example: Ang isang Sache ng Shampoo ay nagkaka halaga ng P1 pero pag binili na natin ay P5 na.

Ibig sabihin, tayong mga Consumers parin ang nagbabayad ng Advertisement Costs nila..
 
Gaya nga ng sabi ko kanina, ang Networking ay katulad din isang Malaki at kilalang Korporasyon sa bansa.

Pareho silang Negosyo at may Produkto.
 
Ang malaking pagkakaiba lang ay ang Advertisements at Endorsers.
 
Dahil ang naga-advertise at nagbebenta ng mga Produkto ng isang Networking Company ay ang mga MEMBERS nito.

Imaginin mo nalang kung ikaw ang may ari ng isang Networking Company, Pwede ka din naman magpa Advertise At magbayad ng Milyon-Milyon sa mga Artista like Angel Locsin, Dingdong Dantes, Etc..
 
O kaya naman ay sa Media like: ABS-CBN, GMA 7, TV5, sa mga Radio Stations, Dyaryo, Magazines, Etc..
 
Pwedeng-pwede mo din namang gawin ang mga strategy na yun para mas mabilis kang maka benta ng Produkto mo, Tama? (Dahil pag walang Benta, lugi ang Negosyo mo.)
 
Pero pansinin mo, bakit kaya hindi ginagawa yun ng mga Networking Companies?
 
Simple lang.. Dahil imbes na ibayad nila yung Milyon-Milyong Endorsement Fees sa mga Artista at Media Stations (NA SILA NALANG LAGI ANG KUMIKITA AT YUMAYAMAN)
 
HINAHATI-HATI NALANG NILA YUNG MILYON-MILYONG ENDORSEMENT FEE NA YUN SA ATING MGA ORDINARYONG TAO..
 
Para matulungan tayo na mabigyan ng Pagkaka-kitaan.
 
Kasi sa Networking WALANG DESCRIMINATION!
 
Bata, Matanda, may ngipin o wala, PWEDE!
 
Eh sa pag E-endorse at pagmomodel ba ng Produkto, pwede ba yun kahit anong klase ang pagkatao mo?
 
Pwede ba yun kahit hindi kagandahan ang itsura mo?

May Chansa ka pa kaya dun kapag matanda ka na?
 
Alam mo na ang sagot dyan..
 
Isa lang ang gusto kong ipa-intindi sayo dito, ang Networking ay OPPORTUNITY PARA SA LAHAT NG TAO.
 
Dahil sa Networking WALANG PINIPILI!
 
Mayaman o Mahirap ka PWEDE!

Graduate ka o Hindi, PWEDE!

Matalino ka o Hindi, PWEDE!
 
Bata o Matanda ka, PWEDE!
 
Kahit na ano pa ang pagkatao at kasarian mo, PWEDENG-PWEDE KA DITO!
 
Eh sa labas, ano ba ang laging hinahnap???
 
Anyway, para sa karaniwang concern at sinasabi sa Networking ay ito..
 
1. "Kaya lang naman kayo nagre-recruit para kumita kayo eh.."
2. "Ayokong mag Networking kasi Recruit-Recruit yan, pinagkakakitaan nyo lang kami or ang mga Tao na nagpapa-member sa inyo.."
 
Sigurado ako na alam na alam mo ang mga linya na yan. (dahil malamang ay isa ka rin sa mga nagsasabi nyan..? ) hehehe :)
Pero don't worry, dahil naiintindihan ko naman kung Bakit at Paano nasasabi ng mga Tao ang mga linya na yan..
So, BAKIT NGA BA KUMIKITA SA NETWORKING ONCE NA NAG-RECRUIT KA?
Simple lang ang sagot!
DAHIL NAKA BENTA KA NG PRODUCT PACKAGE NG COMPANY..
Sa papanong paraan?
Diba once na may nag Pay-in o Sumali ang bawat isang kakilala mo sa isang Networking Company ay mayroon silang babayaran na amount at may kapalit na Product Package yung pera nila?
(PAG WALANG PRODUCT PACKAGE ANG ISANG COMPANY, ILLEGAL YUN! PYRAMIDING o PERA-PERA LANG..)
Ibig sabihin, NAKA-BENTA KA NG PRODUCT PACKAGE SA MGA KAKILALA MO at DAHIL DUN AY NAKAPAG PRODUCE KA NG SALES SA COMPANY.
"KAYA DAPAT LANG NA BIGYAN KA NG COMPANY NG COMMISSION o KITA.."
Ikaw ang sumagot, MARANGAL BA NA NEGOSYO YUN?
Para mas maintindihan mo,
Halimbawa ay Ahente ka ng mga Kotse, diba kaylangan mo munang MAKA-BENTA ng Kotse bago ka magkaron ng Commission?
Pangalawang Halimbawa: Nagtatrabaho ka sa Jollibee (Cook) hindi bat NAKA-BENTA ang Jollibee dahil nagluto ka ng masarap na masarap na Fried Chicken?
In short, sa lahat ng ginagawa natin ay NORMAL NA MAY KUMIKITA DAHIL SA ATIN..
Uulitin ko ulit yung tanong ko..
MARANGAL BANG NEGOSYO ANG NETWORKING?
Pero marami parin talagang Tao ang ayaw sumali sa Networking dahil ang Networking daw ay RECRUIT-RECRUIT.
AYAW TALAGA NG TAO NG RECRUIT-RECRUIT. (PYRAMIDING DAW..)
Tanong ko Sayo...
Ano ba ang masama sa "Recruit-Recruit"?
Ang sarap nga ng recruit-recruit lang eh.
We are building a team with same Goal.
We are building a team with same Mind-set.
We are building a team who loves Success.
So kung ayaw mo parin ng Recruit-Recruit? Okay lang..
If I know, ikaw mismo naghahanap ka pa ng Recruitment Agency para makapasok ka ng trabaho..
Alam mo ba magkano kinita nun Recruitment Agent na nag-hire sayo para ipasok ka sa trabaho na gusto mo?
Around 1k - 1.5k Pesos lang naman..
Ultimo yung HR ng kumpanya na pinapasukan mo ngayon, ano ba ginawa nila para makakuha ng mga empleyado na ipapasok sa company na pinapasukan nila?
Diba, THEY RECRUIT people like you..??
That's life..
WHETHER YOU LIKE IT OR NOT,
"RECRUITMENT IS PART OF ANY INDUSTRY."
So, sa kabilang side naman tayo..
What if Negosyante ka? Example; May-ari ka ng isang Malaking Restaurant.
Tanong: Pwede ba ikaw lang mag-isa ang magpatakbo ng Negosyo mo?
Pwede bang ikaw din yung Waiter/Waitress?
Pwede bang ikaw din yung Cashier?
Pwede bang ikaw din yung Cook?
Yung Manager? Yung Accountant?
Diba magre-recruit o Kukuha ka din ng Tao na magta-trabaho para sa Restaurant mo?
Sila ang magta-trabaho para sayo, pero kahit na anong Sipag at Tyaga ang gawin nila, hinding hindi nila mapapantayan ang kinikita mo..

IKAW ANG YAYAMAN. (Dahil Ikaw ang May-ari ng Negosyo.)
Ganun lang din sa Networking, magre-recruit ka din ng tao.
Pero para tulungan mo at bigyan ng Chansa or Opportunity yung Tao, at kapag nag-sipag yung tao na kinuha mo ay malaki ang Chansa na kumita sya ng malaki at mas yumaman kesa sayo na mas nauna..
Alam ko nagdududa ka dahil ang paniniwala mo lagi ay yung mga nasa taas lang ang laging kumikita at yumayaman sa Networking, pero depende din kasi sa Compensation Plan yan..
I sugguest na PAG ARALAN MONG MABUTI ang Compensation Plan/ Marketing Plan ng Company mo.
Besides, marami akong kilala na bago pa lang sa company pero inabutan, napantayan, at nalagpasan pa yung mga mas nauna pang member sa kanya.
(Kaya hindi totoo yung nauna at nahuli. Depende nalang sa Sipag at Determinasyon mo yun..)
Marami kasing tao, ilang Months or 1 year pa lang sa Company nya, (ang worse ay HINDI PA NGA KASALI)
pero kinikumpara na kaagad yung resulta nya dun sa mga naunang members (TOP EARNERS)
Unang tanong ko sayo: Tinatrabaho at Hinihigitan mo na ba yung Sipag at Tyaga ng mga Top Earners para Maabutan at Mahigitan mo yung kinikita at resulta nila?
Pangalawang Tanong: Alam mo ba kung anong hirap ang pinagdaanan ng mga yan bago sila makarating sa kung ano man sila ngayon?
Kung kakilala mo at nakita mo kung paano sila nagsisimula, Good for You..
Pero kung hindi naman, tanungin mo muna sila kung gaano kahirap at gaano kadaming Failures at Rejections ang dinaanan nila bago sila naging Successful..
(Tsaka mo i-compare ngayon yung experiences at resulta mo, sa experiences at resulta nila..)
CONCLUSION : "BONUS LANG TALAGA YUNG "INCOME" or "BUSINESS PART " once na sumali ka sa isang Networking Company.
Kasi kung iisipin mong mabuti, diba BUMILI ka lang naman ng PRODUCT PACKAGE / SERVICES ng Company?
Ngayon tanungin kita.. LUGI KA PA BA SA PERA MO o HINDI? SCAM parin ba yun??
Maraming Salamat sa oras na ibinigay mo sa pagbabasa ng File na 'to, sana ay marami kang natutunan at naiintindihan mo na ngayon kung Ano ba talaga ang Network Marketing, at sana din ay malaki ang mai-tulong sayo ang mga nabasa mo dito..
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jevssss on Mar 27, 2014, 02:21 PM
ako nag mlm na ako. yung skincerity ng nucerity. kaso mahirap kasi nasa ibang bansa ako. wala ako ma recruit na kababayan dito. pero in terms po sa pag bebenta nong product, wala pong problem kasi skincare eh. maraming bumili at ROI ako sa pag bebenta kasi yung kinuha ko yung pinaka mataas agad na membership at maraming bote na kasama at na benta ko lahat yun kasama yung 2 bottles ko a month.

maraming nag rerecruit sakin kaya d na ako sumasali kasi wala ako ma recruit dito sa bansang ito eh. kng sa pinas cguro ako, naku cguradong success hehehehe.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: oliveruy08 on Aug 28, 2014, 05:48 AM
Nowadays, eto ang mga rason kung bakit ayaw ng mga tao mag network marketing.

1. Madami daw scammers sa network marketing.
2. Pag sumali sila, scammer na din ang tingin sa kanila ng ibang tao.
3. Madaming negative na balita sa network marketing.
4. Mahirap magbenta ng products.
5. Wala masyado kakilala.
6, Mahiyain.
7. Hindi kayang mahandle ang rejection.
8. Takot na masira ang reputation niya at ng kanyang pamilya
9. Ayaw masangkot sa mga scams na nangyayari sa network marketing industry.

Sobrang dami na kasi ngayon ng scams na nangyayari sa industry na ito. Meron internal issues like tinakbo ng mayari ang pera o kaya nagoverpayout. Meron din naman external issues like ung mga distributors ang nangscam ng kapwa distributors o kaya nagsaturate ang company dahil hindi na namemeet ang expected product sales for each month.

Napakanegative na ng image ng network marketing industry dito sa Pilipinas dahil din sa mismong ibang network marketers na pinalalala ang sitwasyon. Instead na ang focus ay sa products, ang minamarket nila ay ang opportunity to earn big at dahil dito, naeengganyo ang taong sumali para kumita ng napakadali pero in reality, hindi naman un ang mangyayari.

We need to reshape our knowledge about network marketing if we want to prosper in this industry. We need to be educated and informed about everything before venturing in this opportunity.

If you need more informatin about Network Marketing, it's realities and illusions, visit my blog:
My blog: Self Employed Pinoy (http://selfemployedpinoy.blogspot.com/)
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: pilyong_husband on Aug 28, 2014, 09:15 AM
 :D :D

(https://z-1-scontent-b.xx.fbcdn.net/hphotos-xpf1/t1.0-9/10365811_811178188934104_2589695907726757438_n.jpg)
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: mackygoof on Aug 28, 2014, 10:05 AM
Personal Opinion and based on experience.

1. Ayaw humarap sa tao para mag benta or mag present.
2. Busy sa work 10 to 14 hrs sa work.
3. Hindi kaya mag bitaw ng malaking halaga.

same opinion
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: george88 on Aug 28, 2014, 09:29 PM
wala kasing kahit pangpakape man lang yung nagpepresent ng milyon milyong kitaan ikaw pa magaalok  :hihi: :rofl:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: TulogSaPancitan on Aug 29, 2014, 05:27 AM
Becoz successful business are mostly of traditional business model. mlm may be effective in selling simple products only like coffee and soaps (mostlt are overpriced btw) but not for complex products or services. I would not buy a car from an mlm company. products mlms try to sell is so market saturated. coffee? soaps? there are hundred brands of soaps. numbers and math don't lie. its next to impossible to sell unless some coercion is applied.  kaya mostly they sell to family and close friends. bought coffee from them just for curiosity.  I like more the 3 in one at aling nene store.  3 times less expensive pa. isa pang con pag mlm ka ay iiwasan ka ng tao kc feeling nila bebentahan mo sila. haha.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: LiveLoveInvest on Aug 29, 2014, 11:40 AM
negative feedback = madaming ayaw
positive feedback = madaming gusto

 :D
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: george88 on Aug 29, 2014, 02:34 PM
Ang gusto lang talaga ng karamihan sa MLM yung PERA... product? pssssshhhhhhhhhhhhh you can buy the same product 100- 200% cheaper than MLM dami sa chinese herbal store kahit pure ginseng meron eh kumpleto sila damo,ugat,lumot,talbos, name it they have it... =)
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Wills on Aug 29, 2014, 02:59 PM
Ang gusto lang talaga ng karamihan sa MLM yung PERA... product? pssssshhhhhhhhhhhhh you can buy the same product 100- 200% cheaper than MLM dami sa chinese herbal store kahit pure ginseng meron eh kumpleto sila damo,ugat,lumot,talbos, name it they have it... =)

That's true, people convince themselves that they need the product because they are already persuaded that they can earn millions from it and they are motivated by that.

Most MLM is a con, simple as that.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: MLMforPinoys on Aug 29, 2014, 05:21 PM
Tingin ko, wala naman masama sa industry eh. Yes may mga scam talaga, pero maraming legit din with good products.

Ang MAJOR REASON part kung bakit maraming ayaw sa networking is because karamihan din ng networkers ay unprofessional gumalaw. Yung kidnapping, spamming, pangungulit, overpromising, overhyping - at iba iba pang mga maling strategies on inviting. Ang essence ng kahit anong business is TRUST eh - tapos simula palang sisirain na, so sablay talaga.

Ang products naman nakakalimutan yan ng mga nag d-decline mag join. Pero ang HINDI nila nakakalimutan is if niloko sila, kinidnap sila, or pinangakuan sila ng hindi naman nasunod. People make relationships. And only people BREAK relationships - very little to do ang MLM talaga.

From experience (I've been with 4 different companies) - malaking bagay yung TRAINING and SYSTEM na tinuturo within each company. May mga company na bara-barabay lang mag invite and kahit unethical na, go parin.

Meron din naman mga teams na sobrang professional with high level of ethics (at papagalitan ka, kung mali ang approach mo). The SYSTEM matters - ang wish ko for this industry is that ma-educate lahat ng networkers sa right way of inviting, presenting and closing - para mas maging open yung ibang tao. :)

By the way, if may mga networker na tinamaan dito - this might interest you: www.mlmforpinoys.com (http://www.mlmforpinoys.com)
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: KuyaJosh on Dec 29, 2014, 09:47 PM
Sakin religious kasi akong tao and masipag ako.

"Whoever is slothful will not roast his game, but the diligent man will get precious wealth. " - Proverbs 12:27

"Better is a poor man who walks in his integrity Than he who is perverse in speech and is a fool." - Proverbs 19:1

"Food gained by fraud tastes sweet, but one ends up with a mouth full of gravel." -Proverbs 20:17

 "Whoever loves pleasure will become poor;
whoever loves wine and olive oil will never be rich."

"Whoever pursues righteousness and love
finds life, prosperity and honor." :hihi: :b_peace:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: latonioglobal on Dec 30, 2014, 12:27 AM
At this stage of MLM iba na tlaga ang methods dapat.. We have to evolve sabi nya nila.. Kasi kung dinosaur parin ang taktika ay mahihirapan ka tlaga at mafrufrustate lang.. Pinaka mali tlaga ang Warm List Approach. Hindi na eto ang panahon na mang mang ang tao sa networking. Dapat evolved na po tau sa mga new strategies na napaka rami.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: SirZap on Dec 31, 2014, 03:15 AM
maraming akong natutunan dito... salamat po sa mga info....

pero interested po akong malaman, sino po sa ainyo ang successful sa MLM? (kahit maraming ayaw sa MLM)
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: clarkignacio15 on Jan 13, 2015, 10:48 AM
but to all pro MLMers stop bashing what you hate and promote what you love, The mistakes that some top earners of companies are saying that having a job is dumb your effort isnt worth it. What should they be saying is the alternative, the truth that MLM is hard, and it should be, you can't get rich easily. If we as marketers just be honest and build relationship, then the essence of real network marketing can be what it is.

I am in MLM and I am in business. Im not here to argue with anyone but to say my point.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: kobe_online_biz on Jan 18, 2015, 02:33 PM
Madami na pong yumayan sa MLM or Networking.
Iba na po ang panahon ngayon. Madami ng strategy and ethical na ang systema. Sorry if you have a bad experience before.
Just choose the right company and choose an upline that will sincerely help you.
And ang success mo sa MLM/Networking business is still up to you.

Just like a traditional business kailangan mo din pag aralan at bantayan.

If you don't feel like joining a Networking business, no one is forcing you.
Kung saan ka kumportable dun ka.

The question is kumportable ba ang mga mahal mo sa buhay?

Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: chvjezzy on Jan 18, 2015, 06:31 PM
malakas kasi mag.HYPE ang mga recruiters kaya sobra kung ma.Disappoint ang members kapag hindi kumita..
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: mehak on Jan 19, 2015, 01:02 PM
hi guys.. bka my interesado dito.. check this topic  :yoohoo:
http://www.pinoymoneytalk.com/forum/index.php?topic=48249.0  (http://www.pinoymoneytalk.com/forum/index.php?topic=48249.0)
no need to sell overpriced product (hirap mghanap ng consumers-ndi affordable ung price omg xD )
no need to recruit and convinced negative people (hirap dba :(  )
you have teammates for this!!!  lahat talaga kayo makakareceive ng money kasi parang cycle to!!! 
ang saya dba..  :cool2:
pm me or add me sa fb sa mga interesado  :D
https://www.facebook.com/lawlieta (https://www.facebook.com/lawlieta)
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: fox69 on Jan 19, 2015, 06:22 PM
because a lot of "successful" networking companies DISAPPEARED after two or three years..hello first quadrant? hello global wellness? :boxing:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: iwantyoutoearn on Jan 20, 2015, 02:06 AM
Maraming may ayaw dahil na rin siguro sa bad experiences nila.
Mali kasi ng inumpisahan, malamang mali din ang ending.

Most of them hindi naset yung expectations properly sa bagong downlines. Kala nyo ba biro mag networking, mahirap kaya.
Pero bakit may yumayaman? Kasi dahil na yan sa leverage, naduplicate nya yung workflow at technique nya sa mga downlines nya, kaya ayun nag domino effect. Eh kung mali yung workflow na ituturo sayo ng upline or yung nag recruit sayo, malamang magiging negative ka na rin sa networking kasi in the end wala ka ring mapapala.

Ako sumuko na ko 6 years ago, hirap kasi mag-recruit, gastos pa, pamasahe, pa merienda, ubos oras, grabe, kaya ayun, balik empleyado ko. Pero nakakapagod din talaga kapag fix income mo, mag bubusiness ka talaga kung gusto mong umasenso, pero wala ka namang capital. Networking or MLM lang pwede kong balikan, kasi mababa ang capital, sarili mo pa oras mo. Buti nalang mabilis na communication at logistics ngayon . Madami ng techniques na pwede mong gawin online. Mas matipid pa.
Buti nalang kaka-research at observe ko sa industry habang empleyado ko, dami kong natutunan sa mga MLM sa Pinas kaya ngayon madali ng mag recruit, walang pilitan, walang kulitan. Kusang tao na lalapit at magtatanong sayo kung paano gawin yung business.  :cool2:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: SirZap on Jan 21, 2015, 07:00 AM
@iwantyoutoearn anong MLM company mo?
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Jerick2 on Jan 27, 2015, 06:29 PM
MLM or net working per se is not bad. But if the company is more focused on recruitment rather on the products, then it will eventually collapse. Allergic din ako sa mga MLM but last November may sinalihan ako kc the company is 90% focused on retailing and only 10% on recruitment. Ang kagandahan pa, the product is easy to sell and the products given in exchange for the membership is 30% more of the value. And the thing I liked best is there won't be any inventories that will be left kc sold-out kagad unlike others na kailangan mong i-push really hard to make a sale.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Jayumaster on Jan 27, 2015, 11:04 PM

Boss, why don't you drop the name of the company para naman makapagbigay yung iba kung may experiences din sila dito. Who knows, you might convince some hardcore traditionalists like me.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Jerick2 on Jan 28, 2015, 10:39 AM
Thank you Sir sa suggestion, kaya lang baka ma-ban ako ng TS baka isipin I am doing Ads, will PM na lang those that will inquire directly.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: LifeJiggy on Feb 09, 2015, 11:24 PM
MLM is not bad, it's just that members of some networking companies trick their prospects into joining and/or availing of their products which sounds to me that they're not proud of what they're doing, and therefore they lose their credibility. Muntik na nga akong nabiktima nyan, sa close friend ko pa. Luckily, matigas ulo and mainitin ulo ko kaya pinalaya nila ako without paying anything. MLM does not destroy relationships, it's the approach that destroys them, IMO.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jetz on Feb 13, 2015, 09:48 AM

will said partner!! :applause:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jannie062190 on Feb 18, 2015, 03:33 PM
ATTENTION:
✓ Sa mga naghahanap ng Negosyo
✓ Gustong Kumita ng Extra Income kahit part time.
✓ Gustong matupad ang mga Pangarap this 2015
✓ Gustong magkaroon ng Savings
✓ Mga empleyado and Professionals na gusto ring magkaroon ng second source of income.
✓ Mga OFW na gustong makapagsimula ng Business para makauwi na sa Pilipinas at magkaroon ng oras sa family
✓ Mga Single mom na gustong magkaroon ng magandang buhay ang anak.
✓ Gustong magkaroon ng Time Freedom and FInancial Freedom
This OPPORTUNITY is Open for you:
****Note: This is only for serious people who wants change in their lives. Not for people who are contented only. This is only for people who have NEEDS specially with regards to Financial stability.

Be a Royale Distributor now. How? PM mo ako sa facebook https://m.facebook.com/mariejane.salvador?ref=book
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: pulubing_palaboy on Feb 19, 2015, 04:45 AM
kung magiging royale distributor ako matupad ang pangarap ko na maging presidente ng pilipinas ngayong 2015? tuloy talaga ang coup at ako ang magiging president?
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: TulogSaPancitan on Feb 19, 2015, 02:45 PM
our networks are more valuable than just for peddling toothpaste, soaps, coffee, herbal, etc. if you want to cheapen your network and ruin connections then go ahead with networking. your network can spell the difference between a 5 figure salary to a 6 figure. no harm in hard selling to your friends, colleagues and family but that's just cheap imo.

 :wall:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on Feb 20, 2015, 12:31 AM
Remove the product in MLMs, what do you get?  ______________
Most MLMs focus on recruitment.  Why?  Because there's hardly any money on retail of the products they offer.
Since the main focus is recruitment...
Since it is hard to sell those expensive products...
MLM minus product is equals to????  ______________
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jessica01 on Feb 25, 2015, 12:19 PM
Perhaps when the potential network marketer knows what to look for in a network marketing company, he/she might not be as skeptical.  Hope this very short e-book can help others who are confused in choosing the right network marketing company. 
This is FREE ====> http://the-right-company.gr8.com

Happy networking.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: pf.proskyler on Mar 02, 2015, 09:12 PM
ang bwenas sa ganito
kahit di muh inaasahan darating nalng nang hindi muh namamalayan
hindi naman kase masama mag bakasakali sa mga bagay
at kung heto naman ay makabuluhan
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Robinroo on Mar 02, 2015, 10:16 PM
para sakin kc mahirap na ngayon dahil marami ng issues regarding sa networking gaya nung kay mike enriquez..

naimbestigador yun networking company na yun diba?
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on Mar 03, 2015, 12:17 AM
Para naman sa mga may gusto o nagbabalak sumubok.
Siguraduhin nyong itanong ito at humingi ng kopya galing sa MLM company:
1) What is the return policy?
2) Until when can you return the product?
3) How much (%) money will be returned one you return the product that you cannot sell?

Konti na lang proproblemahin mo kung alam mo yan.
Sabihin natin 3 months ka na at wala ka pang ma recruit at walang bumibili ng produkto na nilalako mo.
At nagpasok ka ng 30k sa MLM.  Maaga pa lang maganda na alam mo na kung magkano maibabalik sayo para sa mga produktong hindi mo naibenta.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: ferrariEverest on Mar 03, 2015, 01:14 AM
Sa dami ng scams at pyramid scams na nagpapanggap na MLM, pati mga MLM na ala-pyramid na kung mag-operate, mahirap magrefund. Kasi once nagbitaw ka ng P9,999 or P24,999, or P69,999 (para three heads or 6 business centers kuno), automatic pasok na sa bulsa ng upline yun at i-eencash na ng upline yun at ipopost na nya sa FB at websites yung bulto bultong pera nakurakot nya.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jetz on Mar 18, 2015, 06:43 PM
Sa dami ng scams at pyramid scams na nagpapanggap na MLM, pati mga MLM na ala-pyramid na kung mag-operate, mahirap magrefund. Kasi once nagbitaw ka ng P9,999 or P24,999, or P69,999 (para three heads or 6 business centers kuno), automatic pasok na sa bulsa ng upline yun at i-eencash na ng upline yun at ipopost na nya sa FB at websites yung bulto bultong pera nakurakot nya.

ganyan ang IN ngayon sa mga fb group pages partner!!
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: TulogSaPancitan on Mar 19, 2015, 02:36 PM
mlm mantra
i only scam people who are likely to scam me if they were smarter.
(credits- dilbert)
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: leeonweb on Mar 19, 2015, 08:49 PM
wala naman kasing ngyayari...kasi in reality 97% of the people who join MLM will fail..ganun kasi sya nakadesign... :hihi: maliban na lang kung babaguhin mo ang sistema... may paraan pero mahirap kailangan lahat ng mapapasali mo at magiging leader eh susunod sa sistema na gusto mo mangyari... :D

Hindi yung mismong marketing plan ang problema kundi yung mindset na mahirap baguhin unless mag-demand ang mga MLM company ng 100% cooperation from the members regarding their personal transformation. Hindi sapat ang mahusay na marketing plan, dapat may totoong paradigm shift sa part ng individuals.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on Mar 20, 2015, 03:24 AM
^
I think the marketing plan itself is the problem.  I agree with george88.
The marketing plan is designed to fail.  It is designed that only a handful would earn money.
Note: This is for MLM companies that prioritize recruitment over actual retails.  (Which is almost all MLMs)

Here's a long but interesting read about MLM being "doomed by design".
http://www.vandruff.com/mlm.html (http://www.vandruff.com/mlm.html)
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Jayumaster on Mar 20, 2015, 10:38 AM
Actually at first look, a binary system (2 - get - 2) would seem designed to make everyone happy.
That is, giving the assumption that the uplines would place new recruits proportionally and geometrically.

The problem with it is it never happens. Uplines would put new recruits to weak sides but not in a random manner, rather placing them strategically in order to take advantage of PAIRING BONUSES.

The kawawang bypassed members would be demoralized and quit.

This was improved in the new system just like in the emgoldex case. Where there would be graduates when finishing certain requirements. Their new system is designed not to bypass certain levels, thus everyone SHOULD SUPPOSED to be happy. But!

Because in removing the pairing bonus system and replacing it with the graduate system, it entices old graduates to re-invest their profits. Greedy for instant gratification, one would be scrupulous enough to just roll it over, not realizing that the office itself benefits much from this. And at it's saturation, everyone would be at a loss. Even the graduates.

The Graduate Pyramid system originated from the semi-monoline/monoline system called "FAST TRACK System just like the one of PNBI. Where a certain time frame (depending on the influx of new recruits) a member should graduate and get a certain bonus from his investments. This too has the same weakness utilizing the greed of people.

Imagine investing 10,000 and in 2 weeks harvesting 20K? If you experienced this, instead of intelligently re-investing 10K and pocketing the other 10, you would be tempted to reinvest all of it. And in some cases, selling or pawing possessions in order to generate a sizable investment. The cycle continues until its collapse.

In my opinion almost all if not every system is created to be a "EVERYONE HAPPY" system. But it never takes into consideration the human nature, and saturation. And every system is not fail proof.

Nobody is perfect. Nothing is perfect. So without a great product, a system will fail. Relying only new associates for income generation should always be illegal.  :watchuthink:

Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: george88 on Mar 20, 2015, 01:57 PM
Try to imagine if one place has only 100 people and you are the last one to join in MLM who is your customer and recruit? Until there is no enough knowledge and greediness there will be no saturation in MLM... HYIP and ponzi scheme still have victims even as this moment
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on Mar 21, 2015, 02:28 AM
Try to imagine if one place has only 100 people and you are the last one to join in MLM who is your customer and recruit? Until there is no enough knowledge and greediness there will be no saturation in MLM... HYIP and ponzi scheme still have victims even as this moment

As they say...
"There's a sucker born every minute"
Kahit matuto lahat ngayon, me mga bagong graduates na pwedeng mauto.
And every minute, a baby is born.
Education is the key!
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: TulogSaPancitan on Mar 22, 2015, 09:48 PM
^ speaking of suckers, i just found out through fb that one pastor in my previous neighborhood in taguig got involved in this emgoldex networking. actually his whole family got immersed and they are like leaders of several tables (i don't even know what that means). and they are like praising the lord for all the money and posting new tvs, stack of money and happy grins. they claim emgoldex is sent from heaven to help those who have less.

not sure if i feel pity or humor, but more on the humor. i will surely go to hell. hahaha. :D
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: totolek on Mar 22, 2015, 10:10 PM
Mahirap naman kasi magrecruit at minsan syempre parang nahihiya ang mga new members na ipaalam na engaged sila sa networking. Kaya kung may automated downline builder ang team masmadami ang magjojoin kasi hindi na sila magrerecruit o mag-iinvite kagaya ng www.pinoyautolink.com
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on Mar 23, 2015, 01:09 AM
^
As the saying goes...  "If you're ashamed of it.  Don't do it!".
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: izza on Mar 23, 2015, 04:47 PM
Disadvantages;
1) over-rated nah kung matagal na ang business lalo na pag nasa bottom ka nah
2) stressful as a hell i know...
3) temptation here and there
4) if the owner has a good reputation e di good.. kung pangit reputation ng owner then kiss that income goodbye
5) greedy comes in
6) tsmis here and there
7) very risky lalo na pag distributor ka.

pero may advantages naman kahit ganun ang MLM

-you can get rich if and only if isa ka sa mga una ever
-close kayo ng may-ari and maganda ang reputation niya
-kunti lang ang kapareha ninyo na products offer or  perhaps wala -

Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: ultimate on Mar 31, 2015, 09:37 PM
Ayaw ko networking kasi hindi ako marunong magbenta.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: GomerMagtibay on Jul 07, 2015, 05:26 PM
Kung maraming tao ang ayaw mag networking, marami din namang gusto. Kung ikaw ay nasa networking, hanapin mo yun may gusto, at wag mo pipilitin yun ayaw, para walang problema.

Isang magandang way ng pagne networking e yun hindi mo pinipilit magkaroon ng magandang resulta kundi kusang dumarating ang magandang resulta. At resulta ng pagiging maganda ng produkto o negosyo.

Example:

Find a good product that really solve people's problem like a herbal product na talagang very effective. Kung ikaw ay may health problem or simply gusto mo maging malusog, gamitin mo mismo ang product. Kapag nagkaroon ka ng magandang resulta, ikwento mo sa iba, particularly dun sa mga taong sa tingin mo ay may kelangan sa produktong hawak mo.

Then, those who get good results with the product, will in turn recommend the products to others, and so on. In that way, naturally dumadami ang members ng team. Hindi yun tipong dumarami ang members dahil nang-uuto o nambobola lang.

The more satisfied consumers you have in your team, the more testimonials your team will generate, and more people will be trying your product also. Nakatulong ka na sa maraming tao, pati ikaw matutulungan umasenso.

Natural team growth. Walang sasama ang loob. Team growth na nagbubuhat sa customers' satisfaction.

Ayos ba mga tsong?
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: TulogSaPancitan on Jul 07, 2015, 06:48 PM
^
not enough to find a good product. there are tons of good and branded products that are in the same niche as mlms products. the real question is, does it give u the best value for your money. i have yet to find a good mlm product that is not expensive. what makes them expensive? the mlm itself. this is why majority of mlms dropped the product and focus on networking/pyramiding.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: GomerMagtibay on Jul 07, 2015, 10:59 PM
^
not enough to find a good product. there are tons of good and branded products that are in the same niche as mlms products. the real question is, does it give u the best value for your money. i have yet to find a good mlm product that is not expensive. what makes them expensive? the mlm itself. this is why majority of mlms dropped the product and focus on networking/pyramiding.

Price and affordability issue? Sometimes, they depend on what target market the product is being introduced to. Le't say for example, if you push Lifestyle's Intra to a Class C, D & E market, they will surely say Intra is a bit overpriced.

But how come, there are people amidst of having it labeled expensive by the CDE market, are still buying the product for their good health?

I am a witness to it. I myself consider I cannot afford to drink Intra regularly on a monthly basis even though I really like the product. But, my sisters who are well off than me, they continue to buy the bottles even if one liter of it cost them Php 1,800.00? And they are buying 3 to 4 bottles in a month!

So, see? It depends. What is over-priced to you, can be just a penny to someone else. What is more important is, does the promised efficacy being delivered and make the customers happy?

If you can make hundreds of Class A & B market happy and satisfied, then never mind of the often-complaining thousands of CDE market.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: TulogSaPancitan on Jul 08, 2015, 01:47 PM
^
what you say interesting but may not be true in most cases. value and price are different animal. value of product has nothing to do with how much purchasing power (price). it is the consumer, with enough info chose to buy something for what he believes it is worth. that is rich will not always buy expensive products becoz they can afford to do so. if they learn over time that there are equivalent product for lower price, they will buy the low price with an acceptable quality. expensive designer products are expensive but not overpriced since the brand itself has value. you can not claim the same for mlms products created just a month ago.

in mlm, there is few nice products, but they are overpriced. over time people learn what they’re buying is overpriced so they switched to alternatives. btw, most of medical and wellness claims by mlms are outright fraudulent or has not been proven by usda or fda. few might be but these are again exception rather than norm.

yes you can target the market of higher income individuals but mlm has a tremendous mountain of quality and value to overcome. say my wife prefer chanel perfume. it will take tons of effort to match the quality and value of that product before it can preferred by rich individuals. also no mlms have that staying power in the market (most dissolve in few years), hence, it is next to impossible to create a quality, high value product to compete with commonly manufactured products, other than false claims of course.

ciao!
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: evanene on Jul 16, 2015, 12:03 AM
wala kasing kahit pangpakape man lang yung nagpepresent ng milyon milyong kitaan ikaw pa magaalok  :hihi: :rofl:

Sa lahat na nabasa kong sagot...eto ang napakasimple pero madiin! tama ka jan pre.heheh  :hihi: :applause:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: vinnoy on Jul 24, 2015, 11:18 AM
Maganda naman talaga ang networking business "The Business of 21st Century". Kahit nga si Bill Gates, ang pinakamayamang tao sa boung mundo ay nagsabi na kung siya daw ay magsisimula uli from scratch, pipiliin nya ang Networking Business.

May mga company naman ngayon na hindi purely networking lang ang business. Pinaghahalo nila ang networking and passive ways of income para iyong mahina magbenta, mahiyain mag-recruit, at iba pang mga kadahilanan ay kikita pa rin. Optional na lang kumbaga ang recruiting para kumita. Yun ang dapat na hanapin na company na sigurado makakatulong sa marami nating kababayan. Hindi naman kasi lahat ng tao ay magaling magbenta at magaling mag-recruit pero karamihan naman ay gusto rin kumita syempre.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: dgron_6 on Aug 05, 2015, 01:52 AM

that's a lie of course. http://www.businesscol.biz/network-marketing-quotes-bill-gates/

bill gates never said that.

Networking requires you to recruit in order to get income. Period.

pag naubos na ang marerecruit mo, the network collapses. like a pyramid. Para hindi madali mag collapse ang isang network, lilisan sa lugar kung saan nagsimula at maghanap ng new members sa ibang lugar. pag nag saturate na dun, bagong lugar na naman. pag na saturate na ang bansa, ibang bansa na naman. eventually, mauubusan ng tao marerecruit.

totoo naman, magkakapera ka talaga if ikaw ang nauna. kailangan mo lang palakasin ang sikmura mo at wag makinig sa konsensya. hanap ka lang ng mga tao para ilagay mo sa ilalim ng network mo para maka-ahon ka.

pero ang tanong, sigurado ka ba na ikaw ang isa sa mga nasa taas? o baka ikaw ay ni-recruit para sa ilalim?

mahirap ba intindihin yun?

Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on Aug 05, 2015, 01:59 AM
^
Nice explanation.
MLM also makes you a liar.
Based on my personal experience, my friends would lie to my face just to get me into their MLM office.
Why?
Why?
Why?
Why would they lie?
Simple!  They know MLMs have a bad reputation!  That's why they have to lie in order to trick you into going to their office.
If you truly believe that your business system is ethical, then you don't need to lie!
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: sonny.wapak on Aug 13, 2015, 10:13 AM
^
Nice explanation.
MLM also makes you a liar.
Based on my personal experience, my friends would lie to my face just to get me into their MLM office.
Why?
Why?
Why?
Why would they lie?
Simple!  They know MLMs have a bad reputation!  That's why they have to lie in order to trick you into going to their office.
If you truly believe that your business system is ethical, then you don't need to lie!

Nakaka relate ako sayo Market_Market.. Ilang beses din akong na-"kidnap". Trabaho daw tapos ganun pala pag dating dun. Sayang sa oras, pera at pagod. Kaya nasira ng husto ang "networking" dito satin dahil sa mga unprofessional networkers na yan. >.<
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: george88 on Aug 13, 2015, 07:56 PM
isa lang ang sekreto pra yumaman sa MLM. MasipagLangMaginvite
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: magforex on Aug 14, 2015, 04:52 PM
marami ng ayaw mag networking kasi dala na sila.
masyado ng masama ang salitang "networking" lalo na sa mga narecruit at hindi nabalik ang kanilang naipuhunan.
para na itong nakakahawang sakit na pilit iniiwasan kapag nadidinig ng karamihan.  :cool2:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Reimaru on Sep 09, 2015, 04:55 PM
This is a sales job so it's expected. Aside from scam scares, it's also VERY difficult , especially for introverts.

It's a numbers game as well. If 3% of people love calling friends and inviting them for business opportunities, then 97% don't.
Don't be surprised if 97% of everyone you call reject you.

That means 97 of 100 people will reject you and only 3 will join, and those are not very good odds.
Also, if you can make more money in another job or business anyway, why bother with this one?
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: TulogSaPancitan on Sep 09, 2015, 06:51 PM
This is a sales job so it's expected. Aside from scam scares, it's also VERY difficult , especially for introverts.

It's a numbers game as well. If 3% of people love calling friends and inviting them for business opportunities, then 97% don't.
Don't be surprised if 97% of everyone you call reject you.

That means 97 of 100 people will reject you and only 3 will join, and those are not very good odds.
Also, if you can make more money in another job or business anyway, why bother with this one?

of those 3, u have to kidnap all of them just to attend the bs opportunity meeting.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on Sep 10, 2015, 01:30 AM
of those 3, u have to kidnap all of them just to attend the bs opportunity meeting.

Isa yan sa dahilan kaya ako nabwisit.  Gaya ng iba na naloko na me trabaho kuno or kung ano pa mang dahilan.

Gusto mo akong sumali sa kaduda-duda mong scheme?
Pano naman ako matutuwa kung simula pa lang niloloko mo na ako?
Hayz!  Personal experience ko...  laking bwisit ko talaga...  makikipag meet daw kasi me itatanong about stocks.
Ako naman willing to help para at least madagdagan ang 2% ng Filipinos to invest in the stock market.
Sabi ko kahit sa office na lang or any fast food restaurant mae-explain ko.
Tapos malalaman ko dadalin mo ako sa opisina nyo para sumali sa lintek nyong scheme!!

Magka-aminan na tayo!  Ikinahihiya nyo ang ganyang scheme!  Ayaw nyong malaman ng tao (ng potential recruit)! 
Kung ethical yan hindi nyo itatago!  Kung ethical yan hindi nyo kailangan manloko!
Sinasamantala nyo ang GREED ng mga tao!
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: mr_krabs on Sep 10, 2015, 11:07 AM
Naalala ko na nagbigay ako ng pera para sa scholarship ng charity ng mga bata na hindi makapag aral. Kaibigan ko pa naman yun nag solicit. Nun pumunta ako sa event.. putek! Sa networking lang pala yun donation ko. Hindi ko na kinausap yun kaibigan ko mula nun.  :fight1:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: CodyDeegan on Sep 10, 2015, 11:28 AM
In your personal and humble opinion, sa tingin nyo bakit madami ang ayaw magnetworking?

Because it really isn't a stable source of income. I hate it when people who are engage to networking act like it is the solution to your money problems and degrade people who have normal jobs. If it is, then why is that there are a lot poor Filipinos still even though it existed a long time ago. Plus, the bad reputation that Networking businesses have acquired thanks to the media. 
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: mr_krabs on Sep 10, 2015, 02:04 PM
One reason why many refuse to join networking is because they have to pay first for the membership or product before earning. Plus the profit is not guanteed. You will have to work hard and spend your precious to profit. Whereas a job guarantees to pay you on a daily/weekly/bi-monthly period.

Kelangan mo nga ng pera kaya gusto mo ng pagkikitaan tapos papagastusin ka pa  :applause:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jenofstructures on Sep 10, 2015, 05:13 PM
I hate networking kasi wala akong network  :hihi:

kung sa mga social sites nga limited lang yung friends ko at hidni ako accept ng accept kahit kakilala ko pa, magnenetworking pa ako.

May isang famous na MLM na nagooffer ng intimates and apparel kapag nakita mo sa mall yung ganong klase mas mura at quality product pa, plus masusukat mo pa sa katawan mo kung tama sayo.

Hindi ko matanggap na yung kape na offered mas mahal pa ng doble sa kopiko brown  samantalang parehas lang ng laman at di hamak na mas masarap pa ang kopiko brown (at mas mabango pa)

Yung isang sikat na MLM naman nagooffer ng mahal na klase ng home version of facial gadget na ginagamit pa daw ni brad pitt. Pero yung presyo naman mas mahal pa kay Belo. Plus yung pampapayat nilang 100% sure daw anak ng tipakelz di naman totoo, hanggang ngayon binabayaran ko pa yung 100k na product na yun
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: time2sleep on Sep 19, 2015, 06:04 AM
naalala ko dati sa Cebu, yun isang kaibigang ko na chix(nag-modeling dati) sabi raw gusto makipag inuman mga friends niya tapos invite ko rin daw mga friends ko. 3 kami pumunta dun na nag meet-up sa E-mall. tuwang tuwa kami kasi chance na namin makapag-relax kasi kakatapos lang ng exam at ang sesexy pa ng mga nag invite sa amin.

t*ngina dinala kami sa opisina ng Uno at inambush ng orientation. hours later, walang nangyaring inuman hahaha  :rofl:. buwisit na lakad yun  :rofl: haha

bottom line: kasi alam na lahat ng tao na halos impossible maging successful sa MLM,

logical reason ay siguro part time income lang o take advantage sa mga discount kung gusto nila ang mga product
Pero full time sa MLM? Goodluck :D
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: Market_Market on Sep 20, 2015, 01:30 AM
I feel sorry for you time2sleep.
Nakaka bad trip talaga pag ganyan!

Advice ko lang sa mga networkers...
- Kung seryoso kayo dyan sa balak nyo, please naman walang lokohan.  Tandaan nyo dignidad, karangalan at pangalan nyo nakataya!
- Ganyan ka kapangit ang pag-uugali nyo at okay lang sa inyo na yumaman at magkapera dahil sa panloloko?
- Hindi ba mas maganda na yumaman at nagkapera kayo sa maayos na paraan at walang nilolokong tao?

Tell the truth!  Hide negative facts if you wish, just don't fool and lie to people!
Hindi nyo naman kailangan banggitin na less than 5% nagkakapera dyan, kahit wag nyo sabihin yan basta wag na lang kayo manloko.

Good luck!
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jenofstructures on Sep 21, 2015, 12:10 PM
Isa sa mga nakakainis na linya ng mga nakilala kong nasa MLM => hindi daw sa kita ang dahilan kung bakit sila nagbebenta non, kasi gusto daw talaga nila ay makatulong (health benefits and so on) pero, maghihirap ba sila sa pagbenta kung wala silang mahihitang pera?

Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: mr_krabs on Sep 21, 2015, 03:36 PM
Parang lumalabas yun nire-recruit pa yun may utang na loob kasi nakatulong sila kunyare  :applause:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: BatangHamog on Sep 30, 2015, 02:25 PM
i just figured it out kung papaano makakain ng libre sa starbucks/mcdo ang magtropa.  :watchuthink: :hihi:
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: jasonkalibre on Oct 04, 2015, 02:47 PM
Networking is good business for the uplines only. Ibig sabihin, yung mga nasa mataas lang talaga ang malakas kumita pero yung nasa baba ay kawawa. Plus, anjan pa yung pangako ng mga uplines na sila na daw ang bahala sa mga recruit mo, pero ikaw din pala ang bahala. Tapos mong magbayad ng membership fee ay para silang mga bula na biglang mawawala kasi alam nilang matagal ka pang maka-invite ng new members.
Title: Re: Bakit madaming ayaw magnetworking?
Post by: kbcarlos on Oct 12, 2015, 06:05 PM
madaming ayaw magnetworking kasi madaming negative ang mindset. Sa totoo lang. Ang network marketing ay katulad ng ibang bagay na neutral. Example na lang mga officials ng gobyerno. Merong mga kurakot, pero meron din naman na honest. Ganung din sa network marketing. Oo madaming scam talaga na company. Pero meron talaga na legit. Kaso dahil negatib nga ang mga tao mas tinitingnan nila na scam na agad lahat ng network marketing not knowing na nagstart sa ganitong type of business ang mga big companies ngayon like colgate.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: lorenoops on Dec 05, 2015, 03:46 PM
Bakit maraming ayaw magnetworking? may dalawang klase ng prospect, yung nauunawaan yung ganda ng network marketing at yung hindi pa nga nagsisimula negative na agad.

Sa mga nakakaunawa:
May iba na silang business. Although nakikita din nila kung ano yung nakikita nung mga uplines na nagiinvite sa kanila, they simply prefer to work their own business.
They see the efforts involved. Yung sobrang busy schedule sa day job eh wala nang oras para magnetwork kahit pa part time. kapag iniwan nila yung trabaho nila eh wala na silang budget for daily expenses.
Wala naman masyado usapan dito karamihan ng mga nakakaintindi sa network marketing na hindi sumasali is dahil may valid reason sila at may choice sila

Sa mga hindi nakakaunawa:
Kasi nakita nila na madaming umaayaw Tumatanggi sila kasi simply, madami silang nakikita na hindi naman bumalik yung pera na ininvest nila sa network marketing
Sarado utak Ito yung mga tipo ng taong madaming question na kahit anong sagot na tama ng nagppresent sa kanila, lagi silang may nakareserbang negative na tanong at sagot.
Hindi makalabas sa comfort zone alam nila na kapag sumali sila sa kahit anong networking business eh magiiba tingin sa kaniya ng mga kaibigan niya.
Hindi makalabas sa comfort zone 2 Nasanay na lang siya doon sa ginagawa niyang gigising sa umaga, makikipag gitgitan sa tren, matatrapik pagcocommute, uuwi ng late sa bahay. etc.
Balasubas na marketer madaming nagrerecruit na masyadong agresibo. kahit hindi na logical yung sinasabi nya, power padin! orayt!! kaya tuloy nagbaback-off yung nirerecruit nila.. :))
Balasubas na marketer 2 nagsisinungaling para lang madala sa BOM nila yung prospect nila. yun nga yung kidnap :)) tapos sasabihin pa nung speaker "magpasalamat kayo sa mga nagpapunta sainyo dito. etc." lol
Di pa nila nababasa ito Networking Business Strategy In The Philippines  (http://powerpinoys.com/networking-business-in-the-philippines-network-marketing-tips/)
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: kuray08 on Jan 13, 2016, 06:34 AM
may narinig ako dun sa isang networking na napuntahan ko.. wala daw naman luging networking.. ang nangyayari daw pag malaki na iyon pera ng networking company.. itinatakbo na ng mga namamahala.. ayon nga mga ilang buwan pa lang after noon maka attend ako..yon napuntahan ko na ito naglahong parang bula.. kaya yon iba ayaw sa networking kasi nga sa mga naranasan nila na hindi kumita at yon iba naman ay sa mga negative na naririnig nila..
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: TulogSaPancitan on Jan 24, 2016, 08:06 PM
if starting and running a business is easy, then everyone will do it. the fact that it is not and networkers feed on this misconception that doing business is as easy as drinking coffee. add to this mess is the kiyosaki fever which tell that anyone who fully depends on day job is stupid.
 
i have a theory that those who are in mlm are those who are really bad at math. coz whichever way i look into, it doesn’t add up. unless you will consider manpower/personal effort is free. or being obnoxious kidnapper is a virtue.

ciao.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: BatangHamog on Jan 25, 2016, 12:17 PM
^ kiyosaki fever...hahahaha  :laugh: nice one!

and they never fail to give these closing statements once you have figured out their style of luring people who they thought are financially illiterate.. "Gusto namin makatulong..pero kung ayaw mo di ka naman namin pipilitin" (a little bit rude.  :applause:)...then they will show all those staged photos with luxury cars "earned" by their sub-members who looked not really happy at all. hahahaha
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: balinkbayan on Jan 25, 2016, 01:36 PM
Baka kasi nagnetworking na sila dati, pero they found out na scam lang lahat-lahat.
So they learned a lesson and didn't try it again. :)
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: rzf on Jan 28, 2016, 10:22 PM
Madami kasi ang small time kung mag isip at kuntento na sila sa 8 to 5 working hours at kinsenas katapusan na sahod. HIHIHI  :D
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: pulubing_palaboy on Jan 29, 2016, 12:43 PM
^^ parang sko yun
kontento sa 8-5 job at kinsenas at katapusan na sahod ☺️
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: bauer on Jan 29, 2016, 02:10 PM
^LOL
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: jmces on Jan 29, 2016, 03:16 PM
^^ parang sko yun
kontento sa 8-5 job at kinsenas at katapusan na sahod ☺️

kung kasinlaki ng sahod ni pulubi ang sahod ko malamang kuntento na din ako :D
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: plukjasminlerio on Feb 03, 2016, 05:10 PM
Security. Trust.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: KuyaJosh on Feb 16, 2016, 06:31 PM
Ayoko sa MLM kasi si Manong Fishball vendor na malinis ang trabaho mas malaki pa ang kita kaysa sa mga ilang naka semi-formal na akala mo kung sinong negosyante eh mangagancho lang pala :rofl: :peace:
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: jmces on Feb 17, 2016, 09:05 AM
Ayoko sa MLM kasi si Manong Fishball vendor na malinis ang trabaho mas malaki pa ang kita kaysa sa mga ilang naka semi-formal na akala mo kung sinong negosyante eh mangagancho lang pala :rofl: :peace:

at least si manong galing sa sales ang kita, hindi sa salestalk or talksh*t :D
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: CodyDeegan on Mar 14, 2016, 01:24 PM
Sa dami baga naman ng nabiktima at naloko ng mga scam na may Networking backbone eh, hindi na ako nagtataka kung bakit madame ng ayaw. Ang pinagtataka ko eh kung bakit may mga taong gusto pa ding maging involve dito.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: immanuel001 on Mar 20, 2016, 02:16 PM
 :oops:

Tanong: Bakit maraming ayaw sa networking? For me dahil maraming mga naglilitawang mga scam mlm company dito sa pinas. Kaya You can see at this site para malaman yung mga legal www.jasonandallo.club
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: CodyDeegan on Mar 21, 2016, 10:24 AM
Aren't you pissed at those who work for MLM who throws insults at regular employees noting that what a regular employee earns on the 15th or 30th, they can get in just one week? It just piss me off so much because it seems like they are saying that they are better than everybody.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: wilch23 on Mar 26, 2016, 01:12 PM
Mahina kasi Internet sa RP??
HWWwwaaaaa
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: TulogSaPancitan on Mar 26, 2016, 03:38 PM
coz once u enter an mlm, u have to worship that mlm.
1. give ur time to it. attend trainings and recruitment events.
2. u have to proselytise for it. have u heard about this savior product that can cure all ur illnesses, whiten ur skin and can solve all ur monetary problems? just have an open mind. this is ur only salvation out of ur crappy job u got there.
3. u can't blaspheme the mlm or its priests (uplines, leaders etc)
4. u have to have faith about the system or else ur initial capital would not be "saved"
5. u will be ridiculed as this cultic mlmers
 :D
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: HomeBasedJobs on Mar 26, 2016, 09:57 PM
Bakit maraming ayaw sa MLM?

1) Rerecruitin ka.
2) Papagbabayarin ka
3) Papag rerecruitin ka ng walang katitigil tigil
4) Habang nererecruit ka, sasabihin na sisiw lang
5) pero may disclaimer din na nasa sayo yan kung tatrabahuhin mo at dun ka kikita.
6) iiwasan ka na ng mga tao dahil puro ka recruit at singil ng joining fee
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: CodyDeegan on Mar 29, 2016, 02:17 PM
Exactly!  :applause:
Yun kase yun eh. Andaming downside ng pagsali pero yung nakakaengganyo kase sa mga tao is the easy money in a short span of time.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: kuray08 on Apr 17, 2016, 11:45 AM
subukan mo yayain ang kaibigan mo, sabihin mo tara mag networking tayo.. nahahati ang mukha sa pagtanggi hahaha.. credit sa video ni mr jun kintanar,, isa sa mga yumaman sa networking,, 3 daw kasi ang klase ng tao pagdating sa networking.. 1, un informed 2. mis informed 3. informed, yon mga taong ayaw mag networking sila yon mga mis informed akala nila lahat ng networking ay scam.. :rakenrol:
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: kuray08 on Apr 17, 2016, 11:48 AM
coz once u enter an mlm, u have to worship that mlm.
1. give ur time to it. attend trainings and recruitment events.
2. u have to proselytise for it. have u heard about this savior product that can cure all ur illnesses, whiten ur skin and can solve all ur monetary problems? just have an open mind. this is ur only salvation out of ur crappy job u got there.
3. u can't blaspheme the mlm or its priests (uplines, leaders etc)
4. u have to have faith about the system or else ur initial capital would not be "saved"
5. u will be ridiculed as this cultic mlmers
 :D
yon oh.. sang ayon ako dito..
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: CodyDeegan on Apr 18, 2016, 01:03 PM
subukan mo yayain ang kaibigan mo, sabihin mo tara mag networking tayo.. nahahati ang mukha sa pagtanggi hahaha.. credit sa video ni mr jun kintanar,, isa sa mga yumaman sa networking,, 3 daw kasi ang klase ng tao pagdating sa networking.. 1, un informed 2. mis informed 3. informed, yon mga taong ayaw mag networking sila yon mga mis informed akala nila lahat ng networking ay scam.. :rakenrol:

Very well said. Kahit ako ayain mo tatanggi ako eh. Haha!
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: dine18 on Apr 18, 2016, 03:18 PM
Mahirap din kse magnetworking una maeenganyo ka sumali dhil isasalestalk ka nla mapapaniwala ka na madali lng ung gnagawa nla malaki ang kikitain mo s pagnenetworking pro mahirap sya gwin.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: CodyDeegan on Apr 19, 2016, 02:37 PM
Pero realtalk andami ng nasirang pagkakaibigan dahil ng neworking. hahah.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: lusart on Apr 26, 2016, 08:39 AM
need pa kasi maka recruit at dapat pa active yung ma recruit. Mas maganda kahit wala recruit kikita pa rin.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: CodyDeegan on Apr 26, 2016, 01:20 PM
Because you need to be on the top of the food chain to earn more.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: anthonyyenko on Apr 27, 2016, 02:13 PM
Kung alam mo ang TOP 3 Sponsoring Skills na ginagamit ng mga TOP Earners sa MLM, Network Marketing at Direct Selling sa palagay mo marami pa bang aayaw magnetworking.?

Tandaan mo ang lahat natutuhan. Ang mga food attendants sa Jollibee, sa McDo, sa KFC wala rin naman silang tamang skills noon bago sila tanggapin sa pagiging attendants.

Nung natanggap na sila dumaan muna sila proper training ng mga skills na dapat nilang matutuhan para magamit nila pag officially food attendants na sila. Tinuruan sila paano mag prepare at magluto ng humburger, fried chicken, french fries atbp,.

Sa palagay mo magagawa mo ba ng tama ang trabaho kung walang training ng mga skills na kakailanganin mo para magampanan mo ng tama ang trabaho mo.

Ang punto ko rito, sa MLM, Network Marketing, Direct Selling, etc., ay ganun din! Kailangan mong matutuhan ang TOP 3 Sponsoring Skills para hinde ka umayaw magnetworking!

Anong say mo?  CodyDeegan :)
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: anthonyyenko on Apr 27, 2016, 02:20 PM
The TOP 3 Sponsoring Skills? Ano ba yun? :) Anyone?
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: anthonyyenko on Apr 27, 2016, 02:25 PM
Karamihan ng mga MLM at Network Marketing Companies sa Pilipinas hinde tinuturo ang mga tamang skills para hinde manawa ang mga networkers!

Ang sigaw sa loob ng mga BOMs ay, "MATIRA MATIBAY! POWERRR!"

Tama ba yun?

Okay lang magkaubusan ng networkers sa isang MLM Company?

Tama ba yun?
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: anthonyyenko on Apr 27, 2016, 02:27 PM
Kung ayaw mong mag recruit, puwede naman, CodyDeegan...:)

Provided alam mo yung principles ng "Attraction Marketing."
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: anthonyyenko on Apr 27, 2016, 02:29 PM
Basahin mo yung Guide na ginawa ko, CodyDeegan at tapos usap tayo...:)

Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: jenofstructures on Apr 27, 2016, 04:57 PM
maituturo ba dyan kung papano mo maipapaliwanag kung bakit mas mahal nang milya milya ang layo ng kape na binebenta sa MLM kesa sa kopiko?
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: wilch23 on Apr 27, 2016, 08:29 PM
Because you need to be on the top of the food chain to earn more.

ABSOLUTELY CORRECT!!!
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: wilch23 on Apr 27, 2016, 08:30 PM
Kung alam mo ang TOP 3 Sponsoring Skills na ginagamit ng mga TOP Earners sa MLM, Network Marketing at Direct Selling sa palagay mo marami pa bang aayaw magnetworking.?

Tandaan mo ang lahat natutuhan. Ang mga food attendants sa Jollibee, sa McDo, sa KFC wala rin naman silang tamang skills noon bago sila tanggapin sa pagiging attendants.

Nung natanggap na sila dumaan muna sila proper training ng mga skills na dapat nilang matutuhan para magamit nila pag officially food attendants na sila. Tinuruan sila paano mag prepare at magluto ng humburger, fried chicken, french fries atbp,.

Sa palagay mo magagawa mo ba ng tama ang trabaho kung walang training ng mga skills na kakailanganin mo para magampanan mo ng tama ang trabaho mo.

Ang punto ko rito, sa MLM, Network Marketing, Direct Selling, etc., ay ganun din! Kailangan mong matutuhan ang TOP 3 Sponsoring Skills para hinde ka umayaw magnetworking!

Anong say mo?  CodyDeegan :)

You still have to be on or near the top
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: anthonyyenko on Apr 28, 2016, 09:09 PM
All of these TOP earners started from the bottom. They just built their downline organization sa "sipag at tiyaga' throughout the years.

Pagpasok mo sa company mag build ka ng team mo. Mag duplicate ka ng magduplicate for leveraging purposes.

Teach your team the Top 3 Sponsoring Skills para lahat ng sumama sa team mo matibay at may "NEVER EVER GIVE UP" attitude.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: anthonyyenko on Apr 28, 2016, 09:11 PM
Lahat ng papasok sa team mo kailangan maging leaders din sila kagaya mo at kasing tiyaga at sipag mo.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: anthonyyenko on Apr 28, 2016, 09:12 PM
Lahat ng tinatrabaho ng tama nagkakaroon ng resulta ng tama...
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: anthonyyenko on Apr 28, 2016, 09:13 PM
Walang yumaman ng walang "MASSIVE ACTION."
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: anthonyyenko on Apr 28, 2016, 09:21 PM
Brand mo ang sarili mo. Huwag ang MLM company mo.

In this manner makakabuo ka ng team na who "KNOW, LIKE and TRUST" you.

Once na nawala ang MLM company sasama sila sa iyo wherever you go hanggang sa lumaki ng lumaki ang team mo dahil nag build ka ng "YOU, Inc."

Pag may bagong bukas na MLM, sigurado kikita ka kaagad kasi may dala ka ng sarili mong team.

Turuan mo ang mga tao mo na ibrand ang sarili nila hinde ang MLM company.

Be a "SOLUTION PROVIDER" to everyone. Sure yan, maraming lalapit sa yo. They will Know, Like and finally Trust you.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: jenofstructures on Apr 29, 2016, 11:48 AM
^^^^ So still, you still needs to be on top
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: CodyDeegan on Apr 29, 2016, 12:03 PM
I'm guessing Anthony is one of those people in the MLM. Comparing MLM to Franchise Fast Food Chains is irrelevant because these businesses have a need to cater to and that is to provide food with customer service unlike MLM who hard sell products and if it does work they recruit people in as alternative source of income, and there goes the purpose of the company. Do you know why franchise businesses are widely accepted and MLM is not? It is because it is well though of and clearly helping people unlike MLM. And here is why your predicament is irrelevant, what you are doing here, making me look bad just because I am not really on board on the idea of being involved in an MLM is because I have experienced it myself.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: kuray08 on May 05, 2016, 06:40 AM
akala nila ang networking ay scam.. pero may mga bilyonaryo na naniniwala sa network marketing.. gaya na lang nila Donald Trump, Bill Gates at iba..
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: CodyDeegan on May 05, 2016, 03:53 PM
Not because of suspicion but a lot of MLM here presented that way. Innocent at first then you'll know it's bad for you.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: iamjunborgonos on May 05, 2016, 05:01 PM
Networking marketing is a Legit business. People did not join in the Networking Industry because they see it as a scam. Because other network marketers promote their business in wrong way. They hype, lie by posting assets that they are not even owned etc. Another thing is that "other" network marketers promotes only the compensation plan, not the products.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: CodyDeegan on May 06, 2016, 04:41 PM
Not to mention, the way people involved in MLM belittle people who are working in the corporate world. I just hate it when they do that.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: KuyaJosh on May 08, 2016, 12:51 PM
akala nila ang networking ay scam.. pero may mga bilyonaryo na naniniwala sa network marketing.. gaya na lang nila Donald Trump, Bill Gates at iba..

Iba naman po yung sa kanila. Iba din you networking kasi dito sa atin. Kasi dito sa atin nagtatago sila using their product na questionable (eg Food supplements). Pero ang sa pagrerecruit/downlines lang talaga sila kumikita.

Gaya nga nga sabi niyo my mga legitamate naman na networking
http://www.dsap.ph/the-industry/networking-building-or-ban-the-binaries.html
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: iamjunborgonos on May 10, 2016, 09:55 AM
Yes tama ka, may mag legit na Network Marketing Companies. Ang pangit lang sa networking ay ang mga networkers na mali ang way ng pag-rerecruit ng mga bagong members.

May tamang way para makapag-pasali sa Network Marketing Business, at meron din naman na nag-tuturo ng tamang way dito sa Pinas.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: jsoriano on May 10, 2016, 11:16 AM
marami na kasi ding lumabas na negative about sa networking sa media, alam nyo naman grabe ang influence ng media :)
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: jenofstructures on May 10, 2016, 11:58 AM
hidni mo sinabi na marami rin na networking na umaasa sa mga downlines
At nagbebenta ng mamahaling bitamina at kape
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: CodyDeegan on May 13, 2016, 05:15 PM
If other people weren't scamming in the first place edi sana yung treatment sa MLM or Network Marketing is the same as other businesses.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: TulogSaPancitan on Jun 18, 2016, 09:31 PM
ayaw sakin ng networking. may max. iq limit daw kc sila. 50 pts.

kelangan ko muna daw tumira ng bato everyday for 5 years. magastos.

Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: tahimik_24 on Jul 16, 2016, 06:55 AM
1. Trauma
2. Networking = Pyramiding mentality
3. May kaibigan o kamag-anak na na Scam
4. Tamad magbenta
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: kuray08 on Jul 16, 2016, 01:47 PM
akala scam
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: wilch23 on Jul 19, 2016, 12:24 PM
SNEAKY SELL SPAM ALERT!
Dito rin!
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: phreyesj23 on Sep 11, 2016, 11:21 AM
Baka tulad nila si Eugene!!!

The Reunion (http://www.pisoandbeyond.com/2016/05/the-reunion.html)  :cool2:
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: wilch23 on Sep 12, 2016, 02:50 PM
Dito rin!??
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: wilch23 on Sep 21, 2016, 10:26 AM
Malakas ang networking sa Bilibid
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: randmcnally on Oct 13, 2016, 02:43 PM
Hindi ako pro-networking or anti-networking pero eto ang mga reason kung bakit ayaw ko sumali sa networking.

1. May mga networking na sa unang pitch pa lang, scam na. Yun ang mga networking na ang primary source of income is yung recruitment. Yes, sasabihin nila yung mga products nila pero secondary lang eto. Yung primary source nila is yung mag-recruit ka ng members para lumaki yung group mo. Ang problem dito ay yung sustainability ng business. Eventually, mauubos ang ma-rerecruit na tao dahil limited ang tao na sasali dito. Pangalawa, illegal itong paraan na ito.

2. May mga legal na MLM naman na ang primary source of income is yung products. May naattendan ako na seminar tungkol sa health supplements. Yung problem naman dito ay sobrang overpriced ng mga products nila. Also, hindi proven yung mga products nila. Pangatlo, may mga butas sa speech nila like history ng company nila, yung name ng company, etc. Although sustainable yung source niya dahil kumikita ka sa sales ng products, if mahal ang product, mahirap rin ma-move or magyaya ng ibang tao to buy-sell the product.

Totoong meron naman yumayaman sa networking. If yumaman yung leader dahil sa unang reason (recruitment), asahan mo na mas maraming nalugi. Kasi yung perang kinita ng yumaman, kinita nya sa mga nalugi sa networking. Wag papasilaw sa mga yumayaman sa networking dahil sa recruitment. Iniisip ko lagi kung saan nanggagaling ang income.

If yumaman naman dahil sa product sales / recruitment of people to buy products, then legitimate naman eto. Unless naniniwala ka sa products na binebenta mo, ok lang sumali. If one day may magyaya sa akin sa networking na nagbebenta ng product na naniniwala ako, pwede rin ako sumali. Pero sa ngayon, wala pa akong nakikita na MLM na nagbebenta ng product sa tamang presyo or MLM na nagbebenta ng product na gusto ko rin bilhin.
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: GomerMagtibay on Oct 25, 2016, 03:55 PM
Bakit ayaw ko na sa networking?

Kasi, nawawala na yung essence ng entrepreneurship at pagtulong sa mga tao na ma-develop into entrepreneurs.

Nagiging laro na lang ng mga leaders na nakakabit sa mga operators ng kumpanya.

"Leader ako. Lipat ako sa bagong kumpanya mo kung may free slot na labing lima at libreng sasakyan."

Familar ba? :)
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: iamhilton on Apr 18, 2017, 07:29 AM
Bakit mo pinag multiple account ang dowine mo?

Para kumita siya o para kumita ka?

Madalas kaseng nangyayari na kaya pinipilit ng mga upline na pakuhain ng multiple account ang mga downline nila

Para daw kumita ng mas malaki

Pero kung makikita mo napakadami ng naka multiple account ang hindi parin kumikita

Kahit kase Kumuha pa ng 3 , 7, 15 or 31 Account yang downline mo

hindi parin yan kikita ng malaki kung hindi mo sila mabibigyan ng mga tamang Marketing strategy,

Wala kayong system na ginagawa

At wala kang tamang Gameplan para sa kanila

kahit Mag 100 Account Pa yan

Hindi parin sila makakapag produce.ng result

Once na mag decide ka na mag start mag invest

dito ka na.makakakrinig ng ibat ibang payo

mula sa ibat ibang tao

pero kung titingnan mo yung mga nag aadvice sayo

Sila mismo walang investment o business na ginagawa

kaya siguraduhin mo na pipili ka ng tao g pakikinggan

tingnan mo muna kung ginagawa nila.yung sinasabi nila

The key ingridient para maging successful ka

ay magsimula kang mag focus sa pag tulong sa iba

instead na mag focus ka sa income mo or sa rank mo

instead mag focus ka sa kung paano mo mabe'blessed ang ibang tao

sa opportunity or products na inooffer mo

ito yung tanong na dapat tumatakbo sa isipan mo

ano yung kailangan nila

ano yung goal nila

ano yung strength nila

at ano yung desired nila

hindi lang ito tungkol sa pagkita ng pera

pero pag nag focus ka sa pag tulong sa iba kusa nalang itong darating sayo

"if you focus on your mission, You get the commission"

noong nakakarinig akong ng kung ano anong balita tungkol sakin😊

isang bagay lang ang narealise ko

kapag hindi kana nila kayang kontrolin

ang pag tingin na ibang tao sayo ang kokontrolin nila

minsan maiinis at magagalit kana

pero mag tiwala ka lang at hayaan mo lang na makita ng mga taong ito ang totoo

katulad ng kung ano ang nakita mo.,

saka kahit naman anong sabihin ng ibang tao sayo

alam naman ng mga tao nakakakilala sayo ang totoo

"Keep away on toxic people and find the right one"
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: randmcnally on Aug 10, 2017, 04:31 PM
Yung isang rason bakit maraming may ayaw sa networking ay kasi nakakalimutan ng mga networkers kung ano ang networking mismo. Dapat part ng direct selling ang networking at para maging direct selling dapat may binebenta. If ang ibebenta mo ay recruitment (tulad na lang ng "sa dalawang invite mo bawi na puhunan mo may tubo ka pa") pero hindi mo makikita or marinig yung product mismo, medyo alanganin yan.

Ang networking o direct selling o multi level marketing ay isang paraan para maibenta ang product ng organization hindi para kumita sa commission ng bagong member. If ang highlight ng presentation ay commission from invites at hindi commission ng products, may kaduda duda dyan.

Sa totoo lang, marami naman legitimate na networking / direct selling. Meron ngang mga established na companies na nagsstart ng direct selling (ie. Unilever). If ang focus ay selling at hindi recruitment, legit yan
Title: Re: Bakit maraming ayaw magnetworking?
Post by: bortok76 on Nov 07, 2017, 05:00 PM
naalala ko dati, may nagyaya sa akin na magbenta at bumili ng produkto. Sanitary napkin na may health benefit kuno dahil sa kakaibang 'absorbent material' na nasa loob. nag-demo pa na kinuha yung absorbent material at nilagay sa isang basong tubig at ininom. At nagpakitang gilas pa sa power effect ng balancing ba yun? anak ng tokwa. kumbinsi pa, unlike sa ibang sanitary napkin pwede gamitin ng mga babae hanggang tatlong beses, at mga lalaki daw minsan gumagamit. what????!!! but wait theres more, ang mahal pa ng sanitary napkin!
kasamang inaalok yung shower head na umiilaw na may same 'health benefits' nung sanitary napkin lalo na kung iinumin ang tubig galing sa wonder shower head nila. Dito pumasok ang tanong ko... "Bakit ko pa bibilhin yang sanitary napkin mo, kung makukuha ko ang same health benefits mula sa shower head na hamak mas mura at cost effective?" yun naman from the start ang pinagmamalaki nila, yung health benefit. Wala syang naisagot.

Yung nag-aalok sa akin dati ng sanitary napkin nag-oonline business na lang ngayon at kahit paano ay tinuturuan ko ng tricks para kumita ng mas malaki. I have my online business and earning 60K to 2++k for 3 to 4weeks (net). Every weekend lang ang procurement ng item. Kung gusto mo talaga yumaman, start a business.