PMT Forum

Other Discussion Boards (Ads not allowed!) => Entertainment, Netflix, TV & Movies => Topic started by: FutureGizmo on May 27, 2006, 11:24 PM

Title: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: FutureGizmo on May 27, 2006, 11:24 PM
... Banig
... Jocelyn Enriquez
... Kathleen Go-Quieng
... RR Herrera
... Caselyn Francisco
... Joed Serrano
... Mutya Crisostomo
... Gio Alvarez
... Guila Alvarez

at ang iba pang artisa/singer/etc. na sumikat noon pero nawawala na sa limelight ngayon?  :confused:
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: nailbiter on May 28, 2006, 06:28 AM
Si Joed Serrano e promoter na ngayon ng mga show sa Japan.

Si Kathleen Go-Quieng, nang huli kong makita sa Eat Bulaga, graduate na ng MassComm.

:-D
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: annanymous on May 28, 2006, 09:14 AM
Di ba si Joed Serrano yung nakaaway ni Rudy Fernandez dahil sa show sa Japan?

Si Gio Alvarez, ang alam ko lumalabas pa din sya sa mga digital films. :)
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: FutureGizmo on May 28, 2006, 09:14 PM
Onga, si Joed Serrano nga yung nakaaway nina Rudy Fernandez dahil dun sa Japan issue. O dagdagan niyo pa yung listahan para mabalitaan naman tayo kung nasan na yung iba pang artistang nde na natin nakikita.
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: wataru on May 28, 2006, 09:33 PM
si maybilyn dela cruz,
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: angelmaries on May 28, 2006, 09:55 PM
... Banig
... Jocelyn Enriquez
... Kathleen Go-Quieng
... RR Herrera
... Caselyn Francisco
... Joed Serrano
... Mutya Crisostomo
... Gio Alvarez
... Guila Alvarez

at ang iba pang artisa/singer/etc. na sumikat noon pero nawawala na sa limelight ngayon?  :confused:


si banig nag audition sa american idol last year........di sya nakuha for top 12, she works as a waitress yata sa Vegas & also sing there.

i think si RR Herrera is now living together with another actor na si JP (gulong ng palad nung bata pa sya) they came out of the closet na
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: annanymous on May 28, 2006, 10:02 PM
Si JP De Guzman yon.  Sayang ang galing pa namang umarte non.

Dagdag sa list:

Jao Mapa
Ericka Fife
Eric Fructuoso




Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: angelmaries on May 28, 2006, 10:08 PM
Si JP De Guzman yon.  Sayang ang galing pa namang umarte non.

Dagdag sa list:

Jao Mapa
Ericka Fife
Eric Fructuoso






Eric Fructuoso ba yung nasa Panday?
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: kahel on May 28, 2006, 10:13 PM
Di ba si Jericho Rosales ang panday?
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: nailbiter on May 29, 2006, 08:01 AM
Oo, nasa Panday din si Eric Fructuoso.

Si Jaypee de Guzman alam ko lumabas sa The Buzz para ireklamo yung Out, kasi pinipilit siyang magpa-interview, e hindi raw talaga siya gay. Na-tsismis nga sila ni RR.

Hindi si Banig yung nag-audition sa Idol. Si Zhar yon, headliner ng Smokey Mountain Batch 2, soloist sa "Paraiso."

Si Jao Mapa, briefly lumabas para mag-comeback pero wala rin yatang kumagat.

Si Erica Fife, alam ko photographer na ngayon ng isang glossy mag, not sure which though.

Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: yoko on May 30, 2006, 08:08 AM
si maybilyn dela cruz, taga sa amin yun eh...di sya pinapansin dun pero pag naglakad yun dun feeling artista talaga...kahit nga sa mall kung san sya namimili din rin sya pinapansin....wala lang, di naman kasi sya big time... :D
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: nailbiter on Jun 02, 2006, 03:30 PM
Si Jao Mapa may bagong KFC tv ad.
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: aleckxis on Jun 02, 2006, 04:54 PM
OT:
si maybilyn dela cruz, taga sa amin yun eh...

yoko san location mo Sa Pinas?


Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: nailbiter on Jun 02, 2006, 05:00 PM
^Uy, gusto ni aleckxis ng exact location ni Maybelyn. :D
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: kumiko on Jun 07, 2006, 05:48 PM
located si maybelyn dela cruz dito sa las piñas  :) nakita namin sya one time sa video city wala lang maputi sya hindi nga sya pansinin  :-D
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: kumiko on Jun 07, 2006, 05:54 PM
Dagdag pa natin sina:
monica herrera
kristina paner
jeric raval
jovit moya
 
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: angelmaries on Jun 14, 2006, 09:17 PM
Si Tina Paner yata kumakanta sa Europe, not sure kung san dun coz i watched Daisy ung mom nya sa the buzz dati tungkol sa tatay ng anak ni Tina  :D
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: angelmaries on Jun 14, 2006, 09:25 PM
^Uy, gusto ni aleckxis ng exact location ni Maybelyn. :D

lol baka fan sya ni maybelyn joke lang mare  :-*
Title: Re: Nasan na sina.... ?
Post by: yoko on Jun 15, 2006, 11:12 AM
OT:
yoko san location mo sa Las Pinas?


Sa Talon kami, sa may tapat ng Five Wounds Church....yung may botika sa kanto dun sa looban sila Maybelin  ;)
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: FutureGizmo on Nov 19, 2006, 03:24 PM

Dagdag pa natin sina:
jeric raval
jovit moya
 


Si Jeric Raval di ba lumabas pa sa dance show ata ni Lucy Torres sa Ch. 5 (o sa Ch. 2 ba siya lumabas)? Si Jovit Moya parang konsehal ng isang siyudad sa Metro Manila tama ba?

Ako naman, san na

- si Jocelyn Enriquez (of the "Do you miss me?" song)?
- ang Yano?
- The Youth?
- Siakol?
- Orient Pearl?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: nailbiter on Nov 19, 2006, 04:20 PM
Pulis pa rin ata si Jovit Moya. Ang alam kong konsehal sa Maynila si Robert Ortega.

Si Dong Abay ng Yano ay may solo album na ni-launch mid this year, Flipino. Ang husay pa rin. Di ko napanood yung Myx Live performance niya pero may suot daw siyang t-shirt na "Oo, ako nga yung kumanta ng Banal na Aso" :D
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: FutureGizmo on Nov 19, 2006, 05:19 PM
A oki, tenks nb.
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: nailbiter on Nov 30, 2006, 09:10 AM
Nabanggit sa isang thread e. Nasan na si Tommy Abuel?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: raptorx20 on Jan 10, 2008, 09:15 PM
si maybelin nakita ko sa mall. si jaypee de guzman ang last na alam ko nagpa-plug sa mga producers para bumalik sa showbiz. si guila alvarez nakita ko sa isang bar sabog na sabog. dagdag sa list asan na si lady lee at bamba?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: sugarol on Jan 10, 2008, 09:26 PM
si madam auring kya san na?  :hihi:
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: metanoia23 on Sep 22, 2008, 11:38 PM
Si Madam Auring ang alam ko nasa Isetan Recto sa ground floor nanghuhula pa rin kung sino ang prince charming na papakasalan nya.....
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: tequila on Jan 30, 2009, 05:17 PM

Si Joed Serrano e promoter na ngayon ng mga show sa Japan.

Si Kathleen Go-Quieng, nang huli kong makita sa Eat Bulaga, graduate na ng MassComm.

:-D
kathleen go Quieng, career and placement officer na sa St. Pauls QC ganun pa rin itsura nya lumaki lang hehehe
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: prodlinetrading on Jan 30, 2009, 05:36 PM
san na din kaya sina stella suarez saka si amanda page at si glaiza heradura?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: dioj on Oct 17, 2010, 06:28 AM
Nasan na kaya sina Rosemarie Sonora tsaka si Monica Herrera?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: CaMoTe on Oct 17, 2010, 11:13 AM
si jovit moya pulis...  sa manila police district at lantad na isang bading na pulis... hahaha... 

in fairness, siya naman ay officer... huling nakita ko siya inspector (tiniyente) e....  kung nagschooling siya malamang senior inspector na siya ngayon (kapitan)...

Post Merge: 1287285526
asan na kaya si weng weng???  siya ang aking idol na ahente!!! hehehe... 

for some weird reason, sikat siya sa france...
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: prodlinetrading on Mar 05, 2011, 11:47 PM
c weng weng neighbor ko sa baclaran. matagal na syang patay
si jovit moya pulis...  sa manila police district at lantad na isang bading na pulis... hahaha... 

in fairness, siya naman ay officer... huling nakita ko siya inspector (tiniyente) e....  kung nagschooling siya malamang senior inspector na siya ngayon (kapitan)...

Post Merge: 1287285480
asan na kaya si weng weng???  siya ang aking idol na ahente!!! hehehe... 

for some weird reason, sikat siya sa france...
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: freefront on Mar 06, 2011, 09:14 AM
Cogie Domingo. Asan si Cogie!
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: CaMoTe on Mar 09, 2011, 01:21 AM
c weng weng neighbor ko sa baclaran. matagal na syang patay

ano kinamatay boss???  maayos naman naging buhay niya??
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: prodlinetrading on Mar 10, 2011, 11:00 PM
i forgot the cause of death tagal na po ksi nun bagets pa ko that time...simple life lang po sya. sa unida st. in baclaran sya nakatira near airport road dun din sya binurol sa haus nila
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: KokoyHermano on Jun 20, 2012, 11:35 PM
SLN si weng-weng... (alang katulad kahit si Dagul hindi inabot ang taas ng estrella ng ating maliit na James Bond hehe)

Action stars pa rin tayo. Nasaan na si Dante Varona? Hindi ba siya nabalda after talunin niya ang San Juanico Bridge?

Teka.. followup din sa naunang tanong. Nasaan na si Amanda Page?!  :rakenrol:
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: SirZap on Jun 20, 2012, 11:47 PM
si Dante Varona sa pagkakaalam ko nasa America. ang huling trabahong alam ko security guard.
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: Palamig on Jun 21, 2012, 01:01 AM
Nasaan na si Anonette Taus at kapatid na si Tom Taus?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: akoni on Jun 21, 2012, 08:34 AM
At saka si Hero Angeles? nasaan na?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: KokoyHermano on Jun 21, 2012, 12:03 PM
si Dante Varona sa pagkakaalam ko nasa America. ang huling trabahong alam ko security guard.

salamat sa pagsagot. it's sad na hindi maalaga ang industriya natin sa mga artista pag wala na sila sa limelight. "hari ng stunt" naging sekyu. sana he's earning well enough to enjoy his life. 'di tulad sa Tate, kahit laos na ang isang action star nakakabawi pa minsan (incomparable din kasi ang laki ng Hollywood kumpara sa local film industry natin). Pero sa ibang Asian countries kaya... gaya ng Bollywood o Hong Kong... Off-topic na ang ranting ko...

thanks uli, SirZap!
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: bloomerman on Jun 21, 2012, 02:20 PM
At saka si Hero Angeles? nasaan na?


Edi laos na, kaya nga wala nang project eh, taas kasi ng tingin sa sarili... Sumobra Yabang
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: PHPinoy on Jun 21, 2012, 02:55 PM
Nasan na sina Michael Locsin and Direk Eddie Romero??
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: stockbreaker on Jun 21, 2012, 02:56 PM
Nasaan na si Cynthia Luster?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: bloomerman on Jun 21, 2012, 03:01 PM
Nasaan na si Cynthia Luster?

Wrong thread ka ata? Pinoy Celebrities alam ko pinag uusapan dito..
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: stockbreaker on Jun 21, 2012, 03:04 PM
Wrong thread ka ata? Pinoy Celebrities alam ko pinag uusapan dito..

Sir, pakicheck po yung title. May nakalagay bang "Pinoy Celebrities"? And by the way kilala mo ba si Cynthia Luster?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: Palamig on Jun 21, 2012, 05:07 PM
Ahhh...  si cynthia... ung leading lady ni vic sotto noon...
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: stockbreaker on Jun 21, 2012, 05:13 PM
Ahhh...  si cynthia... ung leading lady ni vic sotto noon...

kurik! once upon a time in manila ata yun :)
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: Palamig on Jun 21, 2012, 05:23 PM
Nasaan na si Jocko Diaz?  :help:
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: stockbreaker on Jun 21, 2012, 06:10 PM
Nasaan na si Elizabeth Oropesa? :violin:

Post Merge: 1340274078
Nasaan ka Elisa?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: Palamig on Jun 21, 2012, 06:46 PM
Nasaan na si OSANG?!!
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: KokoyHermano on Jun 22, 2012, 12:02 AM
kurik! once upon a time in manila ata yun :)

Yap, si cynthia luster - sabi ng wikipedia - ay si Yukari Oshima  http://en.wikipedia.org/wiki/Yukari_Oshima (http://en.wikipedia.org/wiki/Yukari_Oshima). Active siya as actress from 1984 to 2004. Haponesa pala! Akala ko Intsik. hehehe

Pero na-cast siya noong 2011 sa Legendary Amazons  http://en.wikipedia.org/wiki/Legendary_Amazons  (http://en.wikipedia.org/wiki/Legendary_Amazons)
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: Palamig on Jun 22, 2012, 06:48 AM
E, SI Pipoy nasaan na rin?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: GoodSteward on Jun 22, 2012, 06:57 AM
^matagal na sumakabilang buhay na po si pipoy
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: businessmind on Jun 22, 2012, 10:39 AM
Si Basilio?..Nasaan si Basilio????  :hihi:

pwra biro, ang gusto ko malaman is kung kamusta na and nasaan si cita astals..last ko napanood is parang na flip yata yun, d ko lang alam kung may tumulong sa kanya..
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: cloudburst on Jun 22, 2012, 12:51 PM
Cita Astals, medyo ok na ata uli. Working as a call center agent, tapos I think she's taking medication. Parang napanood ko sa rated K.
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: businessmind on Jun 22, 2012, 04:43 PM
at least naka recover na sya, tama rated k ko yata napanood yun..talented rin yun eh
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: bloomerman on Jun 22, 2012, 06:32 PM
Naalala nyo pa ba si Kuchupuppy?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: Palamig on Jun 23, 2012, 12:19 AM
Naalala nyo pa ba si Kuchupuppy?


Si Sam un... Sam Kuchupappy...

Post Merge: 1340382039
^matagal na sumakabilang buhay na po si pipoy

Patay na pala si Pipoy dre, actually ngayon ko lang nalaman. Maraming Salamat.
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: prodlinetrading on Oct 07, 2012, 12:09 AM
nasan na si marco polo at manolet ripol?
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: impigean on Nov 01, 2012, 01:13 PM
kita ko today(oct 31,2012) si jovit moya d2 sa seafoods city las vegas...bading na bading na hehhe kc may kasama lalake habang pumipili nag isda hehhe lol
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: mglorioso on Nov 01, 2012, 04:30 PM
Nasaan na si OSANG?!!

Si Osang ay madalas nakikita sa isang magandang hotel dito sa Dubai... ayaw ko na lang manghusga pero may kasama siyang arabo.. lol

Post Merge: 1351758676
Noong collage days ko (2001-2006), nakikita ko si Alfred na nagwowork sa Jollibee sa Carriedo, Quiapo. Nakalimutan ko last name pero siya yung dating nasa Ang TV.
Title: Re: Nasan na sina.... ? (Celebrities version)
Post by: vhinsent08 on Nov 01, 2012, 04:35 PM
si idol  jeric raval?