PMT Forum

All Topics except Money and Business (Ads not allowed!) => Entertainment and the Arts => Topic started by: Pr1meBiz on Aug 08, 2009, 07:00 PM

Title: Willie Revillame's Controversy
Post by: Pr1meBiz on Aug 08, 2009, 07:00 PM
Title: Re: Willie Revillame's Arrogance
Post by: puzzlebox on Aug 08, 2009, 07:14 PM
di po ako agree dito..

napanood ko rin po ito.. di ko po gusto si willie pero namisundertood po talaga yung ibig nyang sabihin.. yung sinasabi nyang masakit para sa kanya e yung pagkamatay ni president cory at HINDI YUNG NAGPAPAKITA NG KAY PRES CORY SA SHOW NYA. sinasabi nyang masakit e yung magpasaya sya samantalang may namatay na gaya ni president cory.

mahirap nga naman magpatawa na may ganun.. dapat din IEMPHASIZE na sinabi nya na YUN NA LANG IPAKITA kung ganun din lang. Na kung iisipin e dapat nga naman.. Tingin ko pagkakamali to ng ABS-CBN at di dapat sisihin si Willie. GUSTO PO NI WILLIE NA IPAKITA YUNG KAY PRESIDENT CORY.. ABS-CBN po ang dapat sisihin. Napanood ko rin sa TV Patrol na sinabi nya na before pa nung incident na yun na pagbigyan yung kay PRESIDENT CORY.. so di dapat sya ang sisihin kundi ABS-CBN..

kung napanood nyo po siguro nung simula pa lang, e maiintindihan nyo sya. kumanta pa nga sya sa umpisa ng para kay president cory na ginawa nya since namatay si president cory. masyado lang naging bias yung comment ng iba dahil ang gusto nila mapanood e yung kay president cory..

again di ko po gusto si willie.. madalas sa EB nga po ako nanonood (PINOY HENYO!) pero dahil parang channel 2 lang may exclusive coverage nung kay president cory e napanood ko yung episode na yun..
Title: Re: Willie Revillame's Arrogance
Post by: Pr1meBiz on Aug 08, 2009, 07:27 PM
tsk tsk... may point si Willie Revillame, pero sana sinabi niya ng maayos at o kaya kung galit siya hindi na lang siya nagsalita on-air.....

TAMA sabi ni Chairman Laguardia, Dapat siya ang nawala sa ere.


http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly
Title: Re: Willie Revillame's Arrogance
Post by: puzzlebox on Aug 08, 2009, 07:36 PM
again.. di po si willie ang dapat sisihin kundi abs-cbn kasi sila gumawa ng ganung decision.. sinasabi po ni willie na kung ipapakita rin lang yung kay president aquino e yun na lang ipakita.. wag po sisihin si willie..
Title: Re: Willie Revillame's Arrogance
Post by: Pr1meBiz on Aug 08, 2009, 07:38 PM
Everybody is entitled to his/her own opinion..as simple as that
Title: Re: Willie Revillame's Arrogance
Post by: puzzlebox on Aug 08, 2009, 07:42 PM
and everybody is entitled to show his side of the story.. at di yung nagjjudge na yung iba e di pa alam yung side ni willie. ilagay nyo po sarili nyo sa sapatos ng iba at wag lang bara bara ang opinion kasi may nag-email sayo at baka napanood mo sa youtube.. :P
Title: Re: Willie Revillame's Arrogance
Post by: Pr1meBiz on Aug 08, 2009, 07:58 PM
Willie apologizes anew, MTRCB eyes sanctions

http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/08/07/09/willie-apologizes-anew-mtrcb-eyes-sanctions
Title: Re: Willie Revillame's Arrogance?
Post by: puzzlebox on Aug 08, 2009, 08:13 PM
the link shows my point of view which is willie's side..
Title: Re: Willie Revillame's Arrogance?
Post by: Pr1meBiz on Aug 08, 2009, 08:32 PM
What we are against here is his arrogance..

http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly
Title: Re: Willie Revillame's Arrogance?
Post by: Jollighe on Aug 08, 2009, 08:35 PM
Well. he is the head of the show, he could've postponed the whole show or part of the show to give way to Pres. Aquino's.

The bottomline is that it was done in bad taste. what he did was not a good example to children.
Title: Re: Willie Revillame's Arrogance?
Post by: sakura on Aug 08, 2009, 09:03 PM
i can't blame people na nagalit kay willie, kasi ilang beses na rin kasing gumawa ng kabastusan tong si willy sa show nya.
Title: Re: Willie Revillame's Arrogance?
Post by: ric_TNT on Aug 08, 2009, 09:09 PM
Hindi natin kayang pigilan ang mga tumatangkilik kay Willie Revillame kahit na napatunayan na ang kabastusan, kahambugan at kasinungalingan ng taong ito.

Kasi mas nakararami ang mga taong ang tanging nakikitang pag-asa ay ang makasali sa Wowowee, sila ang mga taong wala ng ibang makitang pag-asang maka angat ang buhay. Sila ang tunay na mukha ng naghihikahos nating bansa. Pati nga boto nila ay ipagpapalit nila ng isang latang sardinas upang makatawid ng isang kain sa maghapon. Hindi na nila inaalintana ang pambansang kinabukasan.

Kaya kahit me pagka arogante si Willie, mas marami pa rin umiidolo sa kanya, yan ay dahil mas marami ang nabubuhay below poverty line sa ating bansa.

Title: Re: Willie Revillame's Arrogance?
Post by: tutoy on Aug 08, 2009, 09:22 PM


Hindi lang si Willie ang arrogante at bastos sa mga nangyari pati yung mga nasa production management ng show dahil responsibility nila yan,parang sinadya i-ere yung litanya ni willie para pag-usapan yun show nila later ganun ba sila katanga para ma-overlook yun ng production management , baka kung buhay lang si MArcos ipapasara nya ulit yan ABS-CBN :hihi:.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: neo on Aug 08, 2009, 09:49 PM
What's new?!!!! So hypocrite and arrogant.

May tamang word naman siguro para sabihin yun...

I agree, Pr1meBiz.:)
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: tops5450 on Aug 08, 2009, 10:07 PM
Ke mapa politika at showbiz, they got to create a scene na mapag-usapan sila to make a name for themselves :rakenrol:
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: bizmen on Aug 08, 2009, 10:18 PM
give him punishment this time not only simple days suspensions, many times na sya naging bastos & mayabang...he should learn the lessons before pa but he's doing doing again  di na natuto :watchuthink:
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: sakura on Aug 08, 2009, 10:31 PM

never liked him even from before, pero ewan ko lang ano meron siya at di mapakawalan ng abs.


oo nga yan din pinagtataka ko, eh ang plastik naman ng dating nya sa kin, nakakainis ung nilalagyan pa ng drama yung show nya pag may tinutulungan sya
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: madoff on Aug 08, 2009, 11:16 PM
Hangga't may mahirap, di nyo kayang tibagin si Willie, kahit ano pa ang gawin nya, as long as marami ang nagugutom, wowowillie, abs cbn and the likes will rule. The poverty business is the most lucrative business there is and is being exploited by both the private sector and the government itself.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: graphene on Aug 08, 2009, 11:19 PM
^nothing gets more true than that. sad but sooooooooo true. :( kaya i like eat bulaga more.  :hihi:
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: jaspa on Aug 08, 2009, 11:20 PM
Willie didn't want his show to get "upstaged" by the Cory funeral procession.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: tops5450 on Aug 08, 2009, 11:29 PM
Its so sad na marami sa mga kababayan natin ay nasa poverty line kung kaya't iniidolo nila siya. Kasi they think of him as the means to  an end. :hihi:
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: beast_master on Aug 09, 2009, 12:30 AM
Sana sa kin na lang ibigay ni willie yung mga perang  pinamimigay nya sa wowowee para di na ko mag co-comment dito..Willie Revillame kung nababasa mo to.. :thanks:
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: GoodSteward on Aug 09, 2009, 07:14 AM
I also prefer to watch eat bulaga than wowowee..

But in this case....i think its unfair to put sanction or even just considering to put sanction to willie and his show...May regulation ba na nagsasabi na bawal magyabang? He didnt say any bad(vulgar) words...Marami dyan mga pulitiko pag iniinterview ubod ng yabang, so meaning programs who guested them should be considered to have sanction din?

My point is, kung marami nabadtrip kay willie at feel offended sa comments niya, then they wont watch the show anymore, ratings will show, it will go down, and eventually wowowee will go off air.

For me, suamsawsaw lang sa issue ang MTRCB.

Though his comments are quite offensive and sensitive, we should respect his opinion, as one poster said.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: puberer on Aug 09, 2009, 10:06 AM
tulad ng sabi ni vic sotto sa eat bulaga.

" ang baboy kahit palamutian mo pa ng puro ginto, baboy parin "

alam naman natin lahat ang totoong ugali ni willy dati.  kung mabait siya ngayon, yun ay dahil yun ang dapat niya gawin.  na kunwari mabait at tumutulong siya sa mahihirap.  pero ang totoo, hindi naman siya ang natulong kundi yung mga sponsor at mga nag donate sa show nila.  

kung madalas kayo manood ng show niya, pansinin nyo pag nagkamali yung dancer niya or yung sounds nila, nakasimangot kagad siya.  kadalasan pa nga yung mga contestant pag hindi nasunod yung gusto niya or makulit, sisimangot na siya.  dun palang alam mo plastik na.  

mataas na ang ere ni willy kasi nga naman mapera na siya.  ikaw ba naman mag lalakas loob na magsalita ng ganun?  

maaawa lang ako sa mga tao na nauuto ni willy.  


Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: reygie on Aug 09, 2009, 10:40 AM
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: just1362 on Aug 09, 2009, 04:20 PM
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: ric_TNT on Aug 09, 2009, 04:47 PM
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: uranium698 on Aug 09, 2009, 05:11 PM
I hate wowowee... parang ginagawa na lahat ng contestant para maging katawa tawa sya kapalit ng pera na syang nakikitang tanging pag-asa... tama na yung mga 5 episode na napanood ko sa kanila buhat ng magsimula sila hahaha


Hindi natin kayang pigilan ang mga tumatangkilik kay Willie Revillame kahit na napatunayan na ang kabastusan, kahambugan at kasinungalingan ng taong ito.

Kasi mas nakararami ang mga taong ang tanging nakikitang pag-asa ay ang makasali sa Wowowee, sila ang mga taong wala ng ibang makitang pag-asang maka angat ang buhay. Sila ang tunay na mukha ng naghihikahos nating bansa. Pati nga boto nila ay ipagpapalit nila ng isang latang sardinas upang makatawid ng isang kain sa maghapon. Hindi na nila inaalintana ang pambansang kinabukasan.



Hangga't may mahirap, di nyo kayang tibagin si Willie, kahit ano pa ang gawin nya, as long as marami ang nagugutom, wowowillie, abs cbn and the likes will rule. The poverty business is the most lucrative business there is and is being exploited by both the private sector and the government itself.


e pano naman pag nagkatototo ito? (nakuha ko sa ibang forum)

Quote
Napanood nyo ba ang report ng ABS-CBN kay Willie Revillame kung paano niya idinaos ang kanyang Holy Week?

Sabi niya dun meron daw siyang malaking ia-announce sa Wowowee sa 2010. At eto nga daw ay isang political move, ayon sa reporter. Hindi niya sinabi na tatakbo syang senador, pero meron akong napansin nang sinabi niya na merong bago sa 2010. Hmm...

Sa palagay ko kasi, kung sakali mang tatakbo sya sa politika, hindi niya pupuntiryahin ang mga mababang pwesto. Bakit? Eto ang aking analysis:
1. Marami na siyang koneksyon, este kaibigan, sa politika (Jinggoy, Bong, etc.)
2. Malakas siya sa masa (mala Erap).
3. Kaya niyang lumusot sa mga gusot/kontrobersya (ala-Erap talaga).
4. Sigurado na meron syang partido (sa yaman niyang yan, magkukumahog o di kaya'y pag-agawan siya ng admin at oposisyon).
5. Malawak na ang kanyang exposure (in-demand sya, hindi lang locally, pero patok din sya sa mga migrante nating kababayan).

Ano sa palagay niyo?


pano kung tumakbo ngang senador ang lolo nyo? :D
magiging isang malaking circus na ang senado... isang comedyanteng arogante, basketbolista, sirkero...whaha! ewan.. bahala na kayo...   :basketbal
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: laurelie on Aug 09, 2009, 06:01 PM
Sobrang arogante kasi si willie kaya pati ang paghingi nya ng tawad ay hindi mo mafeel ang sincerity.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: mangben on Aug 09, 2009, 08:38 PM
Ang masasabi ko lang

KAHIT SINO ILAGAY MO DYAN SA WOWOWEE, tatangkilikin yan ng masa.
Maganda pa nga kung si Edu Manzano ilagay dyan
sigurado ako magkiklik lalo ang show na yan.

Sa aminin man nya o hindi, bastos talaga at arogante ang taong yan.
Pwede naman nyang gawan ng twist yong nangyari
pero mas ginusto pa nya na magganun on-air
Tama lang ang sabi na 'ang tao pag nakarating na sa tuktok, tingin nya sa sarili nya di na sya babagsak'.

At hindi magiging leksyon sa kanya ito... malaki na nga ang ulo e!
Dapat suspendihin o sibakin na at palitan ng iba.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: Pr1meBiz on Aug 09, 2009, 08:43 PM
Nagpakatotoo lang naman daw po siya, sabi niya.. Totoong Arogante

http:// http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: GoodSteward on Aug 09, 2009, 08:51 PM
Indeed over the bakod yun comment ni Willie..as to the ratings ng show, let televiewrs be the judge. Pag sumadsad ang rating, no doubt byebye willie...

Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: mangben on Aug 09, 2009, 09:15 PM
Ganoon na nga siguro...

Huwag na munang panoorin for a few days
para malaman ng abs-cbn ang sentimyento natin.

I-boykot hangga't naroon pa sya
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: fashionista on Aug 09, 2009, 09:33 PM
Willie Revillame has forgotten how much she owes Cory Aquino....

He forget that Marcos sequestered a lot of properties from the Lopez's. Cory Aquino was the one who restored them back to the Lopez's. The Lopez's gives him his hosting job at ABS-CBN.

Please, don't give me that crap that he only likes to help poor people. Maybe it's more like taking advantage of their situation.  :bahalaka:
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: neo on Aug 09, 2009, 10:35 PM

Nagpakatotoo lang naman daw po siya, sabi niya.. Totoong Arogante
http:// http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly

So, license pala ang pagpapakatotoo para gumawa ng katar**ta**han?
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: rainmen on Aug 10, 2009, 12:06 AM
kung sa tatay ko nangyari to nung libing nya, baka pinaglalamayan na sya ngayon.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: Amberthe on Aug 10, 2009, 12:14 AM

Willie should apologize to the Filipinos.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: tops5450 on Aug 10, 2009, 12:30 AM

kung sa tatay ko nangyari to nung libing nya, baka pinaglalamayan na sya ngayon.


Bossing relax lang po kayo. Yang mga ganyang tao po ay di karapat dapat na pag-aksayahan ng panahon :rakenrol:
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: Pr1meBiz on Aug 10, 2009, 09:20 AM
eto pa.. e kung halimbawa kapatid mo itong ginaganito ni willie on-camera, ano kaya gagawin mo?

Pls. watch the video in you tube "SUSO NG AUDIENCE DINUNGGOL-DUNGGOL NG BRASO NI WILLIE REVILLAME"
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: proudpinay on Aug 10, 2009, 10:48 AM
si willie na yata ang pinakahindi recommended mapanood ng bata.. :D
kahit na sabihin nya na sasaktan sya or nahihirapan sa nakikita nya, siguro naman bilang may pinag-aralang tao alam mo yong right way of saying things na hindi ka makakasaga sa feelings ng iba..sensitive naman sya sa sitwasyon ng ibang tao pero baket dun sa dapat nyang bigyan ng respect eh hindi nya ginawa yon, bukod dun asa same network sila ni Kris sana respect na rin dun sa tao, sinabi na rin lang nya na mahirap magpatawa kung may mga taong nagdadalamhati at nasasaktan din sya, baket dinagdagan nya pa ng isang sakit ang nararamdaman ng mga tao..
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: wintan2006 on Aug 10, 2009, 12:57 PM
      eh paano kung sya yung pinaparada dun? :D ano yan eh...ano kasi diba? ano ...ano....Kung ako nanay nyang ANONG yan...pipingutin ko tenga nya tapos kakaladkarin ko yan hanggang memorial Park.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: homeschoolmomma on Aug 10, 2009, 01:18 PM
^Yeah, yeah, go, go, go, madam wintan!!   :rakenrol:

Kung ako ang naging nanay nyang si Willie ganun din ang gagawin ko-- pipingutin hanggang sa matutong gumalang.  Hmph!
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: WholesaleKid on Aug 10, 2009, 01:54 PM
mga engot ga kayo???   .... kung anu- ano pang paninira sinasabi nyo dito sa forum..bkt nde nyo sa puntahan at dun nyo sya murahin , pingutin o pagalitan........    Tingnan nyo nga muna sarili nyo sa salamin...  baka may panis na laway pa kayo....JOKE un...WAHAHAHAHHA


an takot ...haha
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: wintan2006 on Aug 10, 2009, 02:45 PM
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: homeschoolmomma on Aug 10, 2009, 03:06 PM
^Hahahaha!  Yan ang nanay, matinding dumisiplina!   :applause:
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: jerin on Aug 11, 2009, 04:03 PM
Naintidehan ko si willy sa sinabi nya during sa burial ni tita cory.. pero lumalabas kasi talaga ang ugali nya kaya tuloy marami ang nag react na... hindi nya kasi ma control ang pagsasalita nya kahit nakaksakit na sa iba. several times, almost every day sa wowowee, may masasabi syang pangit sa contestant or sa staff nya na pinapahiya nya at minamaliit nya to. baka ganun nga talaga sya or di nya to intention, pero pangit na hinahangaan sya tapos di maganda ang character nya......
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: lonely_planet on Aug 11, 2009, 06:49 PM
I understand the sentiments of willie about showing the inset video of cory while doing his show...BUT he should have said it off cam if he doesnt want it kasi madami talaga ang magagalit sa way ng pagkakasabi nya.Medyo rude kasi talaga ang pagkacommand nya sa staff nya na alisin ang video ni cory.Poor man, he has a lot of controversies to face..
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: jhe on Aug 11, 2009, 07:29 PM
as of August 11, 2009 (Tuesday) 7:30 PM

39878 Total Signatures

and still counting hehe..

bastos naman kasi niya..
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: madoff on Aug 11, 2009, 09:01 PM
Quote
Poor man, he has a lot of controversies to face..


Don't pity him, may mga binabayaran yan para mag worry para sa kanya, papalamig lang yan, tapos balik ligaya na naman.  :watchuthink:

Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: Pr1meBiz on Aug 12, 2009, 08:11 AM

as of August 11, 2009 (Tuesday) 7:30 PM

39878 Total Signatures

and still counting hehe..

bastos naman kasi niya..



Wow! Dami na nito ha.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: sicalsem on Aug 12, 2009, 09:02 AM

42097 Total Signatures na.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: Pr1meBiz on Aug 12, 2009, 09:33 AM
Dami pala ganda meaning ng Acronym na R-Evil-Lame.

Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: wintan2006 on Aug 12, 2009, 11:46 AM
           Yeah,there's no reason to pity him,he is in fact enjoying it.mas lalo syang paguusapan. :hihi:
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: Pr1meBiz on Aug 16, 2009, 12:51 PM
50,000 + na pala as of today, patuloy pang dumadami...
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: intelinvest on Aug 16, 2009, 08:41 PM
sana nun pa nila ginawa yan petition na yan sa Ultra Stampede pa lang, maraming namatay dun.. kaso dahil hindi mga kilala at puro mahihirap ang mga nabiktima, walang sumakay at ngayon wala atang nakakaalala man lang, katulad rin ng mga namasaker sa Hacienda Luisita at sa Mendiola.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: fudo787 on Oct 29, 2009, 10:06 AM
mali lng ang pagkasabi nya ng side nya..
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: nvtellan on Oct 29, 2009, 04:24 PM
May point naman si Willie dun sa Tita Cory cortege kaso ang mali nya eh bakit nagbitaw pa sya ng mga ganun salita on-camera.. sana off-cam na lang sya nagsabi.. ayan. nagmukha tuloy sya mayabang at nagmamalaki..
pinapili pa nya ang network kung sya ba or yun kay Tita Cory ang ipapalabas.
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: electroniccigarettes on Jun 28, 2011, 11:00 AM
mayabang na kasi talaga.. ilang beses na yan na suspendi pero wala paring ka dala-dala..dapat talaga hindi na bigyan ng show yan. marami pa namang iba dyan na puweding  ipalit sa kanya na mas kahihiligan ng tao
Title: Re: Willie Revillame's Controversy
Post by: elmostreet on Aug 01, 2011, 03:53 PM
No matter what negative thoughts about Willie, the show is still gaining high popularity. For some reason, I like their dancers that are hot and sexy. Sana puro sila na lang ipalabas at konti lang kay Willie. And its the reason why I watch Big Time Will time every afternoon.