Top

Justice for VJ Rubio!

March 25, 2009


Stocks, Mutual Funds, Forex, Finance Philippines
Make Money Online, Stocks, Mutual Funds, Philippines



Isa si Vincent Jan Rubio sa mga kasabayan ko sa Philippine Collegian ng UP Diliman. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, doon sa bubungan ng Vinzons Hall ang madalas naming tambayan kasama ang iba pang mga manunulat, para magyabangan/magbangayan tungkol sa iba’t ibang diskurso ng buhay.

Kadalasan, bote ng beer lang ang katapat ng aming mga problema noon. Lecheng pag-ibig? Isang lagok ng San Mig Light lang yan. Problema sa acads? Iniisip pa ba ‘yun? Haggard na presswork? Sige lang, rakenrol!

Pero kahapon, ilang libong bote ng alak man ay di kayang lunurin ang lagim na dala ng balitang wala na si VJ.

Natagpuan daw ang kanyang bangkay sa isang madamong bahagi ng Monterey Hills Subdivision sa San Mateo, Rizal. Nakakalungkot pero mas nakakapagngalit ang balita.

Hustisya, ang aming sigaw, para kay VJ Rubio. Hustisya para sa isang propesor, manunulat, kaibigan.

VJ’s old blog: D adventyurs of brown siopao


Get email updates from PinoyMoneyTalk.com


    Join the discussion! Post a comment below


    • http://www.pisigmarketingsolutions.com Paul

      @ James, Please extend my condolences to VJ Rubio’s family. May VJ find peace in heaven. I will pray for his soul and will ask for strength of his loved ones.

    • yellowbelle duaqui

      James, kahit wala na si VJ, mabubuhay sa puso nating mga kaibigan niya lahat ng kabutihang nagawa nya at sayang dulot nya sa samahan noon sa Kule. Dalangin ko ang hustisya para sa ating kaibigan dito sa lupa at ang kanyang kapayapaan ng loob at tunay na kaligayahan sa kanyang paroroonan.

      • http://www.pinoymoneytalk.com James | PinoyMoneyTalk.com

        @Paul, thanks very much.

        @YB, nice to see you here, although it’s sad that it’ll take the death of a friend to finally be in contact with you.

        Sana nga makamit ang agarang katarungan para kay VJ.

    • http://animotivation.blogspot.com elmot

      nakakalungkot naman ito… sana makamit nga ang katarungan para kay vj. nawala man sya, di pa rin matatapos ang laban nyang sinimulan

    Bottom