hello po,
im an OFW lang po at gusto ko po bumili ng lupa para sa Mama ko. Bandang Rizal po. Yung lugar po ay dinedevelop ng napakalaking real estate company (nsa may edsa po ang opisina). May mga ahente po na nag-alok sa akin ng partikular na lote na iyon. Nang ako po ay magbabayad na ng down, dinala po ako ng mga ahente sa isang opisina hindi po ng developer, sa opisina daw po ng may-ari ng lote ko kasi Joint Venture daw po. Pinakitaan naman po ako ng Certified True Copy ng titulo at dun daw po ako sa kanila lagi magbabayad ng monthly payment dahil in-house financing po ito. 1.Tama po ba iyon na sa kanila ako magbayad ng monthly payment ko at hindi po sa developer?
2. Pumunta po ako sa opisina ng developer kasi natakot po ako dahil bakit hindi sa kanila magbabayad. Dinala po ako sa Sales Office nila at sabi po nila share nga daw po ni SY iyong lote ko. Pero po ang nakalagay sa titulo na ipinakita sa akin, ang may-ari ay H.K. See.. ok lang po ba iyon kahit magkaiba spelling sa titulo at sa record ng developer?
3. Ano-ano pa po ang dapat kong gawin?
Salamat po sa sasagot at tutulong sa akn, God bless po!