Kung sa Divisoria ka bibili ng mga school supplies, dito ka pumunta sa BONUS MERCHANDISING. Dyan ako bumibili. Sa lahat ng mga nabilihan ko, sila ang pinakamura. Ang pwesto nila ay makikita lang sa bukana ng Juan Luna st.
Para hindi ka mahirapan mamili ay agahan mo ang pagpunta. Pagkatapos ng Mahal na Araw ay mamili ka na. Magsisimula na ang dagsaan ng mga mamimili sa April o May.
Uso ba sa lugar nyo ang mga spiral notebooks na tinantanggalan ng spring at tinatahi ng sinulid na yarn? Dito sa amin ay ganyan ang uso matagal na. Lahat ng tinda naming notebooks ay tinatahi namin.
Kung uso sa inyo yan, pwede ka makabili ng notebooks na tanggal na ang spring. Mababawasan na ang trabaho mo sa pagtanggal ng spring, mas mura pa ito ng P0.20 (beinte sentimos).
Ang binibili kong notebooks na walang spring ay P7.30 each lang...P7.50 kung may spring. Ang gagastusin ko sa pagtahi ay P0.25 sa yarn at P0.25 para sa magtatahi (per piece). Bale ang total cost ay magiging P7.80. PWede mong ibenta yan ng P10.00.
Plus P2.00 kapag may plastic cover na.
Palagay ko, 'yung sinasabi mong nagtitinda sa Bayan sa probinsya nyo ay wholesaler.Malamang direkta syang bumibili sa mga paper mills. Ang subukan mong i-canvass ay yung presyo ng mga retailers. Malamang aabot sa P12 per notebook.
Ang sinasabi mong P8.50 each na nootebook ay ADVANCE ang brand. Medyo mahal yan kasi maputi naman ang papel nya. May ibang brand naman na mapagpipilian na mas mura.Tanong mo lang sa tindera.
Sa totoo lang, sa lahat ng school supplies, sa notebook ang may pinakamaliit na kitaan. Malaki puhunan, maliit lang ang tubo.
Ang maganda pagkitaan ay ang bond paper (lalo na kung tingi), mga papel (Grade 1-6), Ballpens, markers, Illustration boards, Plastic covers, crayons, lapis, erasers, pencil boxes, sharpeners, cartolina, manila paper, art papers,folders,sliding folders, brown envelops Long and short, Plastic envelops long and short,porfolio (expanded envelop na may string) ABKD, window cards (para sa Math...A1, S1, D1, M1...A for addition, S for subtractions, etc.... P1.50 each ..pwede ibenta ng P5.each), rulers, protractors, triangle, CLAY, paper fasteners, round fasteners, paper cutters, thumbtacks, paper clips, etc.
Yan kumpleto na yata ang listahan ng dapat mong itinda.

Tinda ka rin ng University Notes (Big Notebook), math notebooks, spelling booklets (pang Grade 1-3 at pang Grade 4...ang pang grade 4 pwede na hanggang high school).
Dalawang klase ang plastic cover....Kung JUMBO Brand mas mahal pero makapal. Pwede na yung mas mura, okay naman gamitin kahit mas manipis ng konti kaya sa Jumbo. More than P50 per roll ang diperensya ng presyo nila. Saan ka pa? P12 per yard ang bentahan ng plastic cover.
20 cases/boxes ang binibili kong notebooks kada pasukan ...200 pcs/case). Minsan kinukulang pa yan...patakbo-takbo na lang ako sa Divisoria kapag kinukulang. Mahirap kasi bumili ng sobra-sobra dahil pagkatapos ng school opening, sa bandang July o August na ay babagal na ang bentahan. Matatali lang ang pera mo sa paninda mo.
Alamin mo rin kung namimigay ng libreng school supplies ang mga Barangay Captains nyo dyan. Malaking kabawasan din sa customers mo ang mga nabibigyan ng libreng school supplies.
Hmmmm....ano pa kaya....wala na ako maisip na i-tip.
Goodluck!
Posted on: Mar 12, 2008, 07:46 AM
Tinda ka rin pala ng mga ito:
Maps (of the Philippines (Physical Map at Political Map) , Asia, World), Table of Elements. P2.50 -P3.00 lang puhunan nyan, ang bentahan namin ay P8.
Postcards ng mga bayani, presidents, katutubong sayaw at magagandang tanawin. P1.00 puhunan, P3 ang bentahan.
Index cards (1/8,1/4, 1/2), Graphing papers, oslo papers, papel de hapon, crepe paper, felt papers, specialty papers (linen).
Paste, glue, watercolor, oil pastel, scotch tapes.